The Bermuda: 10

8 2 0
                                    

The Bermuda: 10

***

"Gising na... huy... Oooliiviiaaa..." ingay nang kung sino habang tinatapik tapik pa ang aking pisngi.

"Mmm..." I mumbled.

"Napakatulog mantika mo" reklamo nya.

Unti unti kong dinilat ang mata ko at una kong nakita ay ang mukha ni Draco na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. At dahil sa inis ko ay pumikit ulit ako dahilan para mainis sya.

"Pag hindi ka bumangon hahalikan kita" usal nya.

Hindi ako gumalaw at nagsalita.

"Hahalikan talaga kita" ulit nya.

Hindi ako nagreact.

"Isa..." sabi nya.

Wala parin akong ginawa.

"Dalawa..." bilang nya.

Hindi ako gumalaw tulad kanina. Hangang sa may naramdaman akong napakalambot na kung anuman na dumikit sa labi ko. 'di ako nakagalaw hindi dahil ayaw ko, kundi dahil nagulat ako. Agad akong dumilat at halos maduling dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kaya agad ko syang tinulak at bumangon sa kama habang nakatakip ang palad ko sa labi ko.

Nagtitigan kami ng ilang segundo. Umabot ang galit sa ulo ko to the point na maginit ang muka ko. Padabog akong umalis sa kama at mabilis na lumabas ng infirmary. Hindi ko magawang magsalita sa galit. Wala syang galang sa babae.

Mabilis akong naglakad sa hallway. Narinig ko ang paglabas ni Draco sa kwarto na tila nagulat sa inasal ko. May ilan akong nakasalubong na handmaid at tagapagluto. Sila na ang kusang tumabi at gumilid nang makita ang ekspresyon ko.

"Olivia" tawag nya sakin at tumakbo papunta sakin.

Hindi ko sya liningon. Tumakbo uli sya at inabot ang braso ko. Humarap ako sa kanya at sinampal sya. Nakaramdam ako ng guilt. Hindi nya naigalaw ang ulo nya dahil sa gulat at maski ako ay nagulat din ngunit 'di ko pinahalata. Walang salita na iniwan ko sya at dumeretcho sa kusina ng palasyo. Naabutan ko si Senior sa harap ng kalan habang naghahalo ng linuluto. Isinara ko ang pinto dahilang para mapatingin sya sakin maging ang ibang tagapagsilbi. Ang iba ay kumaway sa akin. Sinuklian ko sila ng ngiti at saka naglakad kay Senior.

"Olivia, mabuti't nadalaw ka" aniya. Ngumiti sya sa akin. How I miss her warm smile. It remind me how much I grew up and how she raise me up.

"Sa palagay ko kasi Senior, bilang na ang araw na makakadalaw ako dito" sabi ko at saka ngumiti ng mapait.

She pause and smile. May kaunting luha na lumitaw sa mga singkit nyang mata. Binitawan nya ang panghalo nya at humarap sakin. Yinakap nya ako ng mahigpit at hinihimas ang ang aking likod. Hindi ko mapigilan na malungkot knowing that one of these days, I'll go off Sheridan palace without a chance to get back.

Narinig ko syang tumangis. I cant help but to hug her. "Magiingat ka, anak" usal nya.

Napatingin ako sa mga iba naming kasama sa silid. Nakatingin sila sa amin. Wala silang sinasabi pero ramdam ko ang tahimik nilang pagpapaalam.

"Hanggat kaya ko, babalik ako" sagot ko.

Kumalas sya sa pagyakap at tumingin ako sa mata nyang may luha pa. Ngumiti sya at saka hinawakan ang pisngi ko.

"Pangako mo iyan, hija ah" sabi nya at tumango ako. Pinisil nya ang pisngi ko at saka humarap muli sa linuluto.

Kumain kami kasabay ang mga tagapagsilbi. Matapos ay pumunta ako sa kwarto ko para maligo. Pakiramdam ko ilang taon din akong hindi nakatapak dito. Matapos kong maligo ay dumeretcho agad ako sa training room. Ni hindi ko makita ang anino ni Draco kahit saan kaya nakahinga ako ng maluwag. Dalawang araw na lang, aalis na kami dito sa Durmstrang. Naisip ko ang dadalin ko sa moon acre ay pana at palaso. Hindi ko alam kung bakit basta iyon ang gusto ko. Matapos kong magensayo sa real life simulator gamit ang pana at palaso ay tagaktak ang pawis na lumabas ako ng training room. Noon ko lang mapagtanto na hapon na nang lumabas ako. Dumeretcho akong muli sa kwarto ko para maligo at pagpahinga. Nagising ako ay gabi na. Bumangon ako at tinignan ang wall clock. 1:35 am. Kinuha ko ang libro ng Atlantis. Pumunta ako sa bintana at hinawi ang kurtina. I can see the dark vast place. Makakabalik pa kaya ako?

Binuklat ko ang libro. Hanggang sa may nahulog na litrato galing sa libro. Pinulot ko ang litrato sa sahig. Litrato ito ng isang pamilya. Isang royal family. Isang reyna at hari. They look elegant yet familiar. Kumurap ako at tinignan ang sangol na pangko ng reyna. She looks so beautiful with her tiara. Stunning with her lovely expensive crimson ruby earings. Binaliktad ko ang litrato at nagulat sa nabasa. With dark blue ink, nakasulat ang isang pangalan. Princess Athena Jane I.

Pumatak ang 'di inaasahang luha mula sa kanang mata ko. Halo halong tanong ang pumutok sa utak ko. Hindi ko alam kung para saan ang luha na umagos sa mata ko. Kung tuwa ba o pangungulila.

'Hindi kaba nagtataka kung bakit ikaw ang pinili bilang chosen one? Hindi kaba nagtataka kung bakit wala kang alam sa mga magulang mo? Hindi kaba nagtataka kung bakit nasa iyo ang kalahati ng Crest?'

Sino ba talaga ako?

'Ikaw ang Prinsesa ng Atlantis. Ikaw si Princess Athena Jane'

Napangiti ako. Ilang saglit ay may naramdaman akong naglalakad sa labas ng kwarto ko. Pinakiramdaman ko si Draco. Bahagya sya tumigil sa tapat ng pinto ko. Huminga sya ng malalim saka kumatok. Itinago ko ang litrato sa libro at saka ipinatong sa kama ko. Tumayo ako at hindi gumalaw. Naramdaman ko si Draco sa likod ko habang hawak ang door knob. Nakaawang ang kanyang bibig habang nakatingin sakin.

Hindi ko sya liningon hangang lumapit sya sakin. Yinakap nya ako mula sa likod. Naramdaman ko ang tibok ng puso at ang init ng katawan nya. Hinigpitan nya ng bahagya ang pagkakayakap. Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa. Bumuntong hininga sya tanda na kinakabahan sya. At sa wakas ay nagsalita sya.

"Pasensya kanina, Olivia" panimula nya.

"Kung nabastos kita, sorry talaga" dagdag nya.

"Akala ko wala na akong pagasa sayo noong sinampal mo ako. Luckily, ikaw ang kaunaunahang babae na nakagawa sakin non. Handa akong gawin lahat ng parusa mo, lahat ng sabihin mo gagawin ko. Patawarin mo lang ako." Sabi nya.

Inangat ko ang kamay ko para hawakan ang palad nya sa tiyan ko. Pinisil ko ito ng marahan at saka nagsalita.

"Alam mo bang ikaw ang first kiss ko?" Sabi ko at bahagyang natawa.

"At ikaw din ang kaunaunahang nasampal ko?" Muli kong tanong.

"Alam mo... ikaw din ang first ko" nahihiyang usal nya.

I shrugged. Hindi nya ako maloloko. Pero mas pinili ko na hwag magsalita. Ilang minuto kaming magkayakap at nagsalita ako.

"Draco?"

"Mmm?"

"Sabi mo lahat ng sabihin ko, gagawin mo" usal ko. Hindi sya nagsalita kaya ipinagpatuloy ko ang pakay ko.

"Gusto kong bumalik ka nang buhay dito sa Durmstrang. Iyon ang gusto kong gawin mo kapalit sa ginawa mo"

"Pero Olivia..."

"Pero?"

"Imposible ang hinihiling mo" dugtong nya.

Humarap ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya. Tinignan ko sya ng deretcho sa mata.

"Posible iyon. Hawak mo ang manipulating ability. Magagawa mo iyon. Gawin mo para sakin" hiling ko.

Napatigil sya. At saka ngumiti.

"Kung iyon ang gusto mo, iyon ang gagawin ko" sagot nya kaya napangiti ako.

Yinakap ko sya. Kailangan kong tumingkayad para maabot sya dahil masyado syang matangkad. Yinakap ko sya ng mahigpit. Makaraa'y yinakap nya rin ako. Napangiti ako. Hindi ko alam na sa ganitong yakap ay mararamdaman ko ang kakaibang saya.

"Pangako ko iyan" paninigurado nya.

***

The Bermuda TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon