The Bermuda: 21

10 0 0
                                    

The Bermuda: 21

***
Tinungo namin ang madilim na bahagi ng gubat. Masyadong tahimik dito na tila tinakasan ng mga hayop. Hinapit ko ang roba at huminga nang malalim. Ang lamig. Tanging ang yabag lang namin ang maririnig dito.

"Ayos ka lang?" biglang tanong ni Draco sa akin.

Tumango ako 'di na nagsalita pa.

"Malapit na tayo sa lagusan papuntang isinumpang dagat. Maghanda ka na" muli niyang sambit.

Napangiwi ako. "Hindi ba ang dulo ng gubat na ito ay ang Bermuda Triangle?" tanong ko.

"Tama ka. Ngunit bungad lamang iyon, ang pakay natin ay nasa gitna ng dagat kaya dadaan tayo sa lagusan" paliwanag niya.

Muling nanaig ang katahimikan sa aming dalawa. Ilang oras ng paglalakad ay naririnig na namin ang hampas ng alon sa dalampasigan. Gabi na at tanging ang buwan lang ang tanglaw namin sa daan. Hanggang sa bumungad sa amin ang magandang dagat. Kumikislap ang tubig at napakaputi ng pinong buhangin. Halatang hindi napupuntahan ng tao ang lugar na ito.

Tuluyan kaming nakalabas sa gubat. Bumungad sa amin ang malamig na hangin. Lalo akong kinilabutan dahil sa lamig. Nakikita ko na ang hininga ko sa hangin maging ang buhok ko nagsimula nang mamuti.

"May mali" panimula ni Draco.

"I know" I snapped

"Kanina ko pa alam na may naghihintay sa atin dito. Hindi ko mawari ang itsura nila ngunit panigurado akong hindi sila normal" sagot ko.

Totoo iyon. Ramdam ko mula sa malayo ang mga paghinga nila at ang tahimik nilang pagbulong. Alam nilang parating kami. Sigurado ako.

"Tara na" sabi ni Draco.

"Nasaan ang lagusan dito?" tanong ko.

"Nasa ilalim ng tubig" maikling sagot nito.

Hinila ako ni Draco papunta sa tubig. Unti unting nabasa ang hem ng kasuotan ko. Ramdam ko parin ang tahimik na pagtitig ng mga nandito sa amin. Pinagmamasdan nila kami.

Hanggang sa may tunog na pumailanlang sa amin. Tila ungol ng seal o iyak ng aso. Napatigil kami ni Draco sa paglusong. Nagtuloy ang kakaibang tunog. Tila napaka-among musika na masarap pakingan. Ngunit laking gulat ko nang naglakad si Draco sa ibang direksyon. Nakatulala at tila robot na kusang gumagalaw. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko ang pinagmumulan ng tunog— isang sirena. Papunta siya sa kinaroroonan ng sirena.

Mahaba ang buhok at maamo ang muka. Nakaupo siya sa malaking bato na nakalagay sa madilim na parte ng dagat.  Muli siyang gumawa ng tunog at mas lalong bumilis si Draco sa paglalakad. Wala siya sa sarili at parang baliw na nakatitig lang sa sirena. Inaakit niya si Draco. Hinabol ko si Draco at niyugyog.

"Draco! Wake up you idiot!" ngunit para akong hangin na iniwasan niya at nagtuloy sa sirena.

Hinila ko siya sa braso. "Draco! Hey, ano ba!" sigaw ko.

Tumingin ako sa sirena. "Nakikiusap ako sayo binibini. Tumigil ka na" sambit ko. Ngunit parang nangiinis at linakasan niya pa ang ungol niya.

Wala na akong magagawa. Pasensya na binibini.

Kinumpas ko ng sabay ang dalawa kong kamay sa tapat ng tubig at pinapunta ko sa sirena ang malakas na alon. Tila hinampas siya ng malakas na alon dahil natumba siya sa bato at unti unting lumangoy palayo. Maging ang ibang sirena ay lumangoy palayo. Tinignan ko si Draco. Nakatulala parin siya at wala sa sarili. Lumapit ako sa kaniya at nagsalita. "Sorry in advance"

Sinuntok ko siya sa muka sa abot ng aking lakas. Napaupo siya at hawak hawak ang ilong niya ng bigla siyang natauhan. Tumingin siya sa akin na para bang nagulat.

The Bermuda TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon