****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****
NAMTAR's POV
Maalinsangan ang hangin na dumadampi sa aking balat. Madilim ang paligid na halos bumulag sa akin
habang tinatahak ang gilid ng bahay. Isa itong perpektong gabi upang tapusin na ang aking paghihirap,
upang mabura na ang dahilan kung bakit ako naging ganito ngayon.
Ako si Namtar Uran. Ang Diyos ng Kamatayan na nabuhay dahil sa kanilang mga pagkakamali. Ang
taong babawi ng kanilang buhay ngayong gabi bilang ganti at para mabigyan ng hustisya ang kamatayan
nila Ina at Ama.
Tumingin ako sa kaliwa at sa kanan. Pinagmasdan ang harap ng bahay na tahimik na tahimik. Ilang araw
na rin simula ng magkita kami ni Enlil sa sementeryo ngunit walang nagbago sa aking plano. Anak man
siya o hindi ay nagsinungaling siya sa akin.
Dumaan ako sa mababang parte ng bakod at pumasok sa loob ng bahay. Iginala ko ang aking mga mata.
Napakarangya ng kanilang bahay. Naguumapaw ang kaibahan ng kanilang buhay sa akin. Mas lalong
tumindi ang galit na aking nararamdaman. Hindi man lang nila naisip na naghihirap ako dahil sa kanila.
Inilabas ko ang aking baril mula sa aking likuran. Dahan dahang inakyat ang hagdanan habang
nagmamasid. Walang ingay kong tinawid ang pangalawang palapag at tinumbok ang lugar kung saan
natutulog ang heneral.
Sinunod ko ang larawan ng bahay na ibinigay ni Riko. Hindi pa ito nagkakamali sa bawat sulok at bawat
palapag na nakadetalye dito.
Lumiko ako sa kanan ng pasilyo at napatigil sa aking paghakbang. Dinama ang malakas na kabog ng
aking dibdib na sumasabay sa malakas na pagtunog ng malaking orasan sa malaking dingding. Alas dos
na ng umaga. Napangiti ako ng lihim. Saktong sakto ang aking dating dahil ito ang oras kung kailan tulog
na tulog ang mga tao. Hindi pa rin talaga ako pinapabayaan ni Ina.
“Para sayo to Ina..dudungisan ko ng dugo ang aking mga kamay para sayo”
“Magnanaka-“ agad kong pinalo sa ulo ang katulong na lumabas mula sa kuwarto kung saan ako
papunta. Agad itong nakatulog sa lapag ng tamaan sa batok.
Inaayos ko ang kaniyang katawan ng makarinig ako ng paparating na yabag. Agad kong itinulak ang
pintuan at tinutukan ng baril ang matandang lalaking kanina ko pa hinahanap. Napatigil siya sa kaniyang
pag inom sa basong kaniyang hawak hawak.
“Sino ka?” tanong nito
“Ako ang taong papatay sayo!”
Napaatras ang matanda pagkatapos lagukin ang tubig na nasa kaniyang bibig. Hindi ko natatandaan ang
kaniyang mukha ngunit hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang nasa larawan na ibinigay sa akin ni Riko.
Ang taong nagutos sa katapusan ng aking kinabukasan.
“Sino ka? Sinong nag utos sa-“
“Talagang may gana pa kayong magtanong kung sino ako pagkatapos niyong sunugin ako ng buhay?
Siraulo talaga kayo no” Napatawa ako ng mahina dahil sa kaniyang sinabi.
Dahan dahan akong lumapit sa kaniya. Nais kong humalakhak sa takot na nakaguhit sa kaniyang mukha.
Gusto kong maglupasay sa tuwa sa kawalan ng pag asa sa mukha nito.
“Anong kailangan mo sa akin?” tanong nito
“Tinanong ka rin ba ng ina ko ng patayin mo siya? Tinanong ka rin ba ng mga taong pinatay mo kung ano
ang kailangan mo sa kanila bago mo sila binawian ng buhay?” sigaw kong naluluha.
“TINANONG BA KITA KUNG ANO ANG KAILANGAN MO SA AKIN NG PATAYIN MO ANG
KINABUKASANG DAPAT SA AKIN?” Tuluyan kong sigaw. Hindi ko na mapigilan ang aking emosyon sa
unang pagkakataong makita ang taong responsible ng lahat.
“Sino ka ba talaga? Hindi ako natatakot mamaty!” ani Steve
“Mas mabuti kung ganun..hindi ako mahihirapang maningil ng utang mo”
Pinaputukan ko siya ng baril.
Ang kaniyang mga paang patuloy na umaatras ang tinamaan dahilan upang matumba ang matanda sa
kama.
Nanlaki ang aking mga mata sa dugong dumaloy sa kaniyang mga paa. Ang malansa nitong amoy ay
agad pumuno sa kabuuan ng kuwarto na nagpabalik sa aking pandama. Ang pandama ng taong
napapaligiran ng kamatayan, ng hinagpis at poot.
“Para yan kay Fade na namatay para iligtas ako sa sunog na iyong ginawa”
Narinig ko ang kaniyang mahinang ungol. Nakakatuwang isipin na isang katulad lang niya ang may
kagagawan ng lahat.
Pinaputukan ko siyang muli ngunit dumaplis lamang ito sa kabila niyang paa. Napaatras ito sa dulo ng
higaan habang nakatingin sa akin ng matiim.
“Sayang. Para sana yun sa mahigit isang taong nawala sa buhay ko dahil sa pambubugbog na ipinagawa
mo sa akin”
Napahalakhak ako ng malakas sa takot na nakikita sa kaniyang mukha. Mabuti pala at nailagay ko ang
silencer na bigay ni Riko. Hindi ko na kailangang mag isip pa na baka may makarinig sa akin ngayon.
“Hindi ko alam ang pinagsasabi mo..wala akong iniutos na ganiyan..” anitong sinubukang tumayo ngunit
tumigil ng itutok ko sa kaniya ang aking baril.
Napatakip ako ng aking mukha ng maigawa niyang ibato sa akin ang florera nasa kaniyang tabi.
Napaatras ako sa pintuan at agad pinaputukan ang kaniyang kamay .
“Natatakot ka na bang mamatay ngayon?” muli kong tanong na sinipa ang kaniyang duguang paa.
Napahiga na ito ng tuluyan sa kama at hindi makagalaw. Ang puting kubrekama kanina ay nabahiran ng
dugong galing sa kaniyang mga sugat.
“Wala akong al-“
“Naalala mo ba ang ginawa niyong pagsugod sa Iraq?” tanong ko sa kaniya na binanggit ang pangalan
ng aming bayan. Hindi ko siya hinayaang makapagsalita upang bilugin ang aking ulo.
“Paano kang nabuhay?” tanong nito. Ang gulat sa kaniyang mukha ay kitang kita ng mabanggit ko ang
aming lugar.
Inapakan ko ang kaniyang duguang paa at itinutok ang baril sa kaniyang sintindo. Hindi pa sapat ang
sakit na aking nakikita sa kaniya, hindi pa sapat ang kaniyang pagdurusa.
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH.. Bakit hindi ka sumigaw? Bakit hindi ka magmakaawa?.. BAKIT HINDI
KA UMIYAK?”
Napasabunot ako sa aking sariling ulo habang sumisigaw. Ang kaniyang pagpikit ay sapat na para
malaman ko na hindi siya santo na walang kinatatakutan.
“Bakit niyo pa ako hinayaang mabuhay noon? Kung pinatay niyo na rin sana ako.. wala na sana akong
sakit na naramdaman, wala na sana akong paghihirap na naranasan, wala sana ako dito sa harap ninyo
at ginagawa ang isang bagay na hindi ko pa nagawa..”
Pinunasan ko ang aking luha na tumulo sa aking mukha. Napatingala ako sa kisame ng kaniyang
kuwarto. Nasasaktan ako na kailangan kong maghiganti ngunit kailangan kong gawin ito. Mahigit
dalawang dekada na akong nabubuhay na naghahanap ng kasagutan. Dalawang dekada na akong
nabubuhay sa anino ng kahapon at mga katanungang bakit ako? Bakit kami? Bakit ganito?
“Anak..”
“HUWAG MO AKONG TAWAGING ANAK” sigaw ko sa kaniya na namumula
“Di ba sabi mo ayaw mo-“
“Siguro kailangan na kitang tapusin. Huwag kang mag alala,isasabay ko lahat ng nandito sa bahay
ngayon para may kasama ka…para hindi mo maranasan ang mag isa sa impyerno katulad ng ipinaranas
mong impyernong buhay sa akin…”
Dalawang putok ng baril ang aking pinakawalan. Napatingin ako sa kaniyang mukha ngunit wala itong
tama. Napa aray ako ng maramdaman ang pagtama ng aking ulo sa pader na dingding ng kaniyang
kuwarto. Ang biglaang pagtulak sa akin ng taong pumasok ang dahilan kung bakit hinid ko siya napatay.
Itinaas ko ang aking duguang kamay na napuno ng basag na plorerang kaniyang itinapon kanina.
Pinagmasdan ko si Steve na nakahiga sa kama. Ang kaniyang duguang kawatan ay nakadapa dito
habang sapo sapo ang duguang kaliwang braso.
Hindi tumama sa kaniyang katawan ang balang aking pinakawalan. Ang pangalawang bala ay tumagos
sa kisame na gumawa ng maliit na butas mula dito.
“Stop this Namtar. Nakikiusap ako sayo..may panahon pa para magbago ka” ani Enlil na hindi ko
namalayang nakalapit sa kaniyang ama.
“E-enlil..”
“Mahal kita at ayokong magsisi ka pagkatapos nito….ano ba ang mapapala mo sa paghihiganti?”
Kinuha ko ang aking baril na nabitawan ko kanina at iniumang ito sa kanilang dalawa.
“Hindi mo naiintindihan…”
“Walang dapat intindihin Namtar. Kahit ako gustong maghiganti..gusto kong ipalasap sa kaniya ang
kalungkutan na ipinadama ni Steve dahil inilayo ka niya sa akin” sambit ni Enlil na lalo kong ikinalito.
“Kasama kita lagi…sa araw araw na nanduon tayo sa kabilang bayan..minahal na kita, pero inilayo ka sa
akin ni Steve ng dalhin niya ako dito sa Pilipinas.”
“Tumigil ka na!”
“Hindi mo pwedeng sabihin na hindi kita naiintindihan..dahil kahit ako ay may rason para magalit sa
kaniya pero hindi ko naisip na maghiganti dahil nakita na kitang muli. Pinatagpo tayo ng tadhana”
“HINDEEEEEEEEEEEE”
Pinaputukan ko siya at agad lumabas ng kuwarto. Nalilito ako sa kaniyang sinasabi. Oo may
pagkakahawig siya sa lalaking laging nagbibigay sa akin ng pagkain at tubig noon pero hindi maaring
siya yun.
Lumabas ako ng kuwarto na hawak hawak ang aking duguang braso. Nalilito ako sa kaniyang sinasabi.
Nalilito ako sa aking sarili. Kung bakit pilit pinapakinggan ng aking puso ang mga salitang lumalabas sa
kaniyang bibig.
Wala na ang katulong kanina na iniwan ko sa may pintuan. Binaybay ko ang madilim na pasilyo ngunit
hindi ko na alam kung nasaang parte na ako ng bahay. Nahihilo na ako sa sugat kong patuloy na
nagdurugo. Isinandal ko ang aking katawan sa dingding ng makarinig ng sirena ng mga pulis.
“Namtar…mag usap tayo..”
Biglang namatay ang ilaw ng buong kabahayan. Ilang minuto pa ang aking pinalipas bago ko nagawang
sanayin ang aking mga mata sa dilim. Narinig ko ang papalapit niyang yabag kaya pinaputukan ko siya.
“Aggghh… “ anito na aking ikinatingin. Lumakas bigla ang kabog ng aking dibdib ng marinig ang kaniyang
boses na parang nasaktan.
“Kahit patayin mo pa ako.. mamahalin pa rin kita”
“Wala na akong nararamdaman para sayo Enlil”
“Hindi ako naniniwala..”
“Ikaw mismo ang naglibing ng pagmamahal ko…kaya wala na, wala na akong nararamdaman sayo”
Parang kutsilyong tumatarak sa aking puso ang bawat katagang aking sinasabi. Kahit ilang beses ko
pang sabihin na hindi ko siya mahal ay hindi naniniwala ang aking puso..tanging sa utak ko lamang ito
isinisiksik.
“Patawarin mo ako kung itinago ko ang aking koneksiyon kay Steve. Natakot lang ako sa ganitong bagay,
iniiwas ko na umabot tayo sa ganito pero parang walang nagbago..galit ka na sa akin”
Tumalikod ako sa pinanggalingan ng kaniyang boses at hinayaang ikubli ng dilim ang luhang pumuno sa
aking mukha. Siguro nga lumaki akong malas. Isa isa akong iniiwan ng mga taong nagmamahal sa akin.
Nawala sa akin ang aking mga magulang , si Fade, at ngayon pati ang nag iisang taong minahal ko ng
sobra ay nawala na rin sa akin. Hindi kami maaaring magkaroon ng relasyon dahil sila ang dahilan kung
bakit ako malas.
“Itigil mo na ito….please”
Napatigil ako sa aking paglalakad ng maramdaman ang kaniyang mga kamay sa akin. Ang init ng
kaniyang katawan na ilang linggo na rin ng huli kong maramdaman ay tila may pinupukaw na damdamin
sa akin.
Inalis ko ang kaniyang pagkakayakap ngunit mahigpit itong nakasugpong sa aking tiyan. Pumatak sa
aking balikat ang kaniyang luha na lalong nagpagulo sa aking gustong gawin.
“I’ll talk to Steve. Papakiusapan ko siyang huwag kang ipakulong”
“H-hindi na kita mahal”
Narinig ko ang pagtigil ng sasakyan ng mga pulis sa harap kaya pinilit kong makawala sa kaniyang
yakap. Natumba kami sa makapal na carpet ng sahig ngunit hindi pa rin siya bumibitaw.
“Hindi ako naniniwalang hindi mo na ako mahal..”
“Poot na lang ang nararamdaman ko at –ENLILLLLLL”
Napasigaw ako ng biglang makarinig ng nabasag na bagay kasabay ng pagbagsak ng ulo ni Enlil sa
aking katawan. Ang kaniyang pagkakahawak ay biglang lumuwag. Ang dugo mula sa kaniyang ulo ay
umagos sa aking dibdib. Ang dilim na nasa aking paningin ay lalong kumapal ng bumalong ang luha sa
aking mga mata. Inaninag ko ang kadilimang nasa kaniyang likuran upang malaman kung ano ang
nangyari ng magsalita si Riko.
“Wag kang mag alala..buhay pa yan..ang importante makatakas ka” anitong hinila ang aking kamay.
Tinahak namin ang kabahayan na halos hindi ko makita ngunit parang wala lang ito sa kaniya. Alam na
alam ni Riko kung saan liliko at kung saan dapat dumaan.
“Bat ka pa sumunod?” tanong ko
“Hindi ako baliw para hintaying makulong ang mahal ko” anitong humigpit ang hawak sa aking pulsuhan
“Wala kang mapapala sa akin Riko sinasayang mo lang ang-“
“Shhhhhh.. may mga pulis na nakapasok” putol nito sa aking sasabihin na agad akong hinila pabalik sa
aming pinanggalingan.
Nagpaikot ikot kami sa loob ng bahay ngunit sa bawat hakbang na aming ginagawa ay tila lalong lumiliit
ang espasyong pwede naming mapuntahan.
“P*t**g*s naman. Ang bibilis ng mga pulis na to..”
Bigla akong natakot kay Riko dahil sa kaniyang pagmumura. Ang kaniyang pagkakahigit sa aking kamay
ay lalong humigpit na halos magpaputok na sa mga ugat ko dito.
“Riko..”
“Don’t worry.. hindi ako papayag na may mangyari sayo..okay?” anito na sinapo ang aking mukha at
hinalikan ako sa labi. Nagbago na naman bigla ang kaniyang ekspresiyon na lalong nagpalaki sa
nararamdaman kong takot.
“Wait here..I’ll check if my other exits tayo”
Tumango na lang ako sa kaniya. Hindi pa man lumilipas ang ilang segundo ng magpaalam siya ay narinig
ko na ang sunod sunod na putok ng baril. Agad akong umalis sa aking kinalalagyan at pumasok sa
pinakaunang kuwarto na aking nakita.
Agad kong isinara ang pintuan at dumiretso malapit sa bintana nito.
Napakalaki ng kuwarto na aking
napuntahan. Iginala ko ang aking paningin ngunit ang nakakuha ng aking atensiyon ay ang napakalaking
salamin na halos mas matangkad pa sa akin. Ang disenyo nito ay inukit na ulo ng elepante habang
nakasabit ang salamin sa bunganga.
Kung ibang araw siguro ako napunta rito ay baka kinunan ko pa ng larawan ang salamin. Pinagmasdan
ko ang aking sarili sa salamin ng makita ang ilang libro tungkol sa aming sinaunang relihiyon at
paniniwala. Nakasulat dito ang Mesopotamian Religion na alam kong matagal nang nawala. Inabot ko
ang ilang piraso ng libro upang magulat na ang orihinal na kopya ng aking thesis ay nakasama doon.
“Kay Enlil yata itong kuwarto”
Binasa ko ang mga nakasulat doon. Wala na akong naabutang mga librong katulad nito dahil matagal na
itong inabandona. Ang aming bayan na lamang ang alam kong huling naniniiwala sa mga Diyos at
Diyosa.
Sa tulong ng lampshade na nakabukas sa gilid ng salamin binasa ko ang ilang piraso ng librong kahit ako
ay walang kaalam alam. Para akong namamalikmatang nagbabasa ng literal na buhay ng mga sinaunang
Diyos at hindi ko namalayang lumipas na ang oras.
Nakarinig ako ng ilang hakbang sa labas ng pintuan kaya agad ko itong inilapag sa lamesa ng may
malaglag sa sahig. Agad ko itong pinulot. Para akong natuklaw ng ahas sa pagkakaestatwa ko sa harap
ng salamin.
“Ayokong saktan ka Namtar pero gagawin ko upang matigil na itong kahibangan mo” ani Enlil na hindi ko
napansing nasa aking likuran. Itinaas ko ang aking luhaang mata at pinagmasdan siya.
“Ang sabi sa kasaysayan ng mga Diyos at Diyosa ng Mesopotamia…ang Diyos ng Hangin na si Enlil ang
gumahasa sa Diyosa ng Kalikasan na si Nintur. Si Enil ang dahilan kung bakit nawala ang lahat kay
Nintur na nagsimulang mawalan ng mga tagasamba. Dahi sa ginawa ni Enlil nagsimulang malasin at
kapitan ng kung ano anong sakit ang Diyosa bago ipinanganak ang Diyos ng Kamatayan at Pagkakasakit
na si Namtar” sambit kong lumuluha. Napatingala ako sa kisame bago siya tiningnan muli. Namumula
ang mga matang tumitig sa mukha niyang nakatanga sa akin.
“Ikaw si Enlil..at ako si Namtar. Hindi kita ama ngunit Ina ko si Nintur” pagpapatuloy ko na tumingin ng
matiim kay Enlil
“Itigil mo na ito Namtar…”
“Minahal kita Enlil. Alam mong ikaw lang a ng nagiisang lalaking pinag-alayan ko ng lahat ng meron
ako…ngunit paano mo nagawa sa akin ito? Hindi mo lang ako niloko..gusto mo rin ba akong paglaruan?”
tanong ko sa humihikbing boses. Basag na basag na ang aking boses sa luha at sipon na naghalo
habang siya’y kinakausap.
“Wala akong intensiyon na itago sayo ang tungkol kay Steve”
“Hindi ko alam na mahilig ka pala sa kasaysayan na gagawin mo ang lahat para lang maulit ang kung ano
na ang nangyari…”
Itinaas ko ang kutsilyong nakita ko sa kaniyang kuwarto. Itinaas ko ito habang pinagmamasdan siyang
itutok ang baril sa aking uluhan.
Nakita kong pumasok si Riko sa kuwarto na nakatutok ang baril kay Enlil. Gustuhin ko mang sundin at
sabihan si Enlil ay hindi ko magawa. Nagdadalamhati ang aking puso at kaluluwa sa mga bagay na
ngayon ko lang nalaman.
“Ikaw si Enlil... ang batang pumatay sa aking Ina na si Nintur. Ang kutsilyong ito ang patunay na ikaw ang
pumatay sa kaniya sa simbahan labing dalawang taon na ang nakakalipas. Ikaw ang dahilan kung bakit
nagsimula ang malas sa buhay ko at ipanganak ang Namtar na nasa harap mo ngayon….. IKAW NA
MINAHAL KO AT PINAGKATIWALAAN…..IKAWWWWWWWWWWWW” sigaw kong humihikbi.
Ibinaba ko ang kutsilyo ng makarinig ng malakas na putok ng baril na halos bumingi sa akin. Hindi ko na
nagawang makaikot ng makita ang pagtama ng bala sa aking kanang dibdib.
Kumapit sa aking damit ang pulang likido na dulot ng sugat. Nanlalaki ang aking mga matang nakatingin
kay Enlil at sa baril niyang umuusok pa rin.
Napasapo ako sa aking dibdib. Ang luha sa aking mga mata ay namalisbis sa mukha kong napuno ng
takot. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang ginawa.
“Papatayin ko and Diyos ng Kamatayan na si Namtar ..kahit iyon pa ang huling bagay na aking gawin..”
Itutuloy…..
BINABASA MO ANG
When A GOD Dies (COMPLETED)
RomanceKamatayan ang nagbibigay sa kaniya ng ligaya. Kamalasan ang nagpapagulong ng kaniyang buhay. Ito ang dalawang bagay na tanging mayroon siya. Siya si Namtar -tinaguriang Diyos ng Kamatayan at Pagkakasakit. Siya na nabubuhay sa kamalasan ng iba. Siya...