"The Old Lady"
Sana mapost po ito, 1st time ko po magshare ng story ko dito. I've always been a silent reader and a fan of this page. And I thought na siguro okay lang na ishare ko rin ang kwento ko.
Itago nyo nlang ako sa pangalang Kylie (not my real name), nag umpisa ang lahat nong bata pa ako (11yrs. Old) at muntikang mamatay. Nakasakay kami sa aming sasakyan papunta sa picnic grove sa tagaytay ng biglng nawalan ng preno ang sasakyan at naisalpok ng driver namin sa isang puno ang sasakyan. Sa kabutihang palad, puro sugat at galos lang ang natamo ng mga kasama ko, pero dahil ako ang pinakabata ay ako rin ang pinakamalubha ang kalagayan. Humampas ang ulo ko sa harap ng sasakyan (nasa front seat ako at ayaw ko magseat belt) Dinala ako sa hospital at 2mos. Akong di gumising, kumbaga I am in a coma for 2mos. After nun, when i finally woke up, nagsimula na ang lahat, pagkamulat ko ng mata ko may nakita akong babae na nakatalikod,akala ko sya ang mama ko kaya tinawag ko sya pero hindi sya lumilingon,inulit ulit ko ang pagtawag ng MAMA sa kanya at pagharap nya sakin ay laking gulat ko dahil sunog ang mukha nya at umiiyak sya ng dugo. tumindig lahat ng balahibo ko at takot na takot ako dahil first time ko makakita ng ganun,nagsisigaw ako at nung dumating ang pinsan ko biglang nawala ung babae.simula nun sunod-sunod na ang pagpapakita at pagpaparamdam ng mga multo sakin. Years have passed and I still have this ability, when I turned 19yrs. Old nasa probinsya kami nang may makabanggaan akong matandang babae, agad akong nagsorry sa kanya pero nagtataka ako kasi bulong lang sya ng bulong ng mahina kaya di ko maintindihan ang sinasabi nya napatingin ako sa mata nya at kinabahan ako bigla dahil nakita ko sarili ko sa reflection ng mata nya na walang ulo. A week later pupunta kami ng Baguio. Dun na ako hinambala ng kung anu-anong elemento at kaluluwa sa panaginip ko. Isang gabi natutulog ako sa kwarto ko mag isa.patay ang ilaw,sarado ang bintana at pinto. Mga alastres ng madaling araw na un, naramdaman ko na may nakadagan sa dibdib ko at di ako makahinga, di ko maidilat ang mga mata ko, pero pinilit ko talagang dumilat pagdilat ko nakita ang isang pusang itim na nakapatong sa akin habang natutulog nagulat ako kaya napatakbo ako sa labas ng kwarto, uminom ako ng tubig at ng mahimasmasan ako napaisip ako kung paano nakapasok sa kwarto ko ang pusa na un dahil sarado naman lahat ng bintana at pinto, kaya nagdasal nalang ako nung panahon na yun medyo sanay na ako sa kababalaghan na nangyayari sakin kaya di ko na masyadong pinansin at inisip pa.ilang araw lang ang dumaan lalo akong ginambala sa panaginip ko,laging lumalabas sa panaginip ko ung matandang babae na nakabanggaan ko sa probinsya, lagi nya ako pinapatay sa panaginip ko, pero bago pa nya ako mapatay nagigising ako at pawis na pawis lagi na akong puyat dahil ayaw ko matulog sa gabi kasi pag pumipikit ako nakikita ko sya na nakangiti sakin na parang nang aasar kaya sa umaga na ako natutulog pag maliwanag na.dahil dun sobrang laki ng pinayat ko. Napansin ng kaibigan ko ang nangyayari sa katawan ko kaya tinanong nya ako kung ano ang problema ko, at kinwento ko sa kanya lahat ng karanasan ko, at pinayuhan nya ako na pumunta sa isang albularyo at nangako na sasamahan nya ako. Pagdating namin sa bahay ng albularyo ay biglang nagdilim paningin ko na parang may humahatak sakin pabalik at wag pumasok, pero inakay nila ako papasok kahit nagpupumiglas ako, di pa ako naipapasok sa loob ng bahay ng albularyo ay hinawakan nya na ang kamay ko, bigla akong nahimasmasan at pumasok na ng kusa sa loob, pero bigla akong kinabahan dahil bago ako pumasok nakita ko sa labas ung matandang babae sa pnaginip ko, sabi sakin ng albularyo "wag ka matakot, magdasal ka lang kahit nakikita mo sya, wag mo lang sya pansinin." Kaya nagdasal ako sa isip at sumabay sa dasal ng albularyo, ilang minuto ang lumipas bumuti na ang pakiramdam ko, sinabi ng albularyo sakin na lagi ako mag ingat dahil malakas daw ung matanda na un. Di raw sya nakuntento sa sorry ko kaya gumaganti pa rin ito sa akin. Tinanong ko kung ano ang dapat kong gawin, tumalikod lang ang albularyo at kinuha ang isang kwintas na rosaryo at dinasalan nya. Pagtapos nya dasalan ay binigay nya sakin ung kwintas at binilinan nya ako na kahit anong mangyari wag na wag kong huhubarin ang kwintas na yun dahil yun ang magsisilbing pangontra ko. Simula nun ay di ko na napanaginipan ulit ung matandang babae na yun pero hanggang ngayon nakakakita pa rin ako at nakakaramdam ng mga multo.
Ps: napigtas ung kwintas na binigay sakin nung albularyo
Pps: ngayon paminsan minsan ko nalang mapanaginipan ung babae na yun pero di pa rin nya ako nilulubayan...
Salamat sa mga bumasa ng kwento ko.
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES
ParanormalALWAYS UPDATED. KATATAKUTAN. KABABALAGHAN. HANGGANG SAAN ANG KAYA NG IMAHINASYON MO? my favorite true to life stories from spookify. Visit their facebook page for more. No copyright infringement intended. I do not own the stories.