THIRD'S PERSON POV
*BOGGHSSSSS!!!!*
"Mahal na hari! Mahal na reyna! Nawasak na ang unang harang sa labas ng palasyo, at patuloy ng pumapasok ang mga kalaban!" Sigaw nang isang Kawal.
Naalarma ang lahat sa tinuran ng kawal lalo na ang Hari. Nag aalala ito sa kanyang mahal na asawa sapagkat ito ay kasalukuyang nasa proseso ng kanyang panganganak. Mahigpit na hinawakan ng Hari ang kanyang espada, dahil wala itong magawa. Kailangan nitong bantayan ang Mahal na Reyna
"Arghhhh!!!"
Tili ng kanyang asawang Reyna. Masaya na may halong pagangamba ang nararamdaman ng Hari. Masaya dahil isisilang na ng kanyang mahal na Reyna ang kanilang pangalawang sanggol. Pangangamba na para sa kanyang mga nasasakupan na patuloy na nakikipag laban sa labas upang hindi tuluyang makapasok ang mga kalaban at hindi magambala ang panganganak ng Reyna.
"Magiging maayos ang lahat apo"Nilingon ng Hari ang kanyang Lolo at binigyan nang isang tipid na ngiti. Sana, sana nga ay maging maayos na ang lahat.
Sa kabilang dako ay nag kakagulo sa bawat sulok nang mundo Majica dahil sa digmaan. Digmaan na walang makakapigil dahil ito ay matagal nang naka saad sa propesiya.
Napaupo ang hari dahil hindi nya alam ang kanyang gagawin. Hindi nya lubos maisip na sasapit ang ganitong klase nang trahedya sa mundo nang Majika.
"Uwaaaa!!! Uwaaaa!!!" Iyak ng isang sangol na narinig ng Hari
Mabilis na pumasok sa silid ang Hari at napaluha sakanyang nakita, niyayakap ng kanyang mahal na Reyna ang kanilang sangol habang nakingiti ito. Makikita sa mukha Reyna ang panghihina dahil sa kanyang panganganak
"Babae! Babae ang inyong anak mahal na hari" Ang masayang mungkahi ng isang Babaylan
"Mahal ko, kailangan ko na kayong ilayo dito ngayon din. Lubhang napaka mapanganib dito sa ating mundo. Nababahala ako na baka makuha nya ang ating anak" sabi ng hari, at mabilis na inalalayan ang kanyang mahal na Reyna
"ASAN ANG AKING PAMANGKIN?!"
umalingaw-ngaw ang nakakatakot at nakakakilabot na boses nang isang babae. Naka suot ito ng bestida na kulay itim, may hawak na tungkod na may desenyong bungo, kulay itim ang labi, at itim na itim rin maging ang kanyang mga mata. Tunay na nakakatakot at nakakapanlambot ng tuhod kung itoy iyong tititigan ng matagalan.
"Hindi mo sya makukuha!" Sigaw nang reyna
"MGA KAWAL!" Sigaw ng Hari at agad pumosisyon sa harap ng Reyna
Humalakhak naman ang nakakatakot na babaeng nasa harapan nila.
"Kawal? Ah? Kawal ang tawag mo sa mga yun? Akala ko laruan HAHAHA!" Nanguuyam na sabi ng nakakatakot na babae
"Umalis ka rito! Hinding hindi mo makukuha ang anak ko!" Sigaw ng Reyna
"Nanghihina kana, kaya mabuting ibigay mo saakin ang iyong hawak na sangol para wala ng masaktan pa" nakangising sagot nang naka itim na babae
Nginisihan lang ito ng Reyna at mabilis na nag laho kasama ang sangol, at pumunta sa kabilang mundo, ang mundo ng mga mortal. Dahan dahang binitawan ng Reyna ang kanyang anak na sangol sa tabi nang simbahan, maluha luha nitong tinignan ang napaka amo, at napaka gandang mukha nito.
"Pangako babalikan kita anak ko," hinalikan ng Reyna ang sangol, bago ito nawala na parang bula.
Sa kabilang dako nang FIRE KINGDOM ay napasok na ito nang mga Darkæñans, nag tagumpay ang mga kalahan na wasakin ang iba pang Kaharian sa mundo ng Majica, ngunit hindi sila nag tagumpay na sakupin ito.
Lahat sila ay nakaligtas ngunit marami ang namatay marami ang nawalan nang mahal sa buhay. Marami ang nag buwis nang buhay para sa kanilang pamilya at tirahan.
****************
EDITED