Chapter XVI - Painfully Sweet...

1.2K 50 2
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

NAMTAR's POV 

“Hello?” sagot ko sa teleponong hindi tumitigil sa kakatunog.

“Didi I disturb you?” tanong ni Enlil na nasa kabilang linya.

“Hindi naman. Bakit ka napatawag?” tanong ko na inabot ang tubig na nasa kabilang mesa. Pangalawang araw na ako sa ospital na walang magawa dahil sa pamimilit ni Enlil na kailangan kong magpahinga.

“Bakit parang ayaw mo akong kausapin?” nagtatampo nitong sambit.

“Wala naman akong sinabing gani-“

“I was going to surprise you sana pero aalis na lang ako..ayaw mo naman yata akong makita” putol ni Enlil sa aking sasabihin.

Pinagmasdan ko ang screen ng teleponong ibinigay sa akin ng kaniyang ina kahapon. Gustong matawa sa kaniyang pagmamaralkuyo ng makarinig ng papaalis na yabag sa pintuan ng aking kuwarto. Agad kong isinuot ang aking tsinelas at inayos ang aking damit bago binuksan ang pintuan.

Wala akong makitang tao sa hallway ngunit nakita ko ang anino ng lalaki malapit sa exit. Tuluyan akong lumabas ng kuwarto at sinundan ang lalaki ng maisip na baka nandito si Enlil at totoong nagtatampo.

Lumiko ako malapit sa may exit ng may mag abot sa akin ng bulaklak. Lumabas ako ng pintuan ng may makita akong ilang nurse na may tulak tulak na wheelchair ng isang matanda. Tumango ako sa kanila ng inabot ng lalaking nurse ang bulaklak na hawak hawak ng matanda. Hindi ko man gustong tanggapin ay inilagay na ito ng nurse sa aking kamay at biglang umalis.

Binaybay ko ang daan papunta sa garden ng may dalawang beses pang nag abot sa akin ng bulaklak. Sinubukan kong tawagan si Enlil ngunit hindi nito sinasagot ang aking tawag. Pinadalhan ko siya ng mensahe ngunit nakakatatlong bulaklak na ang nag aabot sa akin ngunit wala pa rin siyang sagot.

Dumating ako sa parke kung saan nakaupo ang ilang mga pasyenteng nagpapaaraw. Papahapon na at hindi na masyadong mainit kaya napaupo na lang ako sa isa sa mga upuan.

Iginala ko ang aking mga mata sa buong paligid ngunit walang Enlil na nagpakita. Binilang ko ang piraso ng bulaklak sa aking kamay at malungkot na napatingin sa paligid. Hindi ako umaasang sosorpresahin niya ako sa parke ngunit inaamin kong pumasok sa aking utak na baka hinihintay niya ako sa labas at ang mga bulaklak ang magdadala sa akin dito.

“Bakit ba kasi ako nangangarap ng gising..eh nagtatampo nga yung tao..” pangaral ko sa aking sarili

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at isinandal ang aking likod sa upuan. Ang labing isang bulaklak na nasa aking kamay ay itinali ko gamit ang maliit na ribbon na nasa dulo nito at inilagay sa aking tabi.

Hinayaan kong tumama sa aking mukha ang ilang piraso ng aking buhok na hindi ko pa napapagupitan. Ang panghapong hangin ay hindi ganoon kalamig ngunit nakakapagbigay sa akin ng kapanatagan habang nagpapahinga. Nakapagpasya akong daanan na rin ang aking release paper mamaya pag akyat ko sa kuwarto.

When a day is said and done,

In the middle of the night and you're fast asleep, my love.

Stay awake looking at your beauty,

Telling myself I'm the luckiest man alive.

Cause so many times I was certain you was gonna walk out of my life (life).

Why you take such a hold of me girl,

When A GOD Dies (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon