****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****
NAMTAR's POV
Philippines 2004
Pamamamaga ng blood vessel. Pumutok na arteries sa hita at braso. Pamumuuo ng dugo sa mata at hindi pagdaloy ng hangin sa aking puso papunta sa aking utak ang dahilan kung bakit tumagal ng halos mahigit isang taon ang pamamalagi ko sa ospital.
Wala akong kaalam alam. Ni hindi ko naramdaman ang pangihihina ng aking katawaan na dulot ng matagal na pagkaka coma. Binasa ko ang ilang sulat mula sa aking pinagtatrabahuhan at ang ilang diyaryo ni Fade na naiwan sa aking kuwarto. Para akong nawalan ng lakas na napahiga sa aking kama. Mahigit isang taon na ang lumipas na wala pa ring nagbabago sa akin.
Hindi ko maiwasang hindi manghinayang sa napakahabang taon na lumipas. Maliban sa maari ko sanag maabot sa mahabang panahon na iyon, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kalungkutan. Nabasa ko na lahat ng mga sulat. Mabuti pa ang ilang trabaho na aking pinasukan, nagaw anilang magtanong kung nasaan ako. Pero ang pamilya ng aking ama ay hindi ma lan nakaalalang magtanong kung buhay pa ako o hinde. Sabagay hindi naman ako nagbibigay ng kahit ano sa kanila para pagaksyahan pa ng panahon. Isa lang akong pabigat kung iisipin pa.
Nagpasya akong lumabas ng bahay at maglakad lakad. Pinuntahan ko ang NGO na aking pinapasukan noon ngunit wala na sila sa dating opisina. Lumipat na ito ng hindi ko man lang nalalaman.
Pinagmasdan ko ang kapaligiran. Malaki na nga ang pinagbago ng lugar. Mas gumanda ang mga bahay at condominium. Ang mga kalsada ay gumanda na rin ngunit ang aking tinitirahan ay ganoon pa rin. Marumi ang ilog at mabaho ang hangin. Puno pa rin ng kung ano anong hidni magagandang bagay ang aming street.
“Oh si NAM yun ah..”
Napatingin ako sa grupo ng ilang estudyante ng marinig ko ang aking pangalan. Pilit kong inalala ang muka ng lalaking nagsalita ngunit hindi ko sila matandaan..
“Nagkamalay ka na pala..” bati nito na agad akong inakbayan.
“O-oo..” sagot ko na dahan dahang lumayo sa kaniya upang hindi siya mapahiya. Hindi ko maramdaman na close kami pero alam kong nakilala ko siya.
“So kelan ka papasok?”
“Uy..” napakurap ako ng iwgayway niya sa aking harapan ang kaniyang kamay.
“Ha?”
“Kelan ka kamo papasok?”
“Hindi ko pa alam eh.” Sagot ko na agad tumalikod. Pilit ko po rin siyang inaalala. Alam ko na hindi niya ako kinakausap sa araw araw kung ganitong hindi ko na siya matandaan.
“Ako pala si TJ” pakilala nito na agad kong naalala
“Kilala naman kita eh..” anito kong ngumiti ng maalala na naging team mate ko sa practice game sa Leadership Training.
“Weh? Parang kanina lang hindi mo ‘ko maalala..”
Tumawa na lang ako sa kaniya. Nalaman kong ipagpapatuloy niya pala ang pagiging sundalo dahil sa galing niya sa pag asinta. Hindi naman kami close ngunit wala akong makitang pakitang tao sa pakikitungo niya sa akin. Nakakatuwa na may ilan pa palang nakaalala sa akin kahit matagal akong nawala.
“Taena naman ‘tol, sino ba kausap mo at kanina pa ka…-kami naghihintay”
Namutla ako sa taong lumapit sa amin ni TJ. Kung sinuman ang makakakita sa akin ay naka sabihing wala na akong dugo sa katawan sa pamumutla at panginginig ng aking labi.
BINABASA MO ANG
When A GOD Dies (COMPLETED)
RomanceKamatayan ang nagbibigay sa kaniya ng ligaya. Kamalasan ang nagpapagulong ng kaniyang buhay. Ito ang dalawang bagay na tanging mayroon siya. Siya si Namtar -tinaguriang Diyos ng Kamatayan at Pagkakasakit. Siya na nabubuhay sa kamalasan ng iba. Siya...