Mist POV.
Nag lalakad ako ngayon papunta sa skwelahan dahil unang araw ng pag pasok sa eskwelahan ngayon. Bale 6:30am palang naman kaya rarampa nako habang wala pa si kumparing araw.
Mejo may kalayuan yung school, 7:30am sakto lang na nakarating ako. Pano ba naman kasi e may ginagawa palang construction kineme dun sa shorcut kaya no choice ako at dun sa malayuan ako dumaan tss.
Agad akong pumunta sa faculty para malaman ang section ko, di naman mahirap hanapin kung saan ang section/room ko, kaya agad akong pumasok. napansin ko naman agad na habang nag lalakad ako ay may mga iilan na naka tangin sakin, yung iba mga naka tutok sa gadget's nila, yung iba matatalim yung tingin at yung ibang mga lalaki nakatingin sakin ng may halong pag nanasa? The F?!
Sinubsob ko nalang yung ulo ko sa arm chair dahil mamaya pa darating yung Advicer namin, dahil may meeting daw sila, mukhang marami ang pumasok ngayong school year. Sa tancha ko ay nasa 40+ kami? Mas angat ang bilang ng mga babae.
Nagising ang nag mamaganda kong diwa nang maramdaman kong may kumakalabit sakin, mabilis na inangat ko naman ang ulo ko at dun ko nakita ang magandang nilalang na kumalabit sakin.
'Ang gwapo naman neto!' Yun ang agad na naisip ko.
Nakita ko naman sa Pheripiral vision ko na naka tingin lahat ng mga kaklase ko sakin, kasama narin ang aming guro.
"Bakla! Ikaw na!" Bulyaw neto sakin
Okay na sana e! Kaso magaspang pala ugali! Bakit ba napaka daming ganyan ngayon no? Mga taong porke may ichura at may ipag mamalaki kung maka asta akala mo kung sino, hindi ba nila alam ang salitang humble?
Ano nga palang gagawin? Naka tayo lang ako habang di magkamayaw kung saan titingin, ganun din yung iba, patalim nang patalim yung tingin nila sakin.
'Like Ohmygee!! What to do? What to do?'
Nagulat nalang ako nang mag taas ng boses yung nasa harapan ng
"Introduce yourself!!!!"
"MistRyRomero17yr." Mabilis na sabi ko dahil sa kaba! Ikaw ba naman sigawan? For pete sake! Kagigising ko lang!
"Again!!!!!!!!!"
Putspa!! Sakit sa tenga nang pag tili ni teacher huhu First day na First day palang feeling ko mahihirpan talaga ako huhu
"Mist Ry Romero 17-yr. Old"
Pag tapos kong mag pakilala ay tumango lang ito at bumaling sa black board. Hayy nako! Sakit ng tenga ko, yung puso ko naman di magkamayaw sa bilis nang pag tibok, jusko wag naman sana ako atakihin.
Discuss lang nang discuss si ma'am, kahit parang walang nakikinig sakanya, para makabawi ay lagi akong sumasagot. Ayy ako lang pala ang sumasagot sa mga tanong nya, lagi nalang ako nakikita e Tss.
Hangang sa mag ring ang bell at nag paalam na yung terror naming guro. Napabuntong hininga nalang ako dahil First day palang ay piga na tong nag mamaganda kong utak! Sa loob ng isang oras na klase ako lang sumasagot sakanya! Ano to? 1 on 1 class?
Bigla naman akong kinabahan sa di malamang dahilan. Hindi ako mapakali, hindi ko mawari. parang binabaligtad yung sikmura ko, na para bang pakiramdam ko kailangan ko umuwi. Ikinalma ko muna ang sarili ko at nag pakawala ulit ng isang malalim na buntong hininga at ipinag-sa-walang bahala ko nalang iyon.
Pumunta ako sa likod nang building at doon nag pahinga, naupo ako sa may lilim ng akasya, malakas naman ang hangin kaya di mainit. At isa pa wala akong pambili nang pagkain kaya tutunganga lang ako dito buong break time.
Wala na kasi akong natirang pera, bukod sa nag titipid ako pano kami kakain ni lolo mamaya kung ipambibili ko ito ng makakain ko ngayun?
Pinikit ko nalang ang mata ko, itutulog ko nalang to actually yun naman talaga ang plano ko. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang may naamoy ako, napatingin ako sa gilid at nakita kong may lalaking naka tayo, habang may hawak hawak na sandwich at nakatutok sa ilong ko
Pagtingin ko sa mukha nya ay laglag panga talaga ako! Sobrang gwapo Vakla! Down to earth talaga dai!
"Don't you know staring is rude?" Sabi nya pero naka titig parin ako sa gwapong mukha nya.
Saka ko lang napansin na may pagka kulay pula ang mata nya. Naka contact lense kaya sya? napagawi din ang mata ko sa maganda nitong katawan, may pagka redish din ang kulay nang buhok nito. 'Teka pwede sa school to?' May matangos na ilong, singkit at malalamig na titig na mga mata, mapula pulang labi.
'napaka perpekto naman ng lalaking to.' saad ko sa isip ko
Siguro nung ginawa to sobrang saya ng mga magulang nya, walang bahid ng kapangitan, parang walang mali sakanya. Grabe! Artistahin wait? Kakabugin pa neto nga artista! Kabahan kana James Reid!
Napabalik sako sa ulirat at reyalidad ng bigla itong lumingon sakin at nag salita.
"Eat" sabi nito habang titig na titig sa nga mata ko, waring hinahalukay lamang loob ko char!
Walang ka abog abog na kinuha ko agad yung inaalok nitong pag kain! Ano sis aarte pa? Bawal tangihan ang grasya! Wala nang hiya hiya gutom ako no!
Pag tapos ko lamunin yung binigay nya at akmang mag papasalamat pero hindi ko na sya nakita. Tumayo ako at luminga linga sa paligid pero wala na talaga sya. Aba! Ineengkanto ata ako!
Ng mag ring ulit yung bell ay mabilis akong tumayo at rumampa pabalik sa room pero bago yun, nag lagay muna ako ng note na salamat bago umalis. Malay nyo bumalik yun? Okaya dun pala yun lagi naka tambay? Diba?
Nang makarating ako sa room ay naupo agad ako, at ilang sandali pa ay pumasok narin yung susunod naming teacher. Pero di talaga Ako mapakali, di ko alam kung bakit. Gusto kong umuwi, pero di naman pupwede dahil oras pa ng klase.
Nag paalam ako sa guro namin na kasalukuyang nag tuturo sa harapan para ako ay umihi marahil dahil ito sa kaba. Vakla! ihing ihi na ako! Hindi ko nalang pinansin ang matalim na titig ng Teacher namin at mabilis na lumabas. Pag tapos ko mag CR ay may nakita akong lalaking kulay ash ang buhok kaya nilapitan ko ito.
Medyo nagulat ako nang humarap ito ay kung anong kulay nang buhok ganun din ang kulay nang mata nya, bakit ganun? Naka contact lense din sya? Uso ngayon?
"Naka contact lense ka kuya?" Tanong ko rito, at napansin ko ang pag kunot ng noo nya Weird.
Tinuro ko yung buhok at mata nya na kulay abo at nanlaki ang mata nya, may mga sinasabi syang salita pero di ko maintindihan.
"Yan ganun parin ba ang itsura ko?" Tanong nya na ikina taka ko.
"Oo" sabi ko at umalis na kailangan ko ng mag paalam, parang may mali talaga e.
Nang makapag paalam ako ay agad nakong umuwi, ayaw pa nila nung una pero sinabi kong may emergency lang sa bahay. Kaya lakad takbo ang ginawa ko para makauwi ako kaagad. At pag dating ko ron, nakita ko si aling kuring na nasa labas nang pinag tagpi-tagping bahay namin ni lolo pabalik balik itong nag lalakad na pakiwari ko ay may malaki itong problema.
Kinabahan ako nang tignan ako nito, kaya parang alam kona, mabilis akong tumakbo para pumasok sa loob ng bahay at hanapin si lolo pero bigo akong makita ito.
"Mist, w-wala na ang lolo mo" mungkahi ni aling Kuring, napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ko namalayan na may pumapatak na palang butil nang luha sa aking mata.
Kaya pala! Kaya pala pakiramdam ko ay kailangan kong umuwi! Kaya pala pakiwari ko kailangan ako rito sa bahay! Kaya pala di ako mapakali kasi may nangyari nang masama kay lolo.
"A-ano pong nangyari s-sakanya?" Mangiyak ngiyak kong tanong.
"Hindi ko alam, pero ang nakita ko nalang ay may malaking butas ang tyan nya, ang kapitbahay nyo ang nakakita sakanya, at may itim na kutsilyo ang naka tasak sa dibdib nya, nag iimbestiga na ang pulis sa karumal dumal na nangyari." sabi nya kaya lalo akong napa hagulgol.
Sino?! Sino ang walang hiyang gagawa nun sakanya?! Ang alam ko walang kagalit si lolo! Wala itong kaaway o ano mang atraso para gawin sakanya yun!
Pero sino??