****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****
NAMTAR's POV
“I want everything taken cared of. Gusto kong mahuli na ang lahat ng taong nagtatangka sa buhay niya”
“Pero ser, ilang buwan na po kaming nagiimbestiga ngunit tanging ilang estudyante lang ang nakitang pumasok sa lugar at lahat ay may solidong alibi”
“PO1 Reyes, I respect whatever nonsense you are spouting right now but what I want is RESULTS, VALID RESULTS FOR GOODNESS SAKE!”
“Enlil anak, please calm down”
“I’m calm ‘ma”
“Your not anak. Sorry Officer Reyes but please gawin niyo lahat para mapanagot ang mga taong may gawa nito”
“Sige po Ma’am. We will do our best.”
“You better do your job”
“Stop it Enlil. I know how bad you are feeling right now but refrain from raising your voice, I did not teach you to be like that”
“We’ll go ahead Ma’am,..”
“Take care officer”
Nawala ang ingay na kanina lamang ay pumupuno sa aking pandinig. Tanging pagtunog ng bumukas at sumarang pintuan ang huling rumehistro sa aking pandinig bago tuluyang nawala ito.
Enlil….
Parang may kung anong bumikig sa aking lalamunan sa boses ng lalaking nasa hindi kalayuan. Hindi ko maalala ngunit alam kong kilala ko siya, malapit kami sa isa’t isa dahil iyon ang sinasabi ng aking puso. May kung anong tubig na gustong lumabas sa aking mga nakapikit na mata ngunit hindi ko ito makuhang mailabas.
Lumipas ang mahabang oras na wala na akong narinig. Dati rati ay nahihiwagaan lamang ako sa kanilang mga sinasabi nanakakabingi ang katahimikna ngunit ngayon na wala na akong marinig kahit kaluskos man lang, totoo nga na nakakabingi ang katahimikan. Para itong isang patalim na nakakasugat kahit hindi mo pa hinahawakan.
Ibiniling ko ang aking ulo. Naghintay ng ilang minuto ngunit tuluyan nang hindi bumalik ang mga boses na naguusap kanina. Hindi ko pa rin maialis sa aking utak ang kaniyang pangalan at kung bakit may kasamang tuwa at sakit ang dala nito sa akin. Ang tubig sa aking mga mata na nagpumilit lumabas kanina ay tuluyan na ring natuyo. Huminga ako ng malalim ngunit parang may bagay sa aking bibig na pumipigil sa akin na gawin ang aking nais.
Ipinagpahinga ko na lamang ang aking sarili. Ilang subok na ang ginawa kong pagmulat ngunit tila napaka bigat ng aking mga mata.
Bye-bye, bye-bye,
Quickly die,
On the morning will be frost,
And you’ll go to the grave-yard.
Grandfather will come
And will bring the coffin.
Grandmother will come
And will bring the grave clothes.
Mother will come
And will sing the prayer song.
Father will come
And will take you to the graveyard.
BINABASA MO ANG
When A GOD Dies (COMPLETED)
RomanceKamatayan ang nagbibigay sa kaniya ng ligaya. Kamalasan ang nagpapagulong ng kaniyang buhay. Ito ang dalawang bagay na tanging mayroon siya. Siya si Namtar -tinaguriang Diyos ng Kamatayan at Pagkakasakit. Siya na nabubuhay sa kamalasan ng iba. Siya...