The Bermuda: 14

6 2 0
                                    

The Bermuda: 14

***

"Hindi kita sasaktan" bungad ko.

Bakas ang takot at pagod sa kanyang mukha. Kulay abo ang mata nya at may kahabaan ang buhok nya. May dugo sa pisngi nya galing sa ulo nya. Lumapit pa ako ng kaunti para kausapin at tulungan sya. Naupo sya sa lupa na para bang lantang gulay. Tumingin sya sa mata ko. Pinagmasdan nya ang kasuotan ko. Tila nawiwirduhan sya sakin.

"Salamat" ani Laxus.

"A–ako nga pala si Olivia. Olivia Watson. Sya naman si Draco Gibson" turo ko kay Draco na nakatayo sa gilid ko.

Tumango sya kay Draco. Tinitigan lang sya ni Draco na animo parang batang umiiyak.

"May tama ka sa ulo... sandali at gagamutin ko" sabi ko. Kinuha ko ang bilog na maliit sa pouch ko. Isa itong puting lalagyan. May laman na likido na kapag pinahid mo sa sugat ay gagaling ito. Nasa gilid namin ang sapa kaya madali sa akin na kumaha ng tubig at linisin ang muka nya. Kinumpas ko ang kamay ko na nakatapat sa sapa at lumutang ang kapirasong tubig sa hangin papalapit sa kamay ko. Ginamit ko ang tubig sa panglinis ng dugo sa mukha nya. Tahimik lang sya habang nakatingin sakin. Pagkatapos ay linagyan ko ng likido mula sa bilog na lalagayan, ang ulo nya. Napangiwi sya ng bahagya dahil sa hapdi. Umayos ako at saka tumayo.

"Saan ka nga pala nakatira, Laxus? Ihahatid ka na namin kung pwede" I said.

Dahan dahan syang tumayo at pinagpagan ang luma nyang damit. Ngumiti sya sa akin at doon ko napansin na may dimple sya sa magkabilaang pisngi.

"Sa palagay ko'y hindi kayo taga dito. Ako si Laxus Lueders. Kung wala kayong matutuluyan ay pwede kayong manirahan sa aming bahay kahit kailan nyo gusto kapalit ng pagsagip mo sa akin, Olivia"

Nagkatinginan kami ni Draco. Hindi sya nagsasalita pero alam kong naiinis sya. Yumuko si Draco na tila may ibubulong sa akin.

"Olivia, 'di natin kilala ang Laxus na iyan. Baka isa syang mamatay tao. Kailangan natin magingat" sabi nya sa mahinang boses.

"Kita mo nang binubugbog sya kanina at walang laban tapos sasabihan mo syang mamatay tao? And besides, nagmamagandang loob na nga sya" sagot ko.

"Hwag kang papayag sa kanya." Utos nya.

Sinamaan ko sya ng tingin. Hindi ko alam kung galit sya o naiinis.

"O sige, kung hindi ako papayag saan tayo titira?" Tanong ko.

"Hindi ko alam"

"See? Tyansa na natin ito! Pumayag ka na"

"No. Never."

"Draco! Ano bang problema mo?"

"Ikaw! Siya! Kayo! Masyado kang mabait. Lalaki yan pero ikaw pa ang nagligtas sa kanya! Paano kung mapahamak ka? Paano kung masama sya? E kanina nga halos lumuwa na ang mata nyan kakatitig sa muka mo. Naiinis ako kasi lapitin ka ng lalaki at ng disgrasya!" Singhal nya.

Natigilan ako. Nagseselos ba sya? Bakas ang inis sa pula nyang mata. Nagkikiskisan ang mga ngipin nya at matalim ang titig nya. Normal lang pala ang titig nyang 'yon.

I sigh.

"Nagseselos kaba?" Takang tanong ko kaya natigilan sya. Hindi sya nakapagsalita agad kaya tinitigan ko sya ulit.

"Tinatanong kita, nagseselos ka ba—"

"Payag na ako. Saan ka ba nakatira?" Baling nya kay Laxus na pinapanuod kami.

"Taga dyan lang ako. Tara na at nang makapag-tanghalian na kayo" yaya nya.

Naglakad kami sa tinakbuhan ng tatlo kanina. Tanging ang mga huni ng ibon at galaw ng tubig ang maririnig mo. Hindi masyadong mainit at hindi rin masyadong malamig. Katamtaman lang ang klima. Nasa unahan ko si Draco at katabi ko Laxus. Magkasingtangkad sila pero para sa akin ay lamang si Draco.

"Magisa ka lang ba sa bahay mo?" Tanong ko. Lumingon sya sa akin at sumagot.

"Dalawa kami. Ako at ang step-mother ko" sagot nya.

"Bakit ka nga pala sinasaktan ng mga binata kanina?" Tanong ko.

Bahagya syang natigilan.

"Kamagaral ko ang tatlong iyon dati. Sanay silang gumamit ng mga sandata pwera sa akin. Dito sa bayan namin, ang mga taong 'di nabiyayaan ng elemental ability ay dapat marunong gumamit ng sandata. Isang kahihiyan sa bayan ang hindi marunong noon. Hindi ako sanay gumamit ng kahit ano. Dahil hindi ko kayang manakit ng kapwa" paliwanag nya.

Naawa ako sa kanya.

"I can teach you, Laxus. Marunong akong gumamit ng sandata" sabi ko.

"Ha? Hindi ko mawari ang iyong tinuran binibini. Marunong kang gumamit ng salitang ingles?" Takang tanong nya.

What the fuck? Bakit lahat sila ay tinatanong ako?

"May mali ba sa suot namin? At bakit halos lahat kayo ay napapansin ang pag-gamit ko ng english?" Takang tanong ko.

"Ang iyong kasuotan ay para lamang sa mga may dugong bughaw. At tanging ang mga taga palasyo lang ang may kakayahan na mag ingles" paliwanag nya.

Natahimik ako. Pinagmasdan ko suot nya. Parang luma ang damit nya ngunit maayos. Makalumang damit? Parang. Malayo sa suot ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil 'di ko alam anong mali sa amin.

"Nandito na tayo" pigil ni Laxus.

Tumigil kami sa tapat ng isang may kalakihang bahay. Simple pero unique. Napapaligiran ito ng mga malalaking puno. Naglakad kami palapit sa pinto. Si Laxus ang kumatok at pagkaraa'y binuksan nya ang pinto.

We crept inside. Astonishing in my face the moment we enter. Laxus rummaging the house. The smell of the house lingers in my dress.

"Ina, nandito na ako" tawag ni Laxus.

Ang amoy ng bahay nya libro. Not a nasty either.

"May kasama ka, Laxus?" Tanong ng isang babae mula sa loob ng kwarto sa kanang bahagi ng bahay. Binuksan ni Laxus ang dalawang malaking bintana. Pumasok ang liwanag sa loob ng bahay.

"Meron" maikling sagot ni Laxus.

Napansin ko si Draco. Too stiff standing beside me. Nararamdaman ko ang emosyon nya. Nagtataka at naguguluhan. Bakit naman? I found him so uneasy. Balisa sya.

"Draco, ayos ka lang?" Tanong ko.

Tumingin sya sakin. Pinagmasdan ko ang mga mata nya. Masyado syang tahimik pero ang mga mata nya ay napakadaldal. Tumango sya sakin at saka binalik kay Laxus ang paningin nya.

Mula sa isang pinto lumabas ang isang babae. Kulay pula ang buhok nya tulad ng kay Draco. May katandaan na pero elegante kung gumalaw. May katangkaran at maputi. Pero ang pinagtataka ko ay ng humarap ang babae, nawala ang ngiti nya sa labi ng magtama ang paningin nila ni Draco. Bakas ang gulat sa mga mata nilang pareho. Tila kilala nila ang isa't isa.

Nagkatinginan kami ni Laxus. Pareho kaming walang ideya sa dalawa. Pero kinain ng pagtataka ang sistema ko ng magsalita ang babae. "Draco?"

Wait, what?

***

AUTHOR'S NOTE

Hi! I just want to tell you something. In 'Laxus Lueders' the Lueders pronounce as 'lee-ders' not 'luwe-ders' ang Laxus pronounce as 'laksus' Okay? Happy reading!

@UmaruCha28
---

The Bermuda TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon