Bata Batuta

429 3 0
                                    

WARNING: MEDYO MAHABA
First time ko mag send ng confession dito, alam ko maraming tao ang hindi naniniwala sa multo, third eye or what. Pero based sa experiences ko, totoo po but im not begging you to believe me.
Sabi ng mama ko, 5 yrs old daw ako nung namatay cousin ko na ang edad noon eh 3 yrs old. Simula raw nung namatay yung pinsan ko na yun pakiramdam daw nila marami na akong nakikita na hindi nila nakikita. Napakaraming experiences pero hindi kona maikukuwento lahat kasi yung iba isang beses ko lang nakita pero etong batang ito sa bahay namin, sa isang beses na nakita ko siya hindi niya na ako tinigilan.
5 years ago Holy week noon, kadalasan kasi nakikitulog kami sa bahay ng tita ko kapag holy week dahil sumasama kami sa Visita Iglesia nila. Biyernes santo nun, pumasok ako sa banyo para maligo dahil sasama kami sa prusisyon. Rated SPG hehe, nakahubad ako noon nagtotoothbrush ako habang naka harap sa salamin, di pako tapos mag toothbrush noon nag decide ako na dun nalang magmumog sa shower area kaso pag gilid ko nakita ko may batang nakaupo sa basurahan sa tapat lang ng inidoro. Hindi siya nakatingin sakin pero ramdam ko yung panginginig ng tuhod ko at pagtayo ng balahibo ko humarap ako ulit sa salamin at nagdasal paglingon ko wala na sya dun sa pwesto niya. Sa pagligo ko noong araw na yon hindi ako pumikit kahit isang beses, tapos pasigaw akong kumanta pero nanginginig parin tuhod ko.
Mga ilang buwan after nun, pasukan na namin sa school. 6:20 ang pasok namin noon sa JHS kasi half day lang kami, madilim pa noon kasi madaling araw pa lang. Nakaupo ako sa dulo ng kama namin nagpapatuyo ako ng buhok sa harap ng electric fan, sa tabi ko eh pintuan ng kwarto namin palabas tanaw dun yung hagdan pababa tsaka daan papunta dun sa dulong kwarto. Naka bukas ng kunti yung pintuan ng kwarto namin, nakahilig yung ulo ko nun kasi nga nagpapatuyo ako ng buhok then pag hilig ko ulit ng ulo ko sa kabila nagulat ako kasi may nakasilip na bata sa akin, una kong naalala roon eh yung batang nakita ko sa banyo sa bahay ng tita ko. Kinilabutan ako nun, naramdaman ko ulit yung takot na naramdaman ko nung unang beses ko siyang nakita.
Tapos eto yung latest, last year lang. Gumawa kami sa school ng project namin, sa clay gawa yon. May natira kaya hiningi ko sa groupmates ko, gumawa ako ng hotdog na may mukha at kamay. Pinangalanan ko siyang TJ, Tas inuwi ko sa bahay nilagay ko sa may tv rack. Ugali ng mama ko na bago pumasok sa work lalaruin niya yung clay hotdog na yon pero hindi naman niya sinisira kaya nagulat ako kasi isang beses pagkagising ko warak warak na yung kamay ni TJ pinicturan ko yun tas sinend ko sa mama ko sabi ko "Ma, pinaglaruan mo nanaman si TJ hahaha" nagulat ako sa reply niya kasi sabi niya hindi niya na raw pinaglalaruan si TJ, sabi ko pa wag siyang tokis tas sabi niya hindi raw talaga. Kung makikita niyo lang naging itsura nung clay hotdog ko nun parang pinaglaruan ng bata, and then naalala ko yung bata na sumunod sa akin dito sa bahay.
Ilang araw lang after nun kinwento ko lahat kay mama, lahat lahat. Sinabi niya magtirik daw ako ng kandila para sa batang yon. Alam niya kasing nakakakita ako ng kung anu-ano kaya nga hindi niya ako pinapa alis ng bahay na hindi suot yung rosary ko dahil may iba pang pangyayari na nahahawakan na ako ng ibang creatures at sinasaktan. Natatakot rin ako pero wala namang magagawa yung takot ko diba? Kailangan lang ng malakas na faith kay God.
PS: yung batang iyon, nandito pa rin siya sa bahay namin. Hindi na siya nagpakita sa akin ulit pero ramdam ko na paikot ikot siya dito sa bahay namin lalo na pag mag isa lang ako sa bahay. Madalas naglalaro siya ng bola, at minsan hinahagis niya yung bola sa tabi ng headboard ng kama ko. Minsan pag nasa kuwarto ako sinisilip niya parin ako, pero kahit isang beses wala siyang sinabi sa akin kung anong kailangan niya.

Alle

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon