Chapter25:Mission||

7K 291 1
                                    



Mist PoV


Hindi parin ako makatulog kahit anong gawin kong pag pwesto sa sarili ko. Naka inom narin ako nang gatas pero hindi parin ako maka tulog urgh!


Napag pasyahan ko nalang na lumabas sa tent at naupo nalang sa labas. Hindi parin naman naalis yung bonfire na ginawa ni ace dahil power nya yun. At nag cast nang spell si syreen para sa barrier. Napapahanga ako sa katalinuhan at kagalingan nila, ang lalakas na nila na kahit siguro hindi na sila pumasok sa school ay kaya na nilang i handle ang sarili nila.


"Still not sleep?" Napalingon ako at nakita ko si sylchie na papuna sa derection ko.


"Hmm syl about dun sa nakita mo kanina, walang meaning yun. I mean, I don't have any feeling's towards To Xiar. As in wala promise! Tinulungan nya lang ako kasi nakakahiya mang sabihin pero, Hindi kasi ako marunong mag tayo nang tent" nahihiyang sabi ko at may pakamot batok pa kahit hindi naman makate.


"Seriously?!" Nanlalaking matang sabi nya na parang hindi makapaniwala.



Tumango lang ako at tumingin sa langit. Ang daming bitwin sa taas na parang nag sasayawan. Napapikit nalang ako at napangiti nang biglang mag flashback sa utak ko yung buhay na mayroon ako noon. Lumingon ako sakanya at nakita kong naka tingin din ito saakin, tinanguan ko lang ito ulit at huminga nang malalim.


"Yeah, nung nasa mortal na mundo pa ako, hindi kami nakaka kain nang tatlong beses sa isang araw tulad nyo o nang ibang tao. Hindi rin ako nakaka tanggap nang regalo tuwing pasko, hindi ako nakaka kuha nang magandang treatment tulad nyo o nang iba. Dahil isa lang kaming dukha sa kabilang mundo, then one day nasa school ako nabalitaan ko nalang na sinaksak ang lolo ko sa loob nang aming bahay. Namatay naman ang lola ko dahil sa isang malubhang sakit, nag tatrabaho ako nang janitor sa mall, salesman at cashier sa 7/11. Sa isang araw, nakakapagod pero kinakaya para kay lolo. Nung pinatay sya, hindi ko alam kung saan ko sya ipapa-burol. Walang kuryente sa bahay, buti nalang nandun yung nag iisang tinuring ko nang magulang, si aling kuring"


Napangiti tuloy ako. Kamusta na kaya sya? Yung karinderya kaya kamusta na? Maayos lang kaya ang lagay nya? Kamusta na kaya yung taniman nya nang dragon fruit? Haha

"At yun nga, napag pasyahan na sa simbahan nalang i burol pansamantala ang lolo ko. Pero ang pinaka malaking problema ko ay ang perang gagamitin para ipampalibing sakanya. One day pag pasok ko sa school, may isang masungit at gwapong lalaki ang nag bigay sakin nang pera para ipambayad sa burol at utang namin ni lolo. Sa likod nang pag susungit nya at kasupladuhan ay ang pagka bukal na puso na meron sya. Kaya malaki ang pasasalamat ko sakanya. Kaya nakakahiya mang sabihin, isa lang akong walang kwentang tao na nandito. Walang magulang na kinarisnan kaya wag kanang mag taka kung bakit wala akong kaalam alam dyan sa mga bagay nayan haha. Pang mayaman lang yan dun sa mundo namin. Hehe"



I found out na yakap nya nalang ako. Napahikbi nalang ako bigla dahil sa yakap na binigay nya saakin. I feel comfortable.


"S-sorry" mahinang sabi nya pero sapat na para marinig ko.


"Its ok. Nothing to say sorry haha." Sabi ko at napahikab. Dun ko lang naramdaman ang antok.


"I understand kung bakit ka tinulingan ni xiar. And may kilala akong lalaki na suplado, at masungit pero mabait.




Si Ace"



**************



Nag lalakad kami ngayun sa kakahuyan at sa di kalayuan ay nakikita ko na ang kalahating bahagi nang northpole. Totoo nga!! Naka hati ito sa dalawa! Sa kinatatayuan namin ay ang mainit at sa kabila naman ang lamig. Nakikita ko rin ang pagbagsak nang nyebe mula sa taas papuntang baba. Whoah!!!



"Wear your iceproff cloak." Halos kilabutan ako nang biglang mag salita si ace.



"Ready?" Saad ni syreen. Tinanguan lang namin ito at sabay sabay kaming nag lakad papuntang malamig na bahagi nang islang ito.



Pag tapak na pag tapak namin. Rinig na rinig ko ang mura nan mga kasama ko na parang lamig na lamig sila. But me? Parang wala lang sakin. Hinubad ko narin ang gloves na naka cover sa kamay ko. Bago paako mapigilan nang mga kasama ko ay nakahawak nako nang isang iceflakes!


"Silly us! Ice sub nga pala ang element nya, kaya pala hindi sya nakakaramdam nang lamig" sabi ni xiar.


Nagsimula na kaming maglakad papuntang norte pero hindi pa kami nakaka galaw nang may makita kaming isang malaking Ice golem! Ang akala ko isang alamat lang ang creature nayan?! Nabasa ko kasi sa library na isang mala alamat ang ice golem. Dahil hindi ito nag papakita kung kanikanino.


Napaatras kami nang bigla itong mag lakad nang isang hakbang. Inangat nya ang isang kamay nito at gumawa nang isang iceflakes. Nakatingin ito saamin na para bang nag sasabing gawin rin namin ito bago kami makadaan.



At dahi ako lang naman ang nag iisang may hawak nang sub ice element dito. Kaya umabante ako nang tatlong beses. Naramdaman ko pang may humawak sa kamay ko, nilingon ko ito at nakita ko si sylchee na hawak ang kamay ko. I smiled at her kaya binitawan na nya ang kamay ko.


Gumawa ako nang napakalaking iceflakes na kalakihan nang tao. Nangalahati lang ito sa ginawa nya pero nakita ko ang pag hinga naito dahil nag buga sya ng hangin dahilan para may usok na lumabas rito.



Nag bow muna ito bago ako tignan sa mata at nawala nalang nang tuluyan? Ok. What is that?


"Tara na" yaya ko sakanila at nag simula na kaming mag lakad.


At sa apat na oras na pag lalakad. Nakita namin ang isang tore. Isang torena gawa sa yelo. May mga armadong tao rin ang nasa labas at may bitbit na kalibre nang baril.


"Here's the plan"


-----------

Leviah Crown AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon