The Bermuda: 19
***
Olivia's POVKusang tumutulo ang luha ko sa mga mata ko. Mabilis ang tibok ng puso ko at tuliro ang isipan ko. Linibot ko ang paningin ko sa gubat. Si Draco na walang malay na nakahiga sa sahig, si Barbara na nagaagaw buhay habang napapalibutan ng sarilin dugo at may pana sa dibdib at si Laxus... na nakadilat. Nakatingin sa akin at wala nang buhay. Muling tumulo ang luha sa aking namamagang mata.
Kanina... kanina magkayakap lang kami. Kanina magkausap pa kami. Kanina magkasama pa kami tapos ngayon patay na siya. Paano ba nangyari? Kailan nagsimula? Bakit kailangang madamay siya? Umiling ako. Hindi. Hindi pa siya patay.
"LAXUUUS!" Sigaw ko.
Hindi siya sumagot. Humikbi ako dahil sa napagtanto ko. Huli na ang lahat.
"Laxus..." usal ko at bahagyang yumuko at umiyak. Mabigat sa dibdib. Parang madaming bato ang nakalagay sa lalamunan ko at 'di ko mapigilan ang mga luha kong automatic na tumutulo.
As if on cue, liningon ko si Draco. Walang kulay at walang malay. No. It can't be. Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. Lumulutang ang isip ko na tila hindi kayang tanggapin ang maaaring mangyari. Blanko ang utak ko at kusang tumatakbo ang katawan ko sa gitna ng pagsakit ng mga kalamnan ko. Halos masubsub ako at madapa sa pagtakbo palapit kay Draco.
Nang marating ko siya ay agad akong lumuhod at kinandong siya. "D–Draco..." tawag ko sa gumagaralgal na boses.
"Gumising ka Draco" usal ko at nagsimulang tumulo ang maraming luha sa mata ko. Hanggang sa lumakas ang paghikbi ko.
"Parang awa mo na Draco. Hwag mo akong iwan..." yumuko ako at idinikit ang noo ko sa noo niya habang lumuluha.
Binaba ko ang katawan niya sa lupa at pinuwesto ko ang dalamang kamay sa kaniyang dibdib at ginawa ang proseso ng pagbuhay ng pintig ng puso. Lumipas ang ilang segundo ay gumalaw si Draco. Tila isang balon ng enerhiya ang natapon sa akin ng makita ko siyang humihinga. Naghahabol siya ng hangin na para bang hinihingal. Lumakas ang pintig ng puso ko na parang gustong tumalon at maglulundag sa lupa. Yinakap ko si Draco ng mahigpit.
"Oh my God, Draco" I said underneath my sobs.
"I thought you're gone— I thought you're going to leave me— I thought... I thought..." halos 'di ko matapos ang mga gusto kong sabihin. Tila naguunahan sa isip ko at nagkakagulo.
Hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi at pinagmasdan ang pula niyang mata. Kumorba ang ngiti sa kaniyang labi at pinunasan niya ang luha ko sa pisngi gamit ang hinlalaki niya. May kakaibang pakiramdam sa akin dahil sa ginawa niya.
"I'm never going to leave you" usal niya.
Ngumiti ako kasabay ang pagtayo niya sa lupa. Linahad niya ang palad niya sa harap ko at tinulungan akong tumayo. Linibot niya ang paningin niya sa gubat at gulat ang namutawi sa kaniyang mga mata. Lalo nang makita niya si Laxus sa patibong na wala nang buhay.
"What happened?" Tanong niya.
Tinignan niya ako. Nagsimulang tumulo ang luha ko at paghikbi ko. I cant help but to sobs. There's a feeling inside of that look like mw heart is twisting.
"Laxus saved me but he died. He sacrifice his life for me" mahina kong tugon.
'Te amo mucho, mi amor. Adios'
Humikbi ako nang tahimik. Nanlalabo ang paningin ko sa mga luha sa mata ko. Nasasaktan ako. Nalulungkot ako. Nagagalit ako. Kumawala ang ungol na kanina ko pa pinipigilan. Para akong batang inagawan ng laruan.
Draco's mother's POV
"Laxus?" Tawag ko sa anak anakan ko.
Inayos ko ang damitan ng ama niya dahil ngayong araw ay uuwi siya. Nang matapos ako sa ginagawa ko ay pinagpagan ko ang damit na suot ko at tumayo. Kumunot ang noo ko ng hindi sumagot si Laxus.
"Laxus" tawag kong muli ngunit walang sumagot. Naglakad ako papunta sa pintuan at binuksan ito. Linibot ko ang paningin ko sa bahay at wala akong nakitang Laxus.
"Nasan ka ba naman Laxus?" Mahinahon kong sigaw. Dumeretcho ako sa tapat ng kwarto niya at binuksan ang pinto nito.
Wala.
Saan naman kaya pumunta ang batang iyon? Nahagip ng mata ko ang gintong espada na nakapatong sa couch. Ang espada ni Draco. Lumapit ako dito at kinuha ito. May kabigatan ang bagay na ito kaya hinawakan ko ng maigi. I was about to turn this back to my son when someone knock on the door.
"Laxus? Saan ka ba pumunta—" naputol ang sinasabi ko nang malaman kung sino ang kumatok. Ang ama ni Laxus. Si Janier Lueders.
"Jordyn..." paunang bati niya.
Gumilid ako para bigyan siya ng daan. Nang makapasok siya ay agad ko siyang tinanong.
"Bakit 'di ka nagbigay ng sulat na darating ka para naman nakapaghanda ako nang salo salo?" Tanong ko.
"Ah... hindi ko kasi alam na papauwiin kami ngayon ng hari. Teka nasan si Laxus?" usal niya habang inilalagay ang mga gamit niya sa lamesa para ayusin.
"Siguradong matutuwa ang anak mo pag nalamang nandito ka kaso ang problema wala siya dito. Umalis kanina at 'di pa bumabalik" sagot ko.
Ngunit isang sigaw ang pumukaw sa aming paguusap.
"LAXUUUS!"
Kumalat ang kaba sa dibdib ko nang marinig ko ang sigaw na iyon. Nablangko ang isipan ko at agad akong napatingin kay Janier na nakatingin din sa akin na tila nagulat tulad ko. Agad akong lumabas ng bahay at tinignan ang pinanggalingan ng sigaw.
"Anong nangyari?!" Humahangos na tanong ni Janier nang dumungaw sa pinto.
"Hindi ko alam. Mabuti pang puntahan natin" usal ko.
Tumungo kami sa gubat nang walang salitaan. Kahit 'di ko kadugo ang batang si Laxus ay napamahal na din ako sa kaniya. Kaya't ganito na lang ang nararamdaman ko. Takot, kaba at naguguluhan. Mabilis kaming naka-pasok sa gubat at nagsimula kaming luminga linga para hanapin ang pinagmulang ng sigaw.
"Nasaan na iyon?" Tanong ni Janier.
"Gamitin mo ang mahika mo para hanapin si Laxus, Jordyn" aniya.
Tumango ako at inilahad sa ere ang aking kanang palad. Nagsimulang lumabas ang itim na usok na tila sumasayaw sa ere at may sariling buhay. Itinaas ko pa nang kaunti ang palad ko at mabilis na umalis sa palad ko ang usok. Tila tinangay ng hangin ang usok at bumulusok ito sa iisang direksyon. Tumingin ako kay Janier at saka kami naglakad ng mabilis patungo sa direksyon na pinuntahan ng itim na usok.
My mind is racing. My heart is pumping rapidly. I think I can't bear it if my lad is in trouble.
Nakarating kami sa isang open area. Madaming sirang puno at parang umulan dahil basang basa ang lupa. Nakita namin si Olivia na nakatayo at umiiyak at si Draco na tila nagulat at 'di makapaniwala sa nakikita. At lalo akong nagulat ng makita ang Prinsesa ng kaharian namin na... na may nakatarak na palaso sa dibdib at walang buhay.
Napanganga ako sa nakita. Anong nangyari? Tumingin ako kay Draco na nakatingin sa akin. Pinagmasdan ko siya na parang nagtatanong. Ngunit lalo akong naguluhan at nagulat sa sunod na nakita.
"ANAK KO! LAXUUUS!" Sigaw ni Janier.
No. It can't be.
***

BINABASA MO ANG
The Bermuda Triangle
FantasíaSya si Olivia Watson. Walang pangarap sa buhay, hindi alam ang gusto. Pero dahil sa kasalanan nang kanyang magulang ay inako nya ang kanyang responsibilidad. Nalaman nya ang katotohanan dahil lang sa nga insedenteng nangyayari tuwing byernes trese...