HULING ANGKAS
I never thought na darating ang araw that I'll be the one sharing a creepy experience here in this page. I've been a silent reader of Spookify for as long as I can remember. I really enjoyed reading creepy stories and I know, this may sound weird pero medyo nakakainggit yung mga senders na nakaexperience na ng kababalaghan sa buhay nila. Ako kasi, never pa ako nakaranas ng kahit anong creepy moments. Never pa ako nakaramdam, nakakita, nakarinig, nakakuha ng picture na something unusual, something scary o kahit ano pa man. Hindi ko ini-expect na darating ang araw na mararanasan ko rin palang kilabutan at halos matae sa takot. I am currently residing here in Manila, pero originally, taga-Mindoro ako (I'm not gonna say nalang kung Occidental ba o Oriental kasi I don't want na, I'm shy na! :-P ). Lumuwas lang ako dito sa Manila para magcollege.
July 3, kinailangan kong umuwi nang biglaan sa probinsya kasi namatay daw yung pinsan ko. Let's just call him Butsok. Si Butsok ay 12 years old na pero may sakit kasi siya na dwarfism ata... Hindi ako sure basta ang alam ko 12 years old na sya pero ang height niya ay parang height ng 4-5 years old. Medyo naapektuhan din ang development ng utak niya dahil sa kanyang kondisyon. Ganun pa man, malambing syang bata. Palakuwento kahit na nagbubuhul-buhol ang dila. Gustung-gusto nyang makipaglaro sa mga batang kaedad niya pero madalas, nabubully lang sya ng mga ito kaya mas naging close sya sa akin at sa mga kagaya kong malaki ang agwat ng edad sa kanya. Nung nasa probinsya pa ako, palagi syang sumasama sa amin, umaangkas sa motor, pumupunta sa bayan para maggrocery. Napakabehave nyang bata. Kaya ganun nalang ang gulat ko nang ibalita sa aking patay na sya.. Naospital ito, akala simpleng lagnat lang, yun pala meningococcemiana. Huli na bago naagapan.
Pagdating ko, nagdesisyon akong puntahan agad ang burol niya, kasama ko ang dalawa kong kaibigan na naging close din sa kanya. Pagdating namin sa bahay nila, wala masyadong tao. Marahil takot na baka mahawaan sila ng sakit. Nakasara din ang kabaong at ang sabi ni Ate Osang na nanay niya ay kinabukasan din ang libing nito dahil nga hindi na maaaring patagalin pa. Buti nalang daw ay nakaabot ako dahil palagi daw ako nitong hinahanap, gustung-gusto muling umangkas sa motor ko at pumunta ng bayan.
Nilapitan ko ang kabaong niya, ipinagdasal at nagpaalam na sa kanya. Mga 30 mins lang kami nagstay dun at nagdesisyon ng umuwi. 2 motor ang dala namin nun, yung dalawa kong kaibigan ay magkasama sa isang motor habang ako ay mag-isa lang sa motor ko. Nauna na ako habang kasunod ko lang sila. Mga 3 mins pa lang akong bumibyahe, naramdaman ko na parang bumigat ang motor ko at medyo lumamig din ang hangin. I shrugged it off, kasi hindi talaga ako yung tipo ng taong mabilis matakot. After 5 mins, nadaanan ko na yung barangay hall na isang kanto lang ang pagitan sa bahay namin. Sinisigawan ako nung tanod na nagroronda, so tumigil ako. Sabi niya ""Ang bilis ng patakbo mo, may angkas ka pa namang bata, parehas pa kayong hindi nakahelmet."" Dun ako kinilabutan, pati yung tanod kinilabutan din nang makita nyang wala na akong angkas. Maya-maya, dumating na yung dalawa kong kaibigan, ang una nilang sinabi sa akin ang nagkumpirma na tama yung tanod sa nakita niya. ""Okay ka lang? May angkas ka kanina, si Butsok ata, nakapamburol pa.""
Grabe yung kilabot na naramdaman ko nun. Tinanong kami nung tanod kung saan kami galing. Nung malaman niyang galing kami sa burol, inadvise niyang magpalipas-oras muna kami sa may malapit na tapsihan bago dumiretso ng uwi sa bahay... Sobrang takot na takot kami nung tatlo. All girls pa naman kami. Para mabawasan ng konti yung takot namin, inisip ko nalang na baka gusto lang ulit maranasan ni Butsok ang umangkas sa motor ko bago sya magpaalam sa mundong ito.
Thanks sa nagtyagang magbasa though napakahaba. At least, ngayon alam ko na ang pakiramdam ng taong nakaexperience na ng kababalaghan. Experience is the best teacher nga. Bago umuwi galing burol, magpagpag ka. Wala namang mawawala kung susunod ka sa pamahiin, diba?
Ateng Pyjamas
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES
ParanormalALWAYS UPDATED. KATATAKUTAN. KABABALAGHAN. HANGGANG SAAN ANG KAYA NG IMAHINASYON MO? my favorite true to life stories from spookify. Visit their facebook page for more. No copyright infringement intended. I do not own the stories.