The bermuda: 1

32 2 0
                                    

The bermuda: 1

***

Napabalikwas ako sa kama ko. Tinakpan ko ang muka ko ng kumot dahil natatamaan ng sinag nang araw na tumatagos sa bintana ang muka ko. Muli akong pumikit upang matulog muli pero bigla akong napa bangon dahil sa na-alala. Panaginip lang ba yon? Ano ba ang nangyari?

Tinignan ko crest na nasa lamesa ko. Nagsink-in sa akin ang mga napanaginipan ko. Tinignan ko ang book shelves ko hanggang sa tumigil ang paningin ko sa libro na nakalagay sa book shelves. Ang librong yon, yon ang nasa panaginip ko. Totoo ba ang nangyari na yon o panaginip ko lang? Tinignan ko kamay ko. Dahan dahan ko itong inikot upang makita ko ang aking wrist at laking gulat ko sa nakita ko. May nakatatak na shape dito. Parang inukit na triangle mismo sa wrist ko. Hinawakan ko ito pero hindi ako nasaktan. So totoo nga. Para saan ba ito? Bakit may ganito ako?

Out of now here, I feel someone coming. Papunta sa pinto ng kwarto ko at unang pumasok sa isip ko si Draco Gibson. Naalala ko ang mga nangyari kaninang madaling araw. Totoo ba talaga yon? Tanungin ko kaya sya?

Bumukas ang pinto kasabay ang paglitaw ni Draco. Tinignan ko sya nang deretcho sa mata. His penetrating gaze filled my system with nervous.

"Yes?" Tanong ko.

"Are you okay? Patingin nga nang kamay mo" aniya saka lumapit sa akin.

Nang makalapit na sya ay walang babala na kinuha ang kamay ko at tinignan ang wrist ko. Tila ba inaasahan na nya ang kanyang makikita kaya walang reaksyon na makikita sa mata nya.

"You have the crest" sabi nya saka tumingin sakin nang deretcho.

"Tell me Olivia Watson, who are you?" Tanong nya na syang ikinabigla ko.

Ano bang klaseng tanong iyon? Syempre ako si Olivia Watson. The orphan lady here in Sheridan place. May iba pa bang Olivia dito maliban sakin?

Imbis na sagutin ko sya ay tinignan ko lang sya ng deretcho sa mata at para bang nagtatanong ng 'what do you think?' Ilang segundo ang lumipas ay walang nagsalita. The staring contest become halt nang maramdaman ko ang suspension ng katawan ko. Gulat ang mababakas sa aking muka dahil hindi ko makontrol ang katawan ko.

Tinignan ko si Draco nang masama. His ability was with me. Ginagamitan nya ako nang ability nya. Fuck him. Kinontrol nya ako at pinatayo ako hanggang sa makalapit ako sa kanya. Sa harap nya. As in halos magkadikit na ang point nang ilong namin.

"You know Olivia, in every time I stare at you, I always remember the queen of the lost city" aniya.

"Wala kang magulang. And you have the ability of enhance senses and control. At ngayon, you have the mark. Mark of the Bermuda Triangle. Ibig sabihin ikaw ang pinili upang ayusin ang gulo sa magic world." Dugtong nya.

"Ano bang ibig mong sabihin?" Tanong ko. Umalis sya sa harap ko at naglakad ng paikot sa akin.

"Ikaw at ako, tayo. Ang pinili upang ibalik ang crest ni Poseidon. Ang kalahati nang crest na nasayo ay nasa akin. And I have the mark of Slytherin. Tayo ang susi sa lahat nang misteryong bumabalot sa bermuda triangle" sa mga katagang iyon ay naguluhan ako. Ang tatak ng Slytherin ay sa alamat lamang. Isa itong ahas na nakapalupot sa isang wand.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o iiyak. Baliw na ang lalaking ito. Si Poseidon, ang diyos ng dagat. Walang sinuman ang nakakita sa kanya dahil nasa Bermuda Triangle sya. At ako? Isa lamang akong hamak na tagapag silbi na napili upang iligtas ang buong mundo.

Isang tawa ang kumawala sa bibig ko kasabay ang pagkawala nang ability ni Draco sa katawan ko. Tinignan nya ako na para bang nagtataka at the same time.

"That was sort of joke huh? So kung ako nga, kung totoo ang mga sinasabi mo, so?" Sabi ko at tinaasan ko sya ng kilay.

"Mag sasanay tayo. We will train our self to kill. Dahil hindi biro ang isusubo nating misyon. Kung saan kailangan nating pumatay at mamatay" aniya.

"And if we are ready, we will enter the portal. The only way to go to Bermuda Triangle. At walang nakakaalam kung makakabalik ba tayo ng buhay"

"Handa ka na ba?" Aniya.

Tinitigan ko sya nang deretcho sa mata. Hindi ako ang klase ng babaeng mabilis mong mapapaniwala. Hindi parin mawala sa sistema ko ang pagkaalarma. This guy is dangerous. Tinitigan ko ang tatak sa balat ng kamay ko. Imposible na walang dahilan kung bakit ako nagkaganto. Maaring may nagtatagong dahilan o sikreto tungkol sa tatak na ito.

"Asan ang tatak ng Slytherin na sinasabi mo?" Tanong ko. Siguro kahit paano ay maniniwala ako pag naipakita nya sakin ang ahas na iyon.

Nagulat ako ng isa-isa nyang tangalin ang butones ng kanyang damit. Napakurap ako at kumunot ang noo ko. Ano bang balak nyang gawin? Napangiti sya nang makita ang reaksyon ko pero patuloy parin sya. Nang matapos sya ay pinakita nya sa akin ang dibdib nya. Kung saan nakatatak. Ang tatak ng slytherin. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Hindi maari ito. Umatras ako sa hindi alam na dahilan.

"Samahan mo ako sa Headmaster ng Durmstrang" sabi nya habang nakangiti. Isang nakakalokong ngiti.

Hindi sana ako papayag ng kontrolin nya ang katawan ko. Pinalakad nya ako hanggang sa nasa harap ko na sya. Pinilit kong kunawala sa ability nya pero masyado akong mahina para magawa yon.

"Fuck you" sungab ko sa kanya pero napakurap ako dahil pinapagalaw nya ang kamay ko. Tumaas ang kamay ko hangang sa tumapat ito sa mismong butones na nakalislis ng kanyang damit. Anong balak nyang gawin?! Tinitignan nya ako sa mata habang kinokontrol ako. Hindi ko maiwasan na mailang sa mga titig nya. Ang pula nyang mata at isabay mo pa ang nakakaloko nyang ngiti.

Unti-unting umusad ang kamay ko hangang sa sinasara ko na ang damit nya. Napakatamad nya talaga. Bakit kasi ako pa ang kailangang gumawa nito? Hindi nya ba kaya? Nagsisimula na akong mainis. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko at mapatay ko sya. Hindi kasi ako yung tipo na magpapasensya kahit alam kong pinaglo-loko na ako.

Yumuko sya ng konti at inilapit ang muka nya sa muka ko. Halos walang hangin na dumadaan sa pagitan namin. At naramdaman ko ang pagkawala ng ability nya sa katawan ko. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at sinuntok ko sya sa muka. Napaatras sya sa ginawa ko. Hinwakan nya ang gilid ng labi nya kung saan ko sya tinamaan. Ginalaw nya ang panga nya ng kaunti at tumingin sakin habang nakangiti.

"Ill tempered ungrateful little devil" pangiinis nya saka tumawa. Matapos noon ay bigla nyang hinila ang kamay ko palabas.

Naglakad kami sa pasilyo. Wala syang pakialam kahit tinitignan na kami ng mga taong nakakasalubong namin. Tinignan ko ang kamay nyang hawak ang kamay ko. Masyadong malambot. Halatang walang alam sa pagbabanat ng buto. Sinubukan kong hilain ang kamay ko mula sa kanya pero masyadong mahigpit ang pagkaka-hawak nya. Napa-buntong hininga na lang ako ng mapagtanto na wala syang balak na bitawan ako.

Dahil sa enhanced na senses ko ay kahit sa mahinang bulungan ng mga taong nakapaligid samin. Pilit kong hindi pinansin ang mga sinasabi nila at tinignan ko lang pulang buhok ng lalakeng nasa harap ko.

'Diba si Olivia yon?'

'Bakit kasama nya ang anak ng headmaster?'

'Isa lang naman syang katulong diba?'

What they think make me care? Hindi ko sila pinansin hangang sa makarating kami sa headmaster office. At laking pasalamat ko dahil nang nasa tapat na kami ng office ay binitawan nya ako. Pinakiramdaman ko ang loob ng kwarto. May tao sa loob nito at tila nagiisa lamang dahil wala akong marinig na naguusap. Pinihit ni Draco ang knob ng pintuan. Huminga ako ng malalim bago sumunod sa kanya papasok sa loob ng kwarto.

I guess there's no turning back.

***

The Bermuda TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon