****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****
NAMTAR's POV
Iminulat ko ang aking mga mata at sinanay ang paningin sa madilim na bahagi ng kuweba. Lumanghap ng hangin at dahan dahang umikot upang mapagmasdan ang mukha ni Enlil na nakahimlay sa aking tabi habang natutulog ng mahimbing.
Napabuntong hininga na lang ako at umupo mula sa aking pagkakahiga. Itinukod sa baba ang aking mga tuhod habang pinagmamasdan ang unti unting pagbubukas ng liwanag sa kadiliman ng gabi. Ikalimang araw na ngayon simula ng mangyari ang paglusob sa kampo ngunit wala pa rin nakakahanap sa amin. Sa tuwing lalabas ako upang pagmasdan ang kapaligiran ay may nakikita akong ilang tao sa paligid na nakasibilyan kaya hindi rin kami makalabas upang makahingi ng tulong.
Naiyakap ko sa aking sarili ang aking mga braso ng umihip ang malamig na hangin. Inabot ko ang maliit na kahoy na aming naging sulo ngunit wala na kaming natitirang lighter at kahoy na maaaring sindihan. Kumukulo na ang aking tiyan. Ilang araw na rin kaming puro tubig lang ang iniinom galing sa loob ng kuweba at walang pagkaing maipasok sa aming tiyan. Ni walang kasiguraduhan na malinis ang tubig na aming naiinom dahil madilim ng paligid sa tuwing kami ay kumukuha.
“Penny for your thoughts?” sambit ni Enlil na yumakap mula sa aking likuran.
Napangiti na lang ako ng bigla niya akong hilahin patumba sa kaniyang katawan. Inihiga ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib habang nakapa ekis sa aking dibdib ang kaniyang mga braso. Rinig ko ang mahinahon nyang paghinga at ang bawat lunok niya ng laway.
“Nagising ba kita?” tanong ko
“Nope. Pinagmamasdn ko lang ang iyong likuran simula ng bumangon ka. Wanna share your thoughts?” sagot tanong ni Enlil.
Hindi ko maiwasang hindi mapabuntong hininga. Wala akong reklamo sa aming set up ngayon ngunit naiinip na rin ako sa lugar na aming kinalalagyan. Gusto ko ulit maramdaman ang kalayaan na aking tinatamasa sa labas kahit na nga ba puro kamalasan ang aking nararanasan. Nais kong makagalaw ng walang inaalala maliban sa akin ngunit hindi ko ito maaaring sabihin sa kaniya.
Sa ilang araw na aming pamamalagi dito ay hindi ko man lang siya naringgan ng kahit isang reklamo. Kahit ang sugat na tinamo nito dahil sa paghahanap sa akin ay naghilom na rin at hindi na siya naghahanap ng ospital para tuluyang mawala ang pilat na dahil sa mga saksak at daplis ng bala.
“Wala naman. Naisip ko lang kung napano na ang mga klasmeyt natin”
“Don’t worry about them. Iniwanan ko sila sa mga sundalong kakilala ko” sagot niya
“Okay”
Inabot niya ang aking labi at sa ilang galaw lamang ng kaniyang mga braso ay napailalim ako sa kaniyang katawan. Ang nakangiti kong labi ay nawala ng dahan dahang tumakip dito ang kaniyang bibig. Hindi ko maiwasang hindi mag isip na kami ay mag asawa sa aming ginagawa. Simula ng maranasan ko ang tamis ng kaniyang pagmamahal at ang kaligayahang dala ng kaniyang katawan ay hindi na ako tumutol sa tuwing nanaisin niyang angkinin ako.
“Ako na lang ang pagtuunan mo ng pansin, huwag na ang mga taong wala dito..” nakangiti niyang sambit.
Ipinulupot niya ang aking mga binti sa kaniyang bewang at inihanda ko ang aking sarili sa isang sayaw na magdadala sa akin sa kakaibang mundo na itinuro niya sa akin. Ilang minutong sayaw sa tugtuging nakatatak na sa aking isipan ang lumipas bago namin naabot ang rurok ng kaligayahan.
Inilatag niya ang kaniyang pagod na katawan sa aking tabi at sabay kaming naghabol ng hininga. Natawa na lang ako ng lihim ng maalala ang kaniyang itsura ng una naming maranasan ang pag iisa n gaming mga katawan.
BINABASA MO ANG
When A GOD Dies (COMPLETED)
RomanceKamatayan ang nagbibigay sa kaniya ng ligaya. Kamalasan ang nagpapagulong ng kaniyang buhay. Ito ang dalawang bagay na tanging mayroon siya. Siya si Namtar -tinaguriang Diyos ng Kamatayan at Pagkakasakit. Siya na nabubuhay sa kamalasan ng iba. Siya...