MIST POVHangang ngayon hindi padin ako makapaniwala na wala na si lolo. Wala na ang natitirang pamilya na kumukupkop sakin, wala na ang natitirang mahal ko sa buhay, wala na.
Papasok ako ngayon sa school. Dahil kahit papaano, papasok parin naman ako. Kailangan kong pumasok, yun ang habilin ni lola saakin. Yun ang pangarap niya para saakin, ang makapag tapos ako ng pag aaral
Pag pasok ko palang sa school ay may naramdaman na akong parang hindi magandang mangyayari sakin. Pinabayaan ko lang yun at nag puloy na sa pag lalakad.
Hindi pa inuuwi si lolo sa bahay, base kay aling Kuring ay mamaya pa ito. Baka nga sa simbahan na sya i burol dahil wala naman kuryente dun sa bahay namin.
Napaluha nalang ako nang biglang nag flashback saakin yung mga ngiti ni lolo at ni lola noong mga panahong kasama ko sila, mfa masasayang alala habang pinapalaki nila ko, pinapangaralan, sinasabihan pag makulit.
Naisipan kong pumunta muna sa likod ng building namin sa school. Dun muna ako tatamabay tutal masarap ang hangin dun. Makakapag isip ako ng maayos, palagay ko nga mababaliw ako sa sobrang pagiisip kung saan ako makaka-kuha ng pambayad sa morgue.
Napaisip tuloy ako, kung may nagawa ba akong malaking kasalanan kaya nangyayari ito? May nagawa ba akong malaking kahibangan kaya ginaganito ako ng tadhana? Kaya pinapahirapan ako? Sino ng kakapitan ko pag nag kataon? Sino ng lalapitan ko pag hindi ko na kaya?
Umupo ako sa ilalim ng puno, at dito ko lahat binuhos ang sakit ng dibdib ko. Simula kaninang pag gising ko ng madaling araw ay dinako naka tulog kakaisip sa lolo ko. Mahal ko sila, mahal na mahal.
"Asdfghjkl"
Pati tyan ko nakikiramay narin, saka kolang naalala kahapon pa-pala ang huling kain ko yung sandwich na binigay nung lalaking gwapo.
"Oh" sabi nang kung sino kaya ingat ko yung ulo ko at nakita ko yung lalaki kahapon.
Nakalahad yung kamay nya na may panyo kaya kinuha ko yun, pinunasan ko yung luha ko. Niyakap ko yung binti ko habang naka upo at tumingin sa malayo.
Naramdaman ko naman na umupo sya sa may tabi ko pero may konting distansya. Tinignan ko sya sa pangalawang pag kakataon, ang gwapo nya talaga.
"Tss, don't stare at me like that" sabi nya na nay ngising nakakaloko sa labi
Inismiran ko naman sya at bahagyang hinampas sa balikat.
"Assuming!" Sabi ko at tumayo na pero hinila niya ako ulit kaya napa upo ako.
"Problem?" Sabi nya kaya nanluluha ulit ang mga mata ko.
"Marami" sagot ko at ngnitian ko sya nang mapait.
"Ohh? Alam ko na" sabi nya nang may pag ka lungkot. Tong lalaking to! Napaka bipolar! Ang cold tapos biglang loloko-loko tapos biglang lulungkot tsss.
"Huh? Wala kang alam" sabi ko at tumayo na
"nga pala salamat kahapon" sabi ko at mag lalakad na sana ako papunta sa room nang mag salita sya.
"Your working as a Waiter on a small Resto, 7/11, a Janitor. Para lang may pambili ka ng gamot sa lolo mong may sakit. But one day pag uwi mo ng bahay nyo wala na sya"
Napatingin ako sakanya at nakatayo narin sya at naka talikod sakin, saka anong resto? E karinderya kaya yun.
"Then, you dont know how to get money para maka bayad sa morgue right?" Again tama nanaman sya.
"P-pano mo nalaman? Stalker!" Nanlalaking matang sabi ko sakanya habang naka duro.
Nanlaki naman ang singkit nyang mata sabay turo sa sarili nya.
"Me? Tss, NO. IM NOT" madiin na pag dedepensa nya. Sabay roll eyes
"Asdfghjkl" urghh! Bwisit! ngayon pa talaga kumulo ang tiyan ko. Nakakahiya!
"And hindi kapa kumakain simula kahapon" Sabi nya kaya napa yuko nalang ako.
Sobrang naaawa ako sa kalagayan ko. Pero kailangan kong maging matatag hindi lang para kila lolo at lola, kundi para narin sa sarili ko.
"Tara" sabi nito sabay tayo, nagulat pa ngs ako ng hawakan niya ako sa kamay at hilain.
At ang bilis nyang mag lakad, halos lahat ng studyante naka tingin saamin.
Dinala niya ako sa isang mamahaling Resto, nung una tumatanggi pa ako, kasi okay lang naman kung sa ihaw ihaw okaya tusok tusok, may karinderya naman ganun, pero Resto!? Nakakalula yung mga presyo! Pang isang buwang budget ko na yung isang potaheng tinitinda nila! Malapit lang naman ito sa school namin, hindi ko alam kung paano kami nakalabas sa school o kung bakit pinayagan kami lumabas. Kasi sa oag kakaalam ko hindi ka pwede lumabas sa school hanggat hindi natatapos ang klase depende nalang siguro kung emegency.
"Tss! Eat. If your hesitating to eat i will stab you with this fork" mariing sabi nito na may halong pandidilat ng mga mata.
May pagka sadista pala to! Pero ang cute nya! Halos lahat ng mga tao na andito sa Resto ay naka tingin samin. Yung iba nag bubulungan, kaya diko alam kung kakain ba ako o ewan. Talagang hindi ako nababagay sa mga ganitong lugar.
"Don't mind them, just eat. Kainin mo lahat ng yan." Sabi nito habang nag uumpisa naring kumain.
"Opo!" Opo nalang ang nasani ko sakanya at sinimulan ng lantakan ang pagkain na nasa harapan ko.
Pagtapos naming kumain, ay nagkwentuhan pa kami, tho ako lang dumadaldal sakanya kasi hindi talaga sya nag sasalita. Puro tango at iling lang sya, kanina andaldal tas bigla nag iba mood nya. Bipolar nga.
Hindi ko naman nakalimutang mag pasalamat sakanya pagtapos nya akong ihatid sa school. Hindi na daw sya sasama papasok kaya nauna na ako.
pag bukas ko ng pinto ay siya namang pag buhos ng pintura galing sa taas, kasama ang pag buhos ng harina
Lahat sila natawa pati yung teacher sa loob! God! I can't believe this na may teacher na promotor dito! Kaasar!
Agad akong tumakbo pauwi, kahit na maraming naka tingin saakin ay ok. Lang, may mga tumatawa at may mga nakikita akong naawa, at gusto ako lapitan. Eto rin yung pakiramdam na kagaya ng kahapon, kaya pala pakiramdam ko may mangyayaring masama.
Ng makita ng guwardya ang ichura ko ay kaagad ako nitong pinag buksan at sinabihan na mas mabuti kung umuwi na muna ako at mag pahinga. Inalok pa niya ako na ihatid pero tumanggi nalang ako at ayoko din maka abala
Pag dating ko sa bahay ay agad akong naligo sa may poso mahirap pa namang alisin ang pintura!
*********
Ilang oras ang ginulgol ko sa poso bago ako matapos. Sa buhok ako sobrang nahirapan, dahil natuyo ang pintura. Nakapag linis narin ako at inilagay sa isang lalagyanan ang mga gamit ni lolo
*knock* *knock*
Agad akong tumayo at nakita ko si aling Kuring na may dalang pagkain, at inumin. Binalita nya sakin na maya maya ay darating na si lolo sa simbahan galing sa morgue.
Agad din namang umalis ito, nag pasalamat ako sakanya at nag ayos ng gagamitin ko para bukas. Dahil may lakad ako
Kasalukuyan kong inaayos yung nga gamit ko sa eskwelahan ng may makita akong puting sobre. May kakapalan ito, hindi din ako sigurado kung saakin ba ito kaya para malaman kung kanino ito ay agad ko itong binuksan
"P-pera?" Gulat na sabi ko at nabitawan yung mga pera!
Pano ba namab nga Vakla! Sobrang dami ng pera nayun! At san ko naman yun nakuha? Pano ko yun nakuha?
Gosh!!!! Kaloka!!!
-----------------