****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****
ENLIL's POV
“Namtarrrrrrrrrrrrrrrr”
Umalingawngaw ang sigaw ni Enlil habang pinagmamasdan ang natutupok na gusali na tinitirhan ni Namtar. Hindi siya makapaniwalang ang lugar kung saan nakatira ang lalaking kaniyang minamahal ay mawawala sa isang iglap lamang.
Hindi niya napigilang mapasigaw habang patuloy na nilalamon ng apoy ang bahay. Ang makapal na apoy nito ay sumasabay sa malakas niyang pagtangis na hindi kayang apulahin ng mga bumberong pumipigil sa kaniya para makalapit.
Tumulo ang kaniyang luha kasabay ng malakas na buhos ng tubig mula sa naglalakihang truck sa kaniyang unahan. Hindi niya man isipin ay lalong nagdurusa ang kaniyang utak sa pag iisip kung ano ang kalagayan ng lalaki. Ang isiping hindi ito makahinga sa kapal ng usok, ang masunog ang balat o malapnos ang buong katawan nito ay nagdadala sa kaniya ng kakaibang takot.
“Namtar”
“Tama na po ser…”
“Padaanin niyo ako, nasa loob pa ang kasama ko.. padaaniiiiiiiiiiin niyo ako..”
Itinulak ni Enlil ang lalaking bombero at sinuntok sa kaliwang tiyan ang isa upang makawala sa kanilang pagkakahawak. Namumula na ang kaniyang mga mata habang umiiyak. Hinablot ng isang lalaki ang kaniyang damit dahilan upang mapahiga siya sa putikan. Nagsimula na ring bumuhos ang ulan ngunit kahit anong gawin niyang pagtakas upang makapasok ay hindi nagtatagumpay.
“You’ll pay if something happens to him..”
“Tama na ser, ayaw naming kayong saktan..kaya please.doon na lang po kayo sa tabi”
“Pero manong..”
Ginamit niya ang kaniyang lakas upang makatakbo. Naglalakasan ang sigaw ng mga tao sa paligid. Ang ingay ng sirena sa paligid ay pumupuno sa kaniyang pandinig na halos bumasag sa kabang namumuo sa kaniyang dibdib.
Tinakbo ni Enlil ang pagitan ng mga nakaharang na tali sa kalsada at tumawid ngunit bago pa man siya makalapit ay agad siyang nahawakan sa damit ng hepe at sinuntok sa mukha.
Napasadsad siya sa putikan. Para na siyang basurero sa kaniyang hitsura na puno ng putik. Nalasahan niya ang dugo sa kaniyang pumutok na bibig. Gustuhin man niyang tumakas muli ay napaiyak na lang siya sa kawalan ng magawa. Ang mukha ni Namtar na duguan ng kaniyang makita sa kanilang eskwelahan ay hindi niya maiwaglit sa kaniyang isipan.
“Hindi namin kailangan ng sagabal dito. Ipasok yan sa sasakyan” Hindi na pumalag si Enlil ng magtulong tulong ang tatlong lalaki upang maitayo siya at ideretso sa kaniyang sasakyan.
Napatakip na lang siya ng kaniyang mukha ng may biglang sumabog at lalong kumalat ang apoy sa buong paligid. Napapikit na lang siya ng kaniyang mga mata at hinayaang lumabas ang luhang kanina pa gustong tumutulo.
Iminulat ni Enlil ang kaniyang mga mata upang masilaw lamang sa liwanag na nanggagaling sa bombilyang nasa kaniyang uluhan. Iniikot nito ang kaniyang paningin sa ilang makakapal na orange na damit na nakasabit sa dingding bago napagtantong nasa istasyon siya ng mga bumbero.
Tumayo si Enlil at agad lumabas ng kuwarto. Gusot gusot ang damit at puno ng kung ano anong natuyong dahon ang kaniyang itsura na hindi man lang nakapag ayos. Maga ang kaniyang mga matang dumiretso sa kaniyang sasakyang naka park sa tabi ng mga fire truck.
BINABASA MO ANG
When A GOD Dies (COMPLETED)
RomanceKamatayan ang nagbibigay sa kaniya ng ligaya. Kamalasan ang nagpapagulong ng kaniyang buhay. Ito ang dalawang bagay na tanging mayroon siya. Siya si Namtar -tinaguriang Diyos ng Kamatayan at Pagkakasakit. Siya na nabubuhay sa kamalasan ng iba. Siya...