The Bermuda: 15
***
Draco's POVTinignan ko syang maigi. Ang babaeng akala ko'y patay na. Sampung taon palang ako ng huli ko siyang masilayan pero nakakasiguro akong siya ang nasa harap ko, aking ina. Napalunok ako at kumurap. Namuo ang katahimikan sa aming apat. Unti unting namuo ang luha sa aking mga mata. Mom.
"Mom" tangi kong nasabi. Humakbang ako at yinakap ko sya. At sa pagdampi pa lamang ng aming kutis ay tumulo na ang luha ko. Hindi ako makaganiwala. After nine years of longing, she's here hugging me. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Pangungulila. Saya. Kaba. Ginhawa. Galit.
Kumalas ako sa pagkakayakap. Pinunasan ko ang pisngi ko gamit ang likod ng kamao ko. Huminga ako ng malalim at saka tumingin sa mata nyang kulay pula.
"Mom, paanong nandito ka? Akala ko... akala ko patay ka na. Sabi ni Miss Gloria, patay ka na. Bakit 'di ka bumalik sa mundo natin? Bakit mo ako iniwan?" Nanghihinang tanong ko.
Ngumiti sya sa akin. How I miss her smile. A smile that a mother can only give.
"Maupo muna kayo" tanging sagot nya.
Naupo kami ni Olivia sa tapat ng bintana na binuksan ni Laxus kanina. Tumingin ako kay Olivia. Maging sya ay naguguluhan. I smiled at her. Mahal ko. Napatingin ako kay Laxus. He's staring at Olivia intently.
"Laxus, ikuha mo sila ng maiinom" Mom said.
Pinagmasdan ko ang aking ina. Napakadaming tanong ang gusto kong masagot. Magulo ang nararamdaman ko. Nang pumasok kami sa bahay ni Laxus, may mali akong napansin. I just can't pin point out. Pero ng nagsalita ang isang babae sa loob ng kwarto ay naguluhan ako. Kahit siyam na taon syang nawala ay tanda ko parin ang boses nya. Kahit kailan ay 'di ko nakalimutan 'yon.
"Nine years ago, we had a happy family" sabi nya ng mailagay ni Laxus ang inumin sa lamesa sa harap namin. Sinenyasan nya si Laxus na maupo.
"Pero nang malaman namin ng iyong ama, si Oliver, na nasayo ang kalahati ng crest ni Poseidon ay madamin nagtangka na kunin iyon. Isa na don si Gloria Hammersly at sa pagnanasa nya sa crest ay pinagtaksilan nya ako. Itinapon nya ako dito sa mundo ng Moon acre. Hindi ko alam kung paano bumalik sa ating mundo kaya hindi na ako nakaalis dito" paliwanag nya.
Pinilit kong intindihin ang mga sinasabi nya pero parang hindi pumapasok sa utak ko ang sinasabi nya.
"Pero ang sabi ni Miss Gloria ay dinukot ka ng mga magnanakaw at pinatay" sabi ko.
"Ganon ba ang sinabi nya? Mmm... ang babaeng 'yon!" Inis na sabi nya.
Bakas ang saya sa mga pula nyang mata.
"Pero... pero sino sya? Bakit tinawag ka nyang ina?" Turo ko kay Laxus.
"Sa mundong ito, hindi pwedeng wala kang kapareha. Kaya ng mapadpad ako dito ay wala akong nagawa kundi makipagkasundo sa kanyan ama"
"Nasan ang ama nya?"
"Dito sa bayan nila, ang mga taong walang elemental ability ay inaatasang gumamit ng sandata at dinidistino sa palasyo para maging sundalo"
Namuo ang katahimikan sa amin. Tanging ang mga huni ng ibon ang maririnig at ang marahang ihip ng hangin.
"Ngayong nasagot ko na ang tanong mo, pwede bang ako naman ang magtanong?" Sabi nya sa malumay na boses.
Tumango ako at ngumiti naman sya.
"Sino sya?" Turo nya kay Olivia.
"Ako po si Olivia Watson" magalang na sagot ni Olivia.
"She's the Princess Athena Jane of the lost city" dugtong ko.
Kumalat ang pagtataka sa mukha nya habang nakatingin sa amin.
"Isa syang prinsesa?" Takang tanong nya.
Tumango ako at pinaliwanag ang tungkol kay Olivia. Lahat ng tungkol sa Atlantis. Lahat.
"Pero paanong napunta kayo sa mundong ito?" Tanong nya.
"We're here to restore the crest of Poseidon dahil hangga't hindi naibabalik ang crest ay madamin mamatay. Gamit ang ability ng mga taga Durmstrang ay nakagawa sila ng portal" sagot ko.
Bumaling sya kay Laxus. "Paano mo sila nakilala?" Tanong nya.
"Sila Levi binubugog ako kanina. Tapos dumating silang dalawa. Linigtas nila ako kaya bilang kapalit, inanyayahan ko sila dito. Isa silang salta dito kaya't wala silang matutuluyan" sabi ni Laxus.
"Ah... Ina?" Biglang tawag ni Laxus
"Saan kayo nagmula? Ano yung sinasabi mong mundo nyo?" Takang tanong ni Laxus.
Nagkatinginan kami ni Mom. Tinanguan ko sya as a sign na pwede nyang sabihin.
"Galing kami sa mundo ng mahika, magic world sa ingles. Sa mundong iyon ay lahat ng tao ay may kapangyarihan. At ang pamilya namin ang isa sa mga matataas at prenteng pamilya sa aming mundo" sagot nya at nagpalabas ng isang kakaibang usok mula sa palad nyang nakalahad sa ere.
Napaatras si Laxus sa nakita. Agad na nawala ang usok sa palad ni Mommy. Nginitian nya si Laxus to say that he don't have to worry.
"Pero... babalik ka pa ba sa mundo nyo?" Nalulungkot na tanong ni Laxus.
"Hindi ko alam" nakayukong sagot ni Mom.
"Princess Athena, pwede ko bang malaman ang iyong ability?" Tanong nya kay Olivia.
Natigilan si Olivia. Lumunok sya at saka ngumiti ng pilit. "Actually, I had two different ability. Water controlled ability and enhanced senses and control" sagot nya.
"Kakaiba. Ngunit ano ang ability ng enhanced senses and control? Ngayon ko lamang narinig ang bagay na iyan"
Tumikhim si Olivia bago magsalita.
"I have the special ability of enhanced senses and control. I can shut down any of my senses if I want to. I can tolerate pain, blinding light and extreme noises but mostly kaya kong maramdaman ang panganib kahit ilang kilometro pa ang layo" paliwanag ni Olivia.
"Tulad ngayon, may nagmamasid sa atin. Babae sya at umaaligid sa bahay nyo." Walang ganang sabi nya.
Nagtatakang natigilan kami. Nagkatinginan kaming lahat. Nakakunot ang noo ni Laxus na sinilip ang labas sa bintana. Hanggang sa may kaluskos kaming narinig. Mula ito sa labas. Pinakiramdaman ko ang ingay. Lumabas si Laxus para tignan ang labas. Bumalik siya na para bang nagugulahan.
"Wala akong napansinng tao" usal niya.
***
BINABASA MO ANG
The Bermuda Triangle
FantasySya si Olivia Watson. Walang pangarap sa buhay, hindi alam ang gusto. Pero dahil sa kasalanan nang kanyang magulang ay inako nya ang kanyang responsibilidad. Nalaman nya ang katotohanan dahil lang sa nga insedenteng nangyayari tuwing byernes trese...