The Bermuda: 3
***
"Remus! Bakit mo kinuwa ang crest ni Poseidon?!" Singhal ng isang babaeng napaka pamilyar sakin. Makikita sa ekspresyon nya ang galit ngunit hindi matanggal ang pagka maharlika nito. Kuminang ang korona na suot ng reyna habang naglalakad sya ng pabalikbalik sa harap ng kausap nyang lalake.
"Hindi ko napigil ang sarili ko, Nimphadora. Nabighani ako kaya ko kinuha ang crest. Ganon na ba ako kasama sa paningin mo?" Tanong ng Hari. Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Ngunit sinira ang katahimikang ito sa iyak ng isang sanggol na nasa maganda at magarang kuna.
Napahawak ako sa dingding ng palasyo. Halos mawalan ako ng balanse dahil nagiging itim ang paningin ko. Umiikot ang paligid at hindi ko makontrol ang mga senses ko. Bumagsak ako sa sahig at pumikit, umaasang sa pagdilat ko ay maayos na.
Halos masuka ako. Hindi gumagana ang mga senses ko at lalong hindi ko makontrol ang emosyon ko. Everything is in haywire and unstable as the ground surround me.
Dumilat ako. Nasapo ko ang dibdib ko dahil sa gulat. Malalakas na ulan at naglalakihang mga alon ang nakita ko. Madaming nagsisitakbuhan. Ngunit napatingin ako sa Hari at Reyna na nakatayo lamang sa isang sementadong sahig. Isang lagusan ang lumitaw sa harap nila. Umiiyak ang Reyna at ang Hari ay walang imik habang pangko ang sanggol na babaeng umiiyak.
"Hindi ko akalain na mangyayari ito, Remus"
Ani ng Reyna."Isasama ba natin sa kanya ang crest?" Tanong ni King Remus.
Tumango ang babae at ipinasok ang crest sa loob ng damit ng bata kasama ang litrato nilang tatlo.
"Naniniwala akong ikaw ang magliligtas sa buong Atlantis balang araw, Athena" sabi ng Reyna sa sanggol at yinakap ito.
Patuloy parin ang kaguluhan sa paligid nila. Ang mga taong pilit ginagamit ang kanilang ability para makaligtas sa delubyo. Nakakalat ang mga bangkay ng tao at hayop. Sira sira ang mga gusali at mga estatwa. Isang nakakagimbal na boses ang narinig ng lahat.
BINABASA MO ANG
The Bermuda Triangle
FantasySya si Olivia Watson. Walang pangarap sa buhay, hindi alam ang gusto. Pero dahil sa kasalanan nang kanyang magulang ay inako nya ang kanyang responsibilidad. Nalaman nya ang katotohanan dahil lang sa nga insedenteng nangyayari tuwing byernes trese...