Chapter III - When GOD's Fate Intertwined

3K 76 6
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

 ENLIL's POV

"There have been reports of 200 casualties in the recent Iraq attack last Thursday night. United Nations explained that the attack was made after confirmed reports saying that high strength aluminum tubes that were previously banned by UN had been involved in some undergorund negotiations. As UN reported, these tubes can be used to enrich uranium in making nuclear bombs-"

Lumabas si Enlil sa banyo habang pinupunasan ang kutsilyong kaniyang hawak hawak. Isinara  niya ang pintuan  sa kanyang likod at inabot ang remote control sa lamesa upang patayin ang telebisyon..

Hinawi niya ang kurtina na nagtatakip sa buong kabahayan at nagsimulang mag suot ng damit. Ang kaninang nakangiting mukha paglabas ng banyo ay agad napalitan ng disgusto ng mapakinggan ang balita.

“Ito na ba ang balitang sasalubong sa akin araw araw? Ang magpatayan ang mga tao?” aniya sa sarili habang nakatingin sa telebisyon. Matagal na sigurong durog ang aparato kung may kapangyarihan lang ang kaniyang paningin dahil sa matiim niyang pagkakatitig dito.

Tumayo na siya pagkakain ng almusal at pinagmasdan ang sariling repleksiyon sa salamin habang nag aayos. Mababakas ang malaking ngiti sa kaniyang mukha. Ang kaninang disgusto ay naburang parang bula sa kanyang pagkakatitig sa sarili. Hindi niya maiwasang hindi humanga sa taong nasa loob ng salamin. Sa suot niyang kayumangging amerikanang pang ibaba na binagayan ng parehong kulay na pang itaas sa ibabaw ng puting long sleeves ay walang mag aakalang siya ay dating mahirap.

Sa tindig niyang anim at dalawang talampakan ay hindi maaaring hindi mo siya mapansin. Idagdag pa ang kaniyang maiitim na mata na tila tumatagos sa bawat kaniyang matitigan. May kakapalang pilik na tinernuhan ng matangos na ilong. Perpektong ngipin na nagtataglay ng  ngiting nakapagpapatunaw ng kahit na anong matigas na damdamin. Masasabing isa siyang lalaki na biniyayaan ng itsura at karisma, ng magandang buhay at malinaw na hinaharap.

 “Oh Crap! “ anito na napatingin sa orasang nasa ibabaw ng salamin. Pinakawalan niya muna ang isang kindat sa sarili bago patakbong kinuha ang bag at lumabas ng condominium. Ala una na ng hapon  at kalahating araw na siyang late sa trabaho. Tiyak sermon na naman ang aabutin niya sa kaniyang ama mamaya.

“Kasalanan kasi to nila Ted. Kung bakit pa kasi ako sumama kagabi”

Hindi na niya hinintay pa ang ilang tenant na parating at  agad na isinara ang elevator. Isinaksak ang susi sa sasakyan pagkababa at minaniobra ito sa basement ng building na tila isang professional car racer. Wala pang sampung minuto ay nasa kalsada na siya at ka text ang barkada.

“Tang i** naman. Ngayon pa talaga naisipang mag rally ng mga taong to.” bulong ni Enlil sa sarili.

Ang magkabilang  kanto ng kalye ay puno ng mga taong nagwewelga dahil sa buwis na ikinakaltas sa kanila ng pamahalaan. Pinindot niya ang busina. Pinidot niya ito ng paulit ulit. Wala siyang pakialam gumawa man siya ng ingay. Nagmamadali siya at walang panahong mag hintay na matapos ang kanilang ipinaglalaban. Ngunit nakalipas na ang sampung minuto ay hindi man lang umusad kahit ilang metro ang kaniyang sasakyan.

Hindi na kailangan pang magsalita ni Enlil. Ang pgsasalubong ng kaniyang mga kilay at pagkunot ng noo ay sapat ng reaksiyon sa inis na kaniyang nararamdaman. Nauubusan ng pasensiyang binusinahan niya ang kotseng nasa harapan ngunit wala pa ring magandang nangyari.

“Manong isang kaha nga ng Marlboro yung pula” ani Enlil sa lalaking nagtitinda ng yosi sa kalye

When A GOD Dies (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon