Doppelganger

668 5 0
                                    

Doppelganger

So this one's not really my experience but I just really need to write this gawa nang di mapakali yung utak ko.

It started nung freshmen pa kami sa school. May kaklase kasi akong madalas talaga makakita ng mga multo. Usually din, lagi siyang nakakaamoy ng mga bulaklak na pampatay na hindi namin naaamoy. It felt weird nung nalaman namin na may ganito pala kaming klase ng kaibigan. Itago nalang natin siya sa pangalang Eya.

Nagsimula kasi talaga sa kanya. Yung mga tinatawag na "doppelganger". Though nung una di talaga ako naniniwala. I have never experienced seeing a ghost or whatever. Pero kasi ganito yun. May tinatawag kasing eco park sa school namin. Tabing dagat kasi kami. Tapos kadadating lang nila doon nung makita ni Eya yung bestfriend niya na nakasandal lang sa isa sa mga puno.

At first parang wala lang. Pero kasi napansin niyang medyo tahimik siya pati nakatulala lang. Usually kasi maharot yon at laging nagpapatawa. So ayun, nilapitan ni Eya yung bestfriend niya. Yung iba niyang mga kasama nawiweirdouan sa kanya kasi kusa nalang naglalakad kung saan-saan. Kaso bago pa siya tuluyang makalapit sa puno may tumawag sa kanya. So lumingon siya tapos dun niya nakita yung bestfriend niya na kanina lang ay nakatulala sa puno. Then bumaling uli siya sa puno, wala na dun yung bestfriend niya. Siyempre nagulat siya na natakot din. That was her first time seeing a real ghost. Although hindi siya sure kung guni guni niya lang ba yon.

Kinuwento niya sa amin yung nangyari. So ako, hindi talaga ako madaling maniwala. Mejo luka din kasi si Eya kaya mahirap paniwalaan. But then, siguro ilang weeks yung nakalipas may dalawa uli akong kaklase na nakaexperience ng ganon pero ibang senaryo.

Eya and I are like buddies. Bukod sa bestfriend niya, lagi niya rin akong kasama. Kadadating ko lang non sa school tapos si Eya nagdedecorate ng room. Inutusan niya yung dalawa pa naming kaklase na bumili ng pangdecoration since siya naman yung president.

Pagbalik nung dalawa nagulat sila nang makita si Eya na nag aayos ng walls tapos ako na nakaupo at nagcecellphone. Kinuwento nila sa amin na nakita daw nila kami ni Eya na naglalakad sa may lumang library (Sunog na) pero hindi naman daw kami natingin nung tinatawag nila kami. They felt offended pero natakot sila nang makita kaming nasa room lang.

Eya and I never left the room. That was the second time our class experienced that horrifying doppelganger sh*ts.

I don't know kung ilang weeks or months ang lumipas pero nangyari naman to sa first period namin ng umaga. Yung kaklase kong malapit sa pintuan nakita niya yung teacher namin sa computer subject na naka grey na shirt pati salamin. So hindi nila inisip kasi wala lang naman yun. Tapos nag break time na kaya pumunta kami sa Coop na kaharap ng building ng registrar kung saan nandoon yung office ng teacher namin sa computer. Nakita nila yon na paalis ng building pero naka white teachers' attire siya pati hindi nakasalamin.

Nagulat yung mga kaklase ko tapos kinuwento nila sakin since close kami ng teacher na yon. Madaming posibleng dahilan. Pero nung tinanong namin siya, sabi niya hindi pa daw siya nadaan sa building namin at kararating niya lang daw. Aside from that, bawal din magsuot ang mga teacher sa amin ng iba maliban sa uniform nila.

Natapos ang break time. Bumalik kami sa room. Nandun pa rin yung teacher namin sa first period. Kinuwento rin namin sa kanya yung tungkol don. Tita ni Eya yung teacher namin ng first period. Sabi niya marami din daw experience si mam kaya magandang magtanong kami sa kanya tungkol sa mga ganong bagay.

So ayun, hindi siya nagulat kasi sabi niya may naexperience na daw siya na ganon at dun pa daw sa mismong room namin. Syempre nagulat kaming lahat pati medyo kinilabutan. Kaya pala kami nakakaexperience ng ganito dahil sa room namin?

Nagkuwento sya sa amin. May pumunta na isang estudyante sa table niya. Akala niya daw dadaan sa likod ng upuan niya so binigyan niya ng daan. Kaso hindi pa din daw naalis. Tiningnan na niya yung estudyante. Kaso wala naman daw talaga. Nagtanong siya sa iba pa niyang mga estudyante kung meron daw bang babaeng gustong dumaan kanina sa likod niya. Sabi naman daw wala pang natayo sa kanila.

That was our third and last experience.

Nung sophomore year, lumipat na kami ng room sa kabilang building kasi nirerenovate yung building namin dati. May bago din kaming teacher sa English. He had different experiences pati cool ng teacher yon. Laging may time na nagkukuwentuhan lang kami sa klase niya or whatever.

One time nagkwentuhan kami tungkol sa naexperience naming katatakutan. Tapos kinuwento namin yung doppelganger na nangyari sa amin last year. Dun din niya nakwento yung tungkol sa library namin. Remember nung may nakakita sa amin ni Eya sa may sunog na library? (Which is hindi naman talaga kami) Sabi ni Sir, our library was haunting us.

May bahay sa likod ng library namin. Nakatira don ang isang matandang lalaki, dalawang bata na may mental illness pati mag asawa na nung time na nasunog yon ay wala sa bahay. Since may mental illness nga yung dalawang bata laging nakakandado yung gate kasi baka umalis at di na mahanap.

But then nung nasunog ang library, nakakandado ang gate. Puno na daw siguro ng usok yung bahay kaya wala ng time para hanapin yung susi ng lock sa gate kaya tinary hampasin ng martilyo yung lock kaso it was too late. Hindi na niya nabuksan yung gate at tatlo silang namatay sa insidenteng yon.

Nasunog ang library bago pa kami makapasok sa school na yon. I really don't know the connection pero baka daw ang dalawang bata na yon ang gumaya sa amin ni Eya. It was a really creepy experience. Ngayon naman e wala na kaming naeexperience na nakakatakot. Siguro kasi lumipat na kami ng room.

Additional info:

Yung tindera namin sa Coop may anak. Yung anak niya kalaro dati yung mga batang namatay sa sunog. Yung bata na anak ng tindera sa Coop dati naming kalaro at kakwentuhan. I mean, bata pa talaga siya pero bibo at masiyahan.

May bakery sila sa bahay nila. In a very tragic way, nasunog din ang bahay nila at namatay yung bata dahil sa sunog.

I guess ngayon magkasama na silang tatlo sa heaven or whatever.

-간다.

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon