The Bermuda: 5

18 2 0
                                    

The Bermuda: 5

***

Lumipas ang isang lingo na hindi man lang nag-bago ang routine ko. Sa umaga ay maghahanda at kakain. Sa tanghali, hinahasa ang aking mga senses at sa hapon ay survival skills ang simasanay sa pamamagitan ng survival game. And the worst, sa bawat galaw ko ay lagi kong kasama si Draco. And everyday, I really want to punch his face to wipe that annoying smile-or should I say smirk. Sa tingin ko ay sumpa ang pagiging chosen one ko. Magiging biyaya lang ito kapag hindi ko kasama si Draco. That jerk.

Kumunot nang tuluyan ang aking noo dahil sa pagkapikon. Hindi ko kasi maabot ang gintong kahon na nakalagay sa itaas katabi ng wall clock. Isa itong kahon almost treasure chest na ang laman ay mga uri ng dagger. Isang buntong hininga ang pumailanlang sa tahimik na training room. Napa-buntong hininga ulit ako nang makita kung anong oras na. It's already dawn at hindi parin ako makatulog.

Tumingkayad uli ako sa upuan at sinubukan na abutin ang kahon. At halos mapasigaw ako sa gulat nang may bumukas ng gigantic door nang training room. Iniluwa ng pinto ang taong kinaiinisan ko. Naka midnight robe sya at halatang galing sa tulog dahil sa magulo nyang buhok. Pero ang mga mata nya. May kakaiba sa mata nya. Tila ba nagaalala sya at may hinahanap. "Draco?" Sabi ko.

Bakas ang gulat at gulo sa kanyang muka. Bumalot ang katahimikan sa pagitan namin. Ako ang nangahas na sumira ng katahimikan.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Sa pagsusuri ko ay ayaw nyang sumagot. Nadadama ng mga senses ko na may tinatago sya. Pero ano naman iyon?

Pero may pumukaw ng atensyon ko. Ang kahon na kanina ay inaabot ko. Ngayon ay nagbabadyang malaglag. Nanlaki ang mata ko ng matantong babagsak ito sa akin. At may biglang humila- hinila ako ni Draco. One second of danger, we fell to the marble stone.

Napapikit ako ng tumama ang likod ko sa sahig. Pain swallow me that made me wince. At isang malakas na pagbagsak ang narinig ko. Bumagsak ang gintong kahon. Tila isang batong mabigat na bumagsak sa bakal na sahig. It clattered and made a noise. At ilang segundo at tumahimik. Ako na nakapikit at nakahiga sa sahig.

Naramdaman ko ang isang hangin sa aking muka. At dumilat ako. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na nakapatong sakin si Draco. For the pete's sake! Hindi ako nakaimik at nakatingin lang sa kanya na ngayon na nakatingin din sakin. He smirk and gave a smile- a grin. At parang gustong gusto nya ang nangyari.

Dahil sa inis ko, tinuhod ko ang maselang parte nya at dahil don napaalis ko sya sa harap ko. Namamalipit sya habang hawak ang kanyang kayamanan. Tumayo ako at pinagpag ang damit ko.

"Pervert! Mabaog ka sana, letse ka!" Sigaw ko sa kanya at naglakad palabas ng training room. Hindi ko na pinansin ang mga daing nya at pagtawag sa pangalan ko. Hambog talaga ang lalakeng iyon. Nakakainis!

Nang makalabas ako sa training room. I almost face palm. Hindi ko natanong kung anong ginagawa nya sa training room nang ganitong oras. Nagdalawang isip ako kung babalik ba ako. Pero kalaunan ay naglakad ako papuntang kwarto ko. Tahimik lahat ng kwartong madaanan ko. Tanging huni ng ibon na nangagaling sa maliit na bintana sa taas. Naalala ko ang mga panahon na isa ako sa mga nagsisilbi dito sa Sheridan Palace. Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon na ako na ang pinagsisilbihan.

Nakarating ako sa kwarto ko. I almost curse ng matantong ngayon palang ako nakatapak dito mula kaninang umaga. Nagiging hectic na kasi ang schedule ko. Dahil palapit na nang palapit ang susunod na byernes trese.

Humiga ako sa higaan ko at hinayaan na makatulog and sarili sa kalaliman ng gabi.

---

Nagising ako sa katok na nagmumula sa labas ng kwarto ko. Kinukusot ko ang mata ko habang naglalakad papunta sa pintuan at ng binuksan ko ito ay nakita ko si Victoria. Nakangiti sya ng marahan at saka nagsalita.

"Tulog mantika ka pala" aniya saka sinabayan ng tawa.

Ginising nya ba ako para lang doon?

"Oh, before I forgot, pinapatawag tayo ng head master sa training room" sabi nya.

"Ngayon na?"

"Yes, tara?" Sabi nya kaya naglakad na kami palayo sa kwarto ko.

Nang makarating kami ay madilim ang training room. Hindi masyadong madilim ngunit hind rin maliwanag. At dahil sa adjusted sight ko, nakikita ko ng ayos ang lahat kahit hindi maliwanag.

May tatlong upuan na magkakadikit. Nakaupo si Draco sa unang upuan at sya palang ang nandito maliban sa amin at sa projector na nasa gitna. Sumenyas si Draco sa akin na umupo ako sa tabi nya. Hindi ko sya pinansing at naupo sa kabilang dulo ng upuan kaya si Victoria ay umupo sa gitna. Kahit 'di ko tignan si Draco ay alam kong nakasimangot sya habang nakatingin sakin.

Pero ang ikinagulat ko ay tumayo sya at lumipat ng pwesto sa tabi ko. Napa-face palm ako dahil sa ginawa nya. Parang bata.

Ilang saglit ay nagsalita si Victoria.

"Paparating na sila"

I know. Kanina ko pa sila nararamdaman.

Pumasok sina Head Master kasama ang isang babaeng naka emerald green cloak. Nasa mid forty sya at masasabi mong mabait sya dahil sa ngiti ng labi nya.

Draco smirk beside me. Pero 'di ko sya pinansin. Kalauna'y nagtanong ako sa kanya.

"Sino sya?" Bulong ko kay Draco.

"Sya si Gloria Hammersly. Kaibigan ni Dad" sagot nya.

May itatanong pa sana ako pero nagsalita na si Miss Gloria.

"Good morning sa inyo" bati nya pero sa akin lamang sya nakatitig. Hindi kumukurap na nakatingin sakin. Tinitigan ko sya gaya ng ginagawa nya.

May kakaiba sa kanya. I knew it.

Tumikhim si Head Master kaya inalis nya ang tingin sakin. Nagsimula ang meeting (if this is a meeting) tungkol sa mga maari namin makaharap sa moon acre ngunit ilang beses kong nahuhuli na nakakatitig sakin si Miss Gloria at napansin din ni Draco iyon

Nagtataka ako dahil tila magkakakilala na sila Draco at Miss Gloria.

Sino ka ba

The Bermuda TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon