Chapter I - Death God's Lullaby

7.4K 123 4
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Namtar's POV

Philippines 2002

“NAMTAR”

“NAMTARRR”

“WHOOOHOOOOO”

Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang mabilis na hanging pumupulot sa aking katawan. Ang sikat ng papalubog na araw  na tumatama sa akin ay tila tumutunaw sa lamig na nanunuot sa aking balat.

Pinakiramdaman ko ang paligid. Nais ko mang imulat ang aking mga mata upang sundan ang boses na tumatawag sa akin ay tila napakabigat sa akin na gawin ito.

“NAMTARRRR”

Napakislot ako sa papalapit na mga boses sa aking kinatatayuan. Ang tunog ng mga nababaling sanga sa bawat hakbang ay parang musika sa aking pandinig. Ang kaluskos ng mga tuyong dahon na dumadaiti sa tubig ay nakakaalis ng ligalig sa aking puso.

“NAMTAR, ANO BA!”

Iminulat ko ang aking mga mata at iniharang ang isang palad sa aking mukha upang pigilan ang sampal na nakaambang tumama sa akin.

“Nakakainis ka. Kanina pa kami sumisigaw, pero hindi ka man lang sumasagot”

Pinagmasdan ko ang nakasimangot na mukha ni Agnes  at ibinaba ang kaniyang kamay na aking hawak hawak.

“Pasensiya na”

“Iyon lang yun? Naku, dalawang oras na kaming naghahanap sayo.”

“Pasensiya na talaga”

“Hmmmpphh”

Pinauna ko na siyang maglakad upang makabalik na kami sa camping site. Ang nakasimangot na ekspresiyon ni Agnes ay nakapaskil pa rin sa kaniyang maputi at magandang mukha. Ang labing natural na may pagka pula ay nakagat labi habang pasulyap sulyap sa aking naglalakad. Nais ko mang burahin ang lungkot sa kaniyang mukha dahil sa aking pag iwan sa grupo ay hindi ko naman kayang humingi ng tawad ng paulit ulit. Mas gugustuhin ko pang mapag isa kasama ang mga dahon at hangin kesa sa maiingay kong kaklase sa aking likuran.

“Ano ba kasi ang ginagawa mo dun para hindi ako isama?” muling tanong ni Agnes

“W-wala naman.”

“Alam mo NAM, hindi naman talaga kung ano ang ginagawa mo sa lugar na iyon ang gusto ni Agnes”  bulong ni Riko.

“Crush ka niyan..subukan mong humingi ng kiss, tiyak ibibigay niya agad-“

Hindi ko na lamang siya pinansin at tumuloy sa aking paglalakad. Lumanghap  ng sariwang hangin at pinagmasdan ang paggalaw ng mga sanga na tila sumasayaw sa himig ng musika.

“Tingnan mo to’,kung ako lang ang crush ni Agnes….”

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang sinasabi ni Riko at kinuha ang headset sa aking bag. Kung hindi din lang mga huni ng ibon at pagpatak ng tubig sa mga kuweba ang aking maririnig ay wala na akong balak pang gamitin ang aking tenga. Pulos kalaswaan lang naman at Agnes ang ikukuwento niya na tiyak uubos sa aking oras at panahon.

Binuksan ko ang aking bag. Isinuksok ang aking kamay ng bigla akong mapadapa sa kumpol ng mga dahon sa daan.

Rinig ko ang pagtatawanan ng dalawa kong kaklase habang tumatakbo palayo sa akin. Napapailing na lang ako sa kalokohan nila. Isinara ko na muna ang aking bag at dumurog ng ilang dahon.  Kaiba ang dahon na aking nahawakan. Malambot ito  at hindi nadudurog sa aking ginagawang pagpihit.

When A GOD Dies (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon