Little Girl

327 3 0
                                    


Hi Spookify! silent reader pala ako dito. Ako si Shin. Ang dami nang story na nabasa ko so napag isipan ko na rin na eh share ko ang mga ka kababalaghan na nangyare sa buhay ko. So simulan na natin. Grade 4 ako pa lipat-lipat kami ng bahay dahil rumerenta lang kami. May isang bahay na ni-rentahan namin hindi naman siya masyadong creepy at luma may apat na kwarto at second floor at hindi naman masyadong mahal. Hindi namin na occupy ang lahat nang kwarto dahil apat lang kami. Si ante, uncle, lola at ako lang naman ang tumitira sa bahay at ayaw ko rin na mag isa ako sa kwarto dahil takot ako kaya kaming dalawa nang lola ko sa isang kwarto at ang uncle at ante ko ay nasa iisang kwarto lamang kaya masyadong tahimik ang bahay. Nakakatakot yung kwarto na hindi na occupy sobrang kalat at ang dumi-dumi. Minsan na-iiwan lang kaming dalawa ni lola kasi sa panahon na yun ay nag tre-training ang uncle ko at ang ante ko naman ay paminsan-minsan natutulog sa bahay nang nanay niya. Isang gabi habang nanonood si lola nang palabas it was almost 9 kaya umakyat na ako para matulog, dahil mabait ako nag dasal muna ako bago matulog I sit on our bed I close my eyes and start to pray while praying may naramdaman akong malamig na hangin, binaliwala ko lamang ang naramdaman ko at nagpatuloy sa pagdarasal nang natapos na ang lahat na sinabi ko kay lord. My eyes slowly open I was surprise sa nakita ko it was a little girl hindi naman sobrang taas ang kaniyang buhok she was wearing a white dress na para siyang a-attend sa kasal her face was burned and half of her face was covered by blood and there was more blood on her white dress she was 3 feet away from me. Wala akong ginawa kundi natulala lamang sa nakita ko I did not even blink my eyes mas nakakatakot pa dahil lumulutang lamang siya nang papalapit siya sa akin yung parang na overdose yata ako sa kapapanood ng horror movies nawawala siya in a millisecond at pagkatapos ay nagpapakita habang papalapit siya sa akin hanggang nakarating siya sa harapan ko at umakyat pa siya sa bed yung feeling na gusto mong sumigaw pero hindi mo magawa. She was so close to me parang isang ruler lamang ang pagitan namin and ito na ang mas nakakatakot she move her head near me sobrang lapit nang kanyang mukha sa akin ang alam ko nalang sa panahon na yun ay mamamatay na talaga ako. Hindi ako makagalaw o makasalita ang naisip ko nalang ay katapusan na nang buhay ko. Sobrang natulala ako sa nakita ko. Nang biglang pumasok si lola sa kwarto at bigla din siyang nawala. Hindi ko sinabi kay lola ang nakita ko at agad akong natulog. Kinabukasan hindi talaga mawala sa isip ko ang nakita ko kagabi hindi ko sinabi kay lola ang nakita ko dahil baka hindi naman siya maniwala. It was noon nang mag isa ako sa bahay nang nakaramdam nanaman ako nang malamig na hangin at biglang tumayo ang mga balahibo ko may napansin akong tao sa terrace sa labas ng bahay kaya sinilip ko sa bintana at siguradong sigurado ako sa nakita ko na ang nakita ko kagabi at ngayon ay iisa lang yung bata parehas na parehas. She was floating and she was looking at me. Agad-agad akong pumunta sa sala at nagdarasal pagkatapos ay tumatakbo akong palabas nang bahay at naghintay nalang sa kanto na dumating si lola. 5 years nang nakalipas pero di ko parin to malimutan na pangyayari sa buhay ko hindi ko maalis sa isipan ko at sobrang saya ko nang nakalipat na kami nang bahay na amin talaga. Siguro may mga taong mag iisip na gawa-gawa ko lang to pero totoo talagang na nangyari to sa buhay ko. Sa mga taong nakakakita nang mga bagay na hindi ka gaya sa atin always pray to God his the only one who can help us.

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon