****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental***
ENLIL's POV
Inayos ni Enlil ang kaniyang mga gamit sa loob ng faculty. Pinasadahan ang draft ng Leadership Training na kaniyang ipapasa sa Dean. Binitbit niya ang kaniyang bag at lumabas ng opisina. Agad siyang dumiretso sa sasakyan na nakapark sa likuran.
“May relasyon ba kayo ni NAM?” tanong ni Riko na hindi niya napansing nakasandal sa pader malapit sa kaniyang kotse. Tinitigan niya lang ito at binuksan ang pintuan ng sasakyan.
“Nahahalata ko na panay panay ang aya mo sa kaniya kung saan saan. Pinipilit mo ba siya kapalit ng grades sa ROTC?” muli nitong tanong na hinawakan na ang braso ni Enlil. Makikita sa mukha nito ang determinasyon sa kaniyang gustong malaman.
“Wala ka nang pakialam kung anong meron sa aming dalawa” sagot ni Enlil
“Mahal ko si NAM. Kahit sino ka pa, prof man kita hindi ako aatras sa gusto ko.”
“Paano mo naman minahal ang isang lalaki? Bakla ka ba Mr Sallan?” ani Enil na natatawa. Pumasok sa loob ng sasakyan at binuhay ang makina.
“Siguro nga bakla ako. Pero mahal ko si NAM, at kaya kong ipagsigawan iyon sa buong campus kung kinakailangan” ani Riko na tumalikod na paalis.
Pinaharurot ni Enlil ang sasakyan. Ang kaniyang atensiyon ay nakatutok lamang sa kalsada ngunit halata ang pagngingitngit sa kaniyang ayos. Normal sa kaniya ang maging kalmado sa lahat ng oras ngunit kapag si Namtar na ang pinaguusapan ay nawawala ang kaniyang pasensiya. Napasuntok na lang ito sa manibela ng may traffic ang kalsada pauwi sa kaniyang bahay.
Iniliko niya ang sasakyan at mas piniling dumiretso sa bahay ni Namtar. Malayo layo pa ang papasok sa looban ngunit ipinark na niya ang kotse malapit sa gasolinahan. Ang nangyari dating magputok ng kaniyang gulong dahil sa mga basag na bote sa daanan ng bisitahin niya si Namtar ay iniwasan niyang mangyari muli.
Binaybay niya ang daan na ginagamit ni Namtar araw araw. Hindi naiwasang itakip ni Enlil ang kaniyang braso sa ilong dahil sa masangsang na amoy ng basura. Ang pang hapong araw ay tumatama pa rin sa mabahong kalsada na nagdodoble ng amoy nito.
Kumatok siya sa kuwarto ng binata ngunit walang sumasagot. Wala ring ilaw sa paligid na maaring magsabi kung tulog ba siya o nasa trabaho. Ilang oras na siyang nanakatayo sa harapan ng apartment ngunit kahit katiting ng anino ni Namtar ay walang nagpapakita. Ang mga nagtatakang tingin ng mga kapitbhay ang tangi niyang nakukuha sa tatlong oras na paghihintay sa labas.
“O anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?” sambit ni Fade na lumapit sa kaniya.
“Kanina pa ba wala si Namtar?” tanong ni Enlil na hindi maipinta ang mukha. Ang inip at pagkainis ay hindi na niya nagawang itago pa.
“Huwag mo nang problemahin yun, maaga lang sigurong pumasok sa trabaho para makarami” sagot nito na binuksan ang kuwarto at pumasok.
“Saan ba siya nagtatrabaho?”
“Malay. Iba iba naman kasi. Minsan sa condo, minsan nag hohome service siya..galing nun eh” ani Fade na kumindat pa sa kaniya.
Matagal nang naisara ni Fade ang pintuan ng kuwarto ngunit ang nakatulalang mukha ni Enlil ay nakatitig pa rin dito. Hindi makapaniwala sa mga bagay na binanggit ng lalaki. Marangal na tao si Namtar at mahirap tanggapin o iproseso na ganoon ang naging trabaho niya upang makapag aral.
Inalok niya ito ng trabaho. Inalok niyang maging assistant sa construction firm si Namtar ngunit ayaw nitong tanggapin ang rabaho na kaniyang ibinibigay. Napasuntok na lamang siya sa pintuan. Hindi niya maintindihan ang tumatakbo sa isipan nito kahit alam ng Diyos na gustong gusto niya itong intindihin.
BINABASA MO ANG
When A GOD Dies (COMPLETED)
Любовные романыKamatayan ang nagbibigay sa kaniya ng ligaya. Kamalasan ang nagpapagulong ng kaniyang buhay. Ito ang dalawang bagay na tanging mayroon siya. Siya si Namtar -tinaguriang Diyos ng Kamatayan at Pagkakasakit. Siya na nabubuhay sa kamalasan ng iba. Siya...