The Bermuda: 12
***
Mabilis na tumakbo ang oras habang nasa loob ako ng kwarto ko. Naglagay ako ng mga kakailanganin kong damit at gamit sa isang bag. Ilang minuto na lang ay lilisanin ko na ang Durmstrang. Pinalilibutan ng katahimikan ang buong paligid. Naalala ko ang maaring mangyari sa amin sa Moon acre. Kinakabahan ako. Iyon ang katotohanan na matagal ko ng tinatago.Tumayo ako at isinukbit ang bag sa mga nanginginig kong kamay. Tahimik akong umalis sa madilim na kwarto. Pumunta ako sa training room. Naalala ko ang mga panahon na ito ang tambayan ko. Dumeretcho ako sa loob at kinuha ko ang isang dosena ng palana pati na ang pinakamatibay at pinakamagandang palaso. Pinagmasdan ko ang palaso. Mula sa ginto nitong hawakan, sa elegante nitong arko, hanggang sa mga berdeng dyamante na nakadesenyo dito. Napakaganda.
Umalis ako ng training room at naglakad papuntang Great hall. Rinig ko ang mga bulungan ng mga tao. Ang mga yabag ng kanilang mga paa at ang tahimik nilang pagpapaalam. Nakaharap ako sa heganteng pinto. Huminga ako ng malalim bago tuluyang buksan ang pinto.
Una kong nakita ay ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa mga chandelier sa taas. Pumikit ako ng ilang beses para magadjust ang paningin ko. Nakita ko ang halos lahat ng tao sa Durmstrang na nakaupo sa apat na mahahabang table. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Naging tahimik ang kaninay maingay na crowd. Naglakad ako sa gitna at pilit na 'di pinapansin ang mga tingin nila. Nakita ko si Draco na nakaupo sa lamesa namin. Nandoon din si Victoria. Pinagmasdan ko si Draco. Ang pula nyang buhok, ang matikas nyang panga, ang nakakatakot nyang tingin, ang pula nyang mata hanggang sa matangos nyang ilong. How I'm physically attracted towards Draco.
Napansin ko ang anim na nakasuit na lalake sa dulo ng Great hall. Katabi nila isang kwadradong kahoy na nakatayo sa gitna ng Great hall. Nakaratin ako sa lamesa namin ngunit 'di pa ako nakakaupo ay tumayo na si Draco. Inilahad nya ang kanyang kamay sakin at saka nagsalita. "Are you ready?"
"I think I am" sagot ko at naglakad kami sa platform kung saan nakatayo ang anim na lalake. Nang makarating kami ay nagsalita si Head Master sa crowd.
"Magandang gabi. Narito tayong lahat upang saksihan ang ating Chosen ones" sabi nya at tumingin samin.
Naglakad ang anim na lalake at pumaikot sa kwadradong kahoy. Itinapat nila ang kanang kamay nila sa kahoy at lumabas ang animo'y tila asul na usok at pinupuno nito ang kahoy. Tahimik ang lahat pwera sa mahinang bulong ng mga lalaki.
Tumingin ako kay Draco. Napangiti ako dahil sa nakakunot nyang noo nya habang pinapanood ang paggawa ng portal. Bumaba ang tingin ko sa kamay nyang nakahawak parin sa kamay ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa palad nya dahilan para mapatingin sakin si Draco.
I gave him a stern look telling him that I'm scared. Ngumiti sya sakin to assure that everything will be okay.
Head Master stood stiffly at the front of the crowd. Habang ginagawa ang portal ay nagsalita sya. "We all know that Miss Watson and—" napahinto sya.
"Mister Gibson are the chosen ones. At ang gabing ito ang gabing magpapaalam tayo sa kanila. We must be proud... because they are the hero from Durmstrang" Head master said at ramdam ko ang pagpipigil nya ng luha nya.
"Let us give them a luck and pray for their safety survival mission. Wala tayong ideya kung makakabalik sila, ang tanging magagawa natin ay maniwala at maghintay" dugtong nya at tumingin sa amin. Nangingilid ang luha nyang naglakad kay Draco at nagyakap. Napangiti ako sa nakita ko. Nangako kang babalik ka... kaya tuparin mo dahil may maghihintay sayo. Lumuluha ang mata nila habang magkayakap. May sinasabi si Draco pero 'di ko marinig.
Napatingin ako kay Senior na tumayo sa kanyang upuan. Naniningkit ang kanyang mga mata at nakatakip ang kamay sa kanyang bibig. Tila bumigat ang aking dibdib. Para bang may pressure na lumalaki sa loob. My vision became faint. I ran toward her to hug. Nang makalapit ako sa kanya ay yinakap ko sya. Ang tinuring kong ina ay iiwan ko na. She murmured beneath my ear. "Gawin mo ang lahat, hija. Bumalik ka anak" usal nya. Tumango ako at kumalas sa yakap nya. Umatras sya ng kaunti na para bang pinababalik ako sa harap. Naglakad ako sa papuntang harap nang makita ko ang portal na tapos na. Tila isang kwartong puno ng iba't ibang uri ng kulay asul. Parang kapeng hinalo at hanggang ngayon ay sumasayaw sa agos. Nakarating ako sa harap at sa huling pagkakataon ay humarap kami ni Draco sa lahat. A glum silence filled up the great hall. They staring us. All eyes on us. And a second later, a peer somewhat look like a tyke, squeak "For the chosen ones" he said clutching a half-consumed champagne lifting up to the air while standing. Until the crowd were holding up their glasses and shouted in hushed voices "for the chosen ones!"
After that we bowed. Humarap kami sa portal. Nasa tabi ko si Draco at sunod sunod ang buntong hininga. Hangang sa sunod sunod nang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. I bit my lips not daring to shrill. Hindi ko akalaing dadating ang araw na 'to. Hindi ko akalain na ganito ang pakiramdam na iiwan mo ang mga taong naging parte na nang buhay ko. Pakiramdam ko kahit anong segundo ay babagsak ako dahil sa nangangatog kong tuhod. Lumingon ako kay Victoria na lumuluha din tulad ko. Ang sakit na makita mo ang taong mahalaga sayo na umiiyak at wala kang magagawa kundi ang panuodin mo.
Hinawakan ni Draco ang palad ko. Kinakabahan ako. Kumalat ang takot sa buong sistema ko. Tumingin kami sa isa't isa at muling tumingin sa portal na nasa harap namin. Humakbang kami ng sabay papalapit sa portal. Ilang pulgada na lang ang layo. Pumikit ako at kumapit ng mahigpit sa kamay ni Draco. Hanggang sa unti unti kaming linamon ng asul na usok ng portal. Tila isang malakas ng pwersa ang dinaanan namin. Nawala ang tunog ng great hall. Ilang segundo ang lumipas ay naramdaman ko ang sikat ng araw sa mga kutis ko. Ang mga huni ng ibon sa paligid. Ang mga galaw at kilos ng mga tao sa paligid namin. Dumilat ako ng dahan dahan at nagulat sa kakaibang mundong aming pinasok.
***

BINABASA MO ANG
The Bermuda Triangle
FantasySya si Olivia Watson. Walang pangarap sa buhay, hindi alam ang gusto. Pero dahil sa kasalanan nang kanyang magulang ay inako nya ang kanyang responsibilidad. Nalaman nya ang katotohanan dahil lang sa nga insedenteng nangyayari tuwing byernes trese...