Chapter VI - A GOD's Wish

2K 61 3
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

 NAMTAR's POV

Naitulak ko si Riko ng biglang marinig ang boses ni Enlil sa pintuan ng tent. Sinulyapan ko ang kaniyang kinalalagyan sa gilid ng aking mga mata ngunit tanging ulo lamang nito ang nakapasok sa loob. Umupo ako mula sa aking pagkakahiga  habang nakangiti naman si Rikong nakatingin sa akin.

Hindi ko siya matingnan ng diretso. Ang aking mukha ay parang siling sinisilaban sa init. Hindi ako mapakaling tinanggal ang ilang lupa na nakapasok sa loob. Nakakabingi ang katahimikan. Walang gustong magsalita. Para kaming mga tuod na hindi gumagalaw at nagpapakiramdaman sa isa’t isa. Ang hanging kanina lamang ay malamig ay nagsisimula na ring mag init kasabay ng pag init nga king pang upo.

“Sir, nandiyan pala kayo” ani Riko na sa wakas ay bumasag sa katahimikan.

“Huwag niyo akong pansinin. Ituloy niyo lang kung anuman ang ginagawa niyo” anito na nakatingin sa akin.

Napansin ko ang lungkot sa gilid ng kaniyang mga mata ngunit agad ko rin naman itong iwinaksi sa aking isipan. Walang dahilan para makakita ako ng ganoong emosyon mula sa kaniya. Muli ko siyang sinulyapan ngunit hindi pa rin ito umaalis.

 “Talaga sir? Hindi kayo galit?” ani Riko na aking ikinagulat. Lumapit itong muli sa akin. Ang kaniyang tangkang muling paghalik ay sinalubong ko ng batok sa kaniyang ulo.

“Anong pinagsasabi mo?” ani ko at tumayo.

“Eh sabi ni Sir okay lang daw na gawin ko ulit yun eh” sagot nitong kumakamot ng ulo.

“Sige iwanan ko na muna kayo. Huwag kalimutang gumamit ng proteksiyon, mahirap na gumamit ng taong mahilig sa ganiyan” huli nitong turan.

Napatingin ako ng bigla sa kaniya ngunit tanging ang blangkong ekspresiyon na lamang nito ang aking naabutan bago tuluyang maglaho sa kapirasong pintuan na tumatabing sa amin.

Napailing na lag ako sa kalituhan. Wala akong maintindihan sa kaniyang ipinakita. Sa ilang araw na nakalipas simula ng mangyari ang kaniyang paghalik sa akin ay napapansin ko na lang ang lagi niyang pagsita sa akin.  Kung hindi mali ay ekspresyong hindi ko makuha kung para saan ang kaniyang ipinapakita. Hindi ko mapigilang mapaisip sa ibig niyang sabihin ‘mahilig sa ganiyan’.

 “Lasang strawberry ang lips mo NAM. Ang tamis” ani Riko na muli akong ninakawan ng halik sa labi.

Hinabol ko siya ngunit agad itong nawala at nakalabas ng tent. Binura ko gamit ang dulo ng aking damit ang halik na kaniyang ibinigay. Dinama ng aking daliri ang labing kanina lang ay sinakop niya.

Wala naman akong masasabing masama kay Riko. Gwapo at matangkad. Isang sikat na baseball player sa campus at talaga namang hindi nawawalan ng pila ang babaeng gustong lumapit sa kaniya. Mabait at matulungin. Isa  sa mga taong kakilala ko na hindi nakakakilala sa masamang tinapay. Lahat tinatanggap, lahat kinakausap. Ngunit iyon ang mga dahilan kung bakit ayoko siyang maging kaibigan. Nais ko mang hilingin na magkaroon ng kaibigang katulad niya, hindi ko pa rin nanaising madikitan siya ng malas dahil sa pakikipaglapit sa akin. Ang isag tulad niyang magandang klase ng kamatis ay hindi dapat  itinatabi sa mga bulok na katulad ko.

“Na adik ka na ba sa halik ko? Kanina mo pa hinahawakan ang labi mo ah” naibaba kong bigla ang aking damit ng bigla siyang sumulpot sa pintuan. Ang kaninang mainit kong mukha na nagsisimula pa lang lumamig ay tila parang bulkan na ngayong sasabog.  Inabot ko ang aking sapatos sa lapag at ibinato sa kaniya.

When A GOD Dies (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon