Chapter XIV - Confused or Confirmed?

1.2K 58 1
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental***

NAMTAR's POV

"Sorry" paumanhin ni Namtar ng maikuwento niya ang lahat ng nangyari.

"Don't be. I'll bear the responsibility for this"

"Kailangan ka nang madala sa ospital. Marami na ang nawalang dugo sa katawan mo.."

"I'm okay. Did I forget to tell you that I'm a soldier? Bruise lang to" ani Enlil na natatawa. Sumasakit pa rin ang kaniyang mga sugat ngnunit hindi na ito nagdurugo katulad dati.

Pangatlong araw na nila sa loob ng kweba. Gumagaling na ang kaniyang sugat ngunit dahil walang gamut na inilagay kaya napakabagal nitong sumara.

Tanging prutas at ilang chocolate bars na nakuha ni Enlil sa kaniyang bulsa ang kanilang pinagkakasya ni Namtar. Nakakalabas naman ang huli upang kumuha ng ng pagkain at tubig ngunit dahil nasa hindi kami kilalang lugar, hindi makahingi si Namtar ng tulong sa aming mga kasamahan at ibang sundalo.

Napapikit na lamang si Enlil at nagpahinga. Malakas ang buhos ng ulan sa labas.  Ang hanging pumapasok sa loob ng kuweba at nagsasabing hindi titigil ang ulan ngayong araw.

Naiyakap niya sa kaniyang sarili ang kaniyang mga braso dahil sa lamig na dala ng hangin. Hindi mo masasabing na tanghaling tapata pa lamang dahil sa dilim ng paligid.

 "Lalabas lang ako, titingnan ko kung may ibang taong maaring tumulong sa atin" paalam ni Namtar.

Hindi na niya pinigilan ito sa tangkang paglabas. Gusto man niyang kasama sa araw araw ang binata, ayaw naman ni Enlil  na manatili sa lugar na ito habang panahon. Sinulyapan niya ang lalaking lumabas ng kuweba gamit ang dahon ng saging upang ipang salo ng tubig ulan. Tuluyan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Ilang araw nang mabigat ang kaniyang pakiramdam, ang hangin na pumapasok ay tila idinuduyan ang kaniyan kamalayan. Ilang segundo lang ang lumipas bagi nakatulog si Enlil sa loob.

"Enlil.. Enlil.. anong nangyayari?" tanong ni Namtar kay Enlil na nakahiga sa lapag.

Ibinaba ni Namtar ang tubig na nakalagay sa bao at sinindihan ang apoy sa uluhan nito. Bumaha ang liwanag sa maliit na kuweba.

Nangangatog ang buongkatawan niya sa lamig. Ang kaniyang mapupulang labi ay nangangapal sa puti na tila nauubusan na ito ng dugo.

Narinig  ni Enlil ang boses ni Namtar na pumasok sa loob. Pinagmasdan niya ang basa nitong katawan na agad tumapat sa maliit na apoy na kaniyang sinindihan.

Napabahing siya dahil sa lamig. Hindi na niya maramdaman ang kaniyang katawan at tanging maliit na mukha na lamang ni Namtar ang rumirehistro sa kaniyang kamalayan habang pinapalitan nito ang kaniyang benda.

 "A-ang taas ng lagnat mo" ani Namtar na hinawakan ang noo ni Enlil.

"N-namtarr.."

"Huwag ka nang magsalita.."

"Huwag mo a-akong iwan..hhuhuwaggg m-" pagsusumamo niya na humawak sa braso ng binata.

"Shhhh. Hindi ako aalis dito, babantayan kita" ani Namtar at niyakap si Enlil.

Ang kaninang nilalamig na mukha ni Enlil ay patuloy pa rin sa panginginig ngunit nararamdaman na niya ang unti unting init galing sa sinindihang apoy.

When A GOD Dies (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon