Chapter:6 Training

9.7K 388 5
                                    

Mist POV.

'Kailangan mo nang mag hensayo apo. Malapit na sila, lumayo kana. Mag pakalayo layo ka para hindi ka nila mahanap!'

-

"Shit!!"

Usal ko ng magising ako, hingal hingal akong tumayo at kumuha nang tubig. Narinig ko naman ang pag bukas at pag sara nung gate namin na yero.

"Oh ayos kalang ba?" Sabi ni aling kuring na kakapasok lang na may bitbit na dalawang plastic, pag kain yata.

Mamaya na pala ang libing ni lolo, 6:00am palang naman makakapasok pa ako sa school. Kaya mabilis akong kumilos at naligo na, lakad ulit papuntang school.

Dahil sa pag mamadali at baka ma-late ako ay, lakad takbo na ang ginawa ko. Nang makarating ako sa gate ng school ay pawisan nako. Ang haggard na sigurado ng itsura ko, amoy araw pa ay naapo!

Nag lakad nako papuntang room ko, may mga nadada-anan akong mga studyante na tumatawa at nag bubulungan, kahit alam kong ako nanaman ang topic nila ay hayaan na, nitong nga nakaraang araw ay trending ako dito sa pinapasukan kong skwelahan. Naging sikat ako.

"Well, well, well"

Napalingon ako sa gilid at nakita ko yung tatlong mukhang sugpo ayy mukhang suso ayy basta!!

"Wala na ba kayong ibang alam na sabihin ha? Kayong mga kontabida kala mo kegaganda nyo, gas gas na yang line nyo! Well, well, well! E kung basagin ko mukha mo?" Sigaw ko sa isip ko.

"Caramel" saraktik na sabi ko at mag lalakad na sana ako ng hilahin nito ang bag ko.

"Kinakausap kita kaya wag mokong tatalikuran!" Sabi nya sabay sabunot sakin.

Urghh!!! This ugly creature is getting to my nerves!!!

"M-masakit! Ano ba!!" Sigaw ko.

Hindi nag tagal ay marami naring mga taong nakiki isyoso, naririnig ko din ang pag click ng camera nila, marahil ay kinukuhanan nila kami ng video o letrato, at nag sisisigaw ng three pups! THREE PUPS! Yes tama kayo ng nabasa, they're like a powerpuff girls but an ugly one. And its not puff but pups! Mahihilig kasi sa lollipops ang mga Vaklang to pauso!

"Oww sorry, naka limutan ko, lolo mo pala yung gusgusin na may butas sa tyan at saksak sa dibdib! Poor you!" Sarkastik na sabi ni loisa (loysa)

Biglang uminit ang dugo ko at hinawakan sya nang mahigpit sa braso at binaliktad saka ko sya dinaganan.

Pak!!

Pak!!!!

Pak!!!!!!

Serves him right? Tss. OO HIM! ALANGAN NAMANG HER? e mukha pang labster yang si gaga!

Nakita kong sobrang pula na ng mukha nya sa pag kaka-sampal ko. Tss sobra sa blush on ang mukha neto.

"How dare you!!!" Sigaw nya at pinag sasamapal at sabunot ako!

"Kawawa pala ang lolo mo ano? Napaka pangit na nga kagaya mo gusgusin pa, ang masaklap pinatay pa! Ang saya diba bagay sakanya! Hahaha" and with that nag dilim ang paningin ko

Ang alam ko nalang ay sa sobrang bilis ng kilos ko ay sinasakal ko na sya ngayon. Sobrang lakas nang hangin, itinaas ko ang kamay ko at sinakal sya ng pataas. Sobrang lamig ng pakiramdam ko! Ang tanging nasa isip ko nalang ngayon ay patayin siya. Naramdaman ko naman na bumaon ang mga kuko ko sa leeg nito.

"T-tama na" naiiyak at mahihiran na sabi nito kaya nabalik ako sa wisyo at nabitawan sya. Pabagsak na umuubo sa lupa.

"M-MONSTER!!!" sigaw nila at nag si takbuhan ang mga studyante.

Nag lakad nako papasok nang room, pero walang tao. Kaya napag pasyahan ko nalang na umuwi tutal tinamad narin ako.

Habang nag lalakad ako pauwi pakiramdam ko ay may naka sunod sakin. Pakiramdam ko rin ay may papalapit sakin kaya lumingon ako at goshh!! May kutsilyong papunta sa dereksyon ko malapit na kaya pinikit ko nalang ang mata ko.

Ilang oras pakong naka pikit nang wala naman akong naramdamang kakaiba. Bukod sa biglang lumamig kanina. Binuksan ko yung mata ko at luminga linga, wala namang tao. Pero pag tingin ko sa baba ay nakita ko yung kutsilyong nababalot ngayon sa yelo. Kinabahan ako kaya agad akong napatakbo.

Pag uwi ko sa bahay ay nag bihis ako at pumunta na nang simbahan, mayamaya ayy ililibing na si lolo. Ang sakit nang anit nang ulo ko. Kainis kasi ang palakang loisa nayun e!! Sabunutan banaman ako!! Urghh!!

"Tara na?" Sabi ni aling kuring at sumakay na nang tricycle.

Konti lang ang nakipag libing, habang papunta kami nang sementeryo diko maiwasang maluha  sa sinapit ni lol.kailangan mag pakatatag ako para sa sarili ko.

Pag kalibing kay lolo at deretso uwi na ako, hindi man lang ako nakapag pasalamat dun sa lalaking nag bigay nang pera. Kung di dahil sakanya baka mabaliw nako kakahanap para may maipambayad lang. Buti nalang at nandun si aling kuring at inalalayan ako kung hindi naku baka sumalampak ako sa bato kanina, baka pag tawanan pa ako nang mga nakipag libing.

Nahiga nako sa karton at pinikit ang dalawa kong mata. Naluluha pero pilit kong kinakalma ang sarili ko. Pano nako neto?

Ilang araw narin akong hindi nakakapasok sa trabaho ko. Hayy siguro ay sesante nako.

Itutulog ko nalang to.

*********

'Tulong!!! Tulong!!!!!'

"Tulungan mo kami!!!"

"AHHHHHH!!!!!!!!!"

Napa balikwas ako nang bangon at hingal na hingal, hawak ko ang puso ko na sobra sa lakas nang kabog! Gosh! Ano yun?! B-bakit sobrang daming taong nahihirapan!! Sobrang daming taong nasa kulungan!! May mga patay. May mga nahihirapan, Hindi ko maintindihan!! Gulong gulo nako!!

Kumuha ako nang tubig sa pitsel at ininom iyon. Nang mahimas-masan ako ay dun ko lang na realize, wag dapat mag paapak sa iba.

***********

Dalawa.......

Dalawang linggo nakong nag tetraining. Ako lang mag isa. Nag bubuhat ako nang mabibigat yung kaya ko lang, nag jojogging din ako. At nag aral narin nang karate! Pang self defence.

Nitong mga nakaraang araw ay sobrang dami kong weird na nakikita, may mga naka itim na nilalang ang nakikita ko malapit sa poso. Madalas akong nananaginip nang mga taong humihingi nang tulong.

Dalawang linggo narin akong hindi pumapasok. Kaya kailangan ko nang pumasok bukas. Napansin ko rin sa sarili ko na parang pumuti ako lalo, kahit na nag bubuhat ako nang medyo mabigat hindi ako nag kakaroon nang malalaking muscle. Hayyy nag papasalamat ako haha.. Sayang naman ang ka sexyhan ko no! Hihi

*******

VOTEMENTS GUYS!!! ^_^

Leviah Crown AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon