***All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events, real persons, living or dead is purely coincidental.***
Prologue
Iraq 1991
Bye-bye, bye-bye,
Quickly die,
On the morning will be frost,
And you’ll go to the grave-yard.
Grandfather will come
And will bring the coffin.
Grandmother will come
And will bring the grave clothes.
Mother will come
And will sing the prayer song.
Father will come
And will take you to the graveyard.
Binaybay ng lalaki ang daang magdadala sa kaniyang kamatayan. Suot ang duguang damit na hindi mawari kung puti dahil sa kapal ng alikabok na nakakapit dito-binagtas niya ang lupang kaniyang kinalakhan.
Tumingala ang batang lalaki sa langit. Itinakip sa maliit na mata ang palad na puno ng alikabok. Napakatindi ng sikat ng araw. Ibinuka niya ang pagitan ng kaniyang maliliit na daliri at doon ay sinilip ang matingkad na liwananag nito. Ngunit ang ang kaninang asul na kalangitan ay nababalutan na ng maitim na usok mula sa mga pagsabog na hindi niya malaman kung saan nanggaling.
Tinanaw nito ang ilang bahay na nagsisimula nang bumigay at madurog. Nagsimula siyang maglakad muli. Mula sa malawak at maduming paligid na kaniyang natatanaw, pinagmasdan niya ang pagkakagulo ng mga tao. Nagtatakbuhan. Kaniya-kaniyang buhat ng kanilang mga anak at mga pagkain.
"Hmmmm..hmm..hmmm"
Sinabayan niya ng sipol ang kantang dinadala ng hangin sa kaniyang pandinig. Mula sa gilid ng kaniyang mga mata ay hindi niya napigilan ang matawa sa kanilang ginagawa. Nagtatakbuhan. Paroon at parito silang tumatakas sa mga batong sumasabog na inilalaglag ng mga ibong bakal sa langit. Nais niyang humalakhak sa kanilang pagdurusa. Nais niyang matuwa sa hirap na kanilang pinagdadaanan.
Napatigil ang bata sa kaniyang paghakbang ng maramdaman ang bala ng baril na dumaan malapit sa kaniyang pisngi. Ang ilang hibla ng kaniyang buhok na tinamaan ay bumagsak sa lupa kasabay ng duguang lalaki sa kaniyang harapan.
Pinunasan niya ang dugo sa kaniyang pisngi gamit ang damit na nangangapal sa dumi at alikabok. Iniikot niya ang paningin at pinagmasdan ang mukha ng lalaking nakatirik ang mga mata sa sinag ng araw. Ang leeg ay nawasak sa balang tumama dito na halos nabalot na ng alikabok at dugo. Dumakot siya ng buhangin at dahan dahan itong isinaboy sa mukha ng lalaki.
"Hindi ka ba nasasaktan?" tanong ng bata habang kinukuha sa pantalon ng lalaki ang maliit na kutsilyo na nakatago roon. Wala pa rin itong reaksiyon. Ang namumulang mata ay unti unting nalalagyan ng buhangin ngunit nakatingin pa rin ito ng matiim sa araw.
“Siguro mahal na mahal niya ang araw?” Tanong ng bata sa kaniyang sarili
"Hayan. Hindi na masusunog ang mga mata mo" natatawa niyang turan.
Tinapunan niya ng tingin ang lalaki bago tuluyang umalis. Ngayong puno na ng buhangin ang kaniyang mga mata, hindi na niya kailangan pang mag alala na baka masunog ang kaniyang mata sa sinag ng araw -kahit maghapon itong nakadilat.
BINABASA MO ANG
When A GOD Dies (COMPLETED)
RomanceKamatayan ang nagbibigay sa kaniya ng ligaya. Kamalasan ang nagpapagulong ng kaniyang buhay. Ito ang dalawang bagay na tanging mayroon siya. Siya si Namtar -tinaguriang Diyos ng Kamatayan at Pagkakasakit. Siya na nabubuhay sa kamalasan ng iba. Siya...