****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****
NAMTAR's POV
“Huwag kang magtitiwala kahit kanino…. kahit na kay Enlil”
Iyon ang huling salita ni Riko sa akin bago ako nakalabas ng ospital. Gusto ko man siyang tanungin kung bakit ay hindi ko na nagawa. Mas pinili nitong tumalikod sa akin at magpanggap na nagpapahinga.
Kanina pa tumatakbo ang aking utak at nag iisip kung ano ang ibig niyang sabihin. Ngunit kahit ano ang aking gawin ay hinid ko makuha kung bakit niya nagawang sabihin iyon. Nangalumbaba ako sa aking pagkakaupo at pinagmasdan ang ilaw ng mga bahay na agad nawawala sa bilis n gaming takbo.
“Ser nandito na po tayo.”
“Ser?”
“Sorry Manong” pamunahin ko sa driver na niyugyog pa ako sa aking pagkakatulala. Agad akong lumabas ng taxi at kinuha ang aking wallet sa bulsa ng abutan ni Fadeang driver.
“Ako na” anito
“Meron naman akong pang bayad” sambit ko na iniabot sa kaniya ang pera. Hindi niya ito kinuha kaya itinagop ko na lang itong muli.
Tumingin ako sa kaniya na nagtatanong kung ano ang ginagawa niya sa tabi sa ganitong oras. Alas siyete pa lang ng gabi pero ang oras kung saan marami siyang kinikita dahil uwian na ng mga tao.
“Bawal bang tumayo dito?” tanong nito na biglang ngumiti
“Para kang baliw” puna ko at umalis sa kaniyang gilid. Tumatawa pa rin itong sumunod sa akin at iniakbay ang kaniyang braso sa aking leeg
“Kala ko kasi gusto mong makita ulit yung junior ko”
“Baliw ka na nga” sagot kong itinulak siya sa may mga paso. Tumawa lang ito ng malakas sa aking ginawa. Hindi ko maiwasang hindi mamula sa alaala ng nangyari noong isang araw.
“Pinapasok ko na pala ang boypren mo. Kakain ata ng tao yan sa pagkakadikit ng kilay”
Dirediretso kong tinungo ang aking inuupahan pagkatapos magpasalamat sa kaniya. Kumakabog ang aking dibdib sa isipin na makikita kong muli si Enlil. Binuksan ko ang pintuan at nakaupo nga siya sa aking kama habang nakahilamos ang mga palad sa akaniyang mukha.
Napansin ko na sa mga nakalipas na araw lagi na lang siyang parang problemado. Hindi ko naman magawang magtanong ng tungkol dito dahil baka hindi ko rin maintindihan.
Nagtama ang aming paningin ng pumasok ako. Ininangat lang niya ang kaniyang paningin ngunit wala akong narinig na salita mula sa kaniya.
Dumiretso ako sa lababo at nagsalin ng tubig sa aking baso. Rinig na rinig ko ang aking paglagok dahil sa katahimikan sa aming pagitan. Hinawakan ko ang kuwintas na kaniyang bigay habang pinapanuod siyang nakatitig sa sahig.
“Kumain ka na ba?” tanong ko habang nagbubukas ng pancit canton
“I’m not hungry”
“Ok”
Isinalang ko ang maliit na kaserola sa kalan at umupo sa lamesa kaharap niya. Napakaseryoso ng mukha nito na ibang ibang sa mukha ni Riko.
Ilang minuto na ang lumilipas at halos nabilang ko na lahat ng butas sa pader ng aking tinutuluyan ay wala pa rin siyang imik. Ngayon ko lang naranasan ang sinasabi nilang awkward moment kasama ang taong kilalang kilala mo. Ipinatong ko ang aking ulo sa lamesa habang nakatingin parin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
When A GOD Dies (COMPLETED)
Storie d'amoreKamatayan ang nagbibigay sa kaniya ng ligaya. Kamalasan ang nagpapagulong ng kaniyang buhay. Ito ang dalawang bagay na tanging mayroon siya. Siya si Namtar -tinaguriang Diyos ng Kamatayan at Pagkakasakit. Siya na nabubuhay sa kamalasan ng iba. Siya...