"The Witness"
Hi gusto ko lang ikwento pinaka nakakatakot kong experience.
Itago nyo na lang ako sa pangalang Lars.
2003 yun nung nangyari. Magkaagaw na yung dilim at liwanag ng time na yun nung napadaan ako sa bakanteng lote na di kalayuan sa amin nang may narinig akong parang may nag uusap galit yung boses nung is. Nagtago ako sa halamanan para makita kung sino ang mga nag uusap..nang malapit na ko sa kanila nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko 3 lalake ang nandun ang isa nakabusal ang bibig at nakatali ang mga kamay, nakaluhod sa lalakeng kaharap, yung isa naman nasa likod niya hawak ang buhok niya at may hawak na patalim. "Ano boss tuluyan ko na?" sabi nung may hawak ng patalim. Tinignan ko mukha nila pero wala eh di ko talaga kilala sabi ko sa sarili ko "mga dayo to." Wag muna sabi nung isa..sabay tadyak sa dibdib dahilan para tumimbuwang sa lupa ang kaawa awang lalake. Napaharap siya sa kinaroroonan ko pagkabagsak niya. Kinilabutan ako kasi parang nakita niya ako, parang nagkatitigan kami sa mata, di ako gumalaw kahit tadtad na ko ng kagat ng lamok kasi pag oras na nalaman ng dalawa na witness ako sa ginagawa nila tiyak dedo din ako. Mangiyak ngiyak na iniwas niya ang paningin sa karoroonan ko at hinarap ang lalakeng may patalim akmang susugurin pero bigo dahil sinipa ulit siya nung 'boss' nung isa kaya napadapa siya sa lupa. "Akin na yang kutsilyo!" utos nung isa.
Pagkaabot sa kanya ay agad ginilitan yung leeg nung lalakaeng nakabusal ang bibig. Dinig na dinig ko ang ingay na parang sa napapanood niyo gaya nung sa abusayyaff pugot ulo videos.."uuhrrrhhggggkk" Tumindig balahiho ko sa mga nakikita ko. Sumirit ang dugo mula sa leeg niya at nangisay ngisay pa yung kawawang lalake at parang babangon pa pero di na niya kaya, napahawak na lang siya sa leeg niya na unti unting namamatay. Pero bago siya mamatay ay lumingon muna siya sa kinaroonan ko. "Sheeet nakita nga niya talaga ako." sabi ng utak ko. Agad namang umalis ang dalawa sakay ng motor.Hinintay ko munang makalayo sila bago ako umalis sa lugar na yun. Nanlalamig ang pakiramdam kong umuwi sa bahay, wala akong pinagsabihan sa nangyare sa bakanteng lote. Kinagabihan nahirapan akong matulog bumabakas parin kasi ang mukha ng lalakeng namatay o pinatay nung dalawa. Napanaginipan ko ang lalakeng yun umiiyak ng dugo ang mata niya..may busal parin ang bibig at makikita sa leeg ang hiwa na kumitil sa buhay niya. Hindi man malinaw ang sinabi niya pero nakikita ko sa mata niya ang paghingi niya ng hustisya. Paatras ako sa kanya ng paatras kasi natatakot ako sa hitsura niya. Pero di ako makalayo hanggang sa parang lumutang siya at lumapit sa akin na parang galit na humihingi ng tulong. Pulgada na lang distansya ng mukha namin ng magising ako. Pawis na pawis akong nanlalamig na napaupo sa kama ko. Tinignan ko ang orasan 03:00 am palang. Natatakot akong matulog ulit baka kasi magpakita na naman siya. Nagtalukbong ako ng kumot buti na lang nakatulog ulit ako at di na nanaginip.
Kinabukasan usap usapan na yung lalakeng pinatay malapit sa amin. Ni isa sa taga samin walang nakakakilala sa lalake. Dahil walang kamag anak na dumating para kunin ang bangkay niya ay agad itong inilibing sa sementeryo ng bayan namin. Di rin masolve ang kasong ito dahil walang witness na nakakita maliban sa akin.
Dalawang linggo akong nanahimik pero dalawang linggo din niya akong di pinatahimik. Puyat ako laging pumapasok sa school. Hanggang sa mapansin ako ng mama ko na matamlay na ko lagi. Dun ko na rin inamin na nakita ko ang pangyayare nung gabing pinatay ang dayong lalake sa amin.
Pumunta kami sa kapulisan at doon ipina sketch ko ang mga mukha ng salarin. Tandang tanda ko parin ang mukha ng mga killer kaya di nahirapan ang mga pulis na iguhit ang mga mukha nila.
Kinagabihan nun ay payapa na ulit ang pagtulog ko. 3 weeks ang nakaraan nung mahuli ang mga killer. Panatag na ang loob ko pag napapadaan ako sa bakanteng lote kung saan may pinatay. Dahil lagi ko rin siyang nakikita dun dahil sa pananahimik ko tuwing nadaan ako dun. Napag alamang ang lalake palang yun ay may maliit na negosyo na unti unting lumalakas, dahil siguro sa takot na masapawan ay dinukot ito ng karibal niya at pinatay siya.
.
.
Kung witness kayo sa isang krimen at nagmumulto sa inyo ang namatay ano gagawin nyo?
.
.
Lars ng surigao del sur
2003 1st year highchool
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES
ParanormalALWAYS UPDATED. KATATAKUTAN. KABABALAGHAN. HANGGANG SAAN ANG KAYA NG IMAHINASYON MO? my favorite true to life stories from spookify. Visit their facebook page for more. No copyright infringement intended. I do not own the stories.