Base on a true story of a student from Earist Manila.
CIT 5th floor.
May mga balibalita na may nag papakita daw sa rooms ng CIT. Isang babaeng naka puti at nakalutang ang paa, mahaba ang buhok at walang mga mata. Ang nag sisilbing mata nito ay dalawang bilog na binabalot ng kadiliman at lumuluha ito ng dugo.
Every 7pm daw sinasabing nag sisimula ang kababalaghan. Nag lalakad lakad daw ito sa corridor ng 5th floor. Kung hindi naman ay makikita daw ito sa mga room na kahilera ng hagdanan. Kung minsan naman daw ay makakarinig ka ng isang babaeng umiiyak.
Isa kameng barkadahan ng mga magugulo at mga lokoloko. Biyernes 7:30pm kame na lang ang tao sa 5th floor kase nag labasan na yung iba naming kaklase ng 6:30. Nag papalamig lang kame sa aircon at nakatambay. Nag papalipas ng oras ng biglang nakarinig kame ng parang may umiiyak. Nag katinginan kameng mag babarkada, pero hindi nalang namin pinansin. Inisip lang namin na baka may nag away lang na mag jowa sa labas. So ayun diretso lang kame sa kwentuhan, kantahan at pag gawa ng assignments. Nang biglang nakarinig kame ng kalabog ng upuan. Hindi galing sa room na tinatambayan namin kundi galing sa kabilang room. Tinignan namin ng isa kong barkada kung sino yung nag bato ng upuan ngunit wala kameng nakitang tao. At nakita namin yung mga upuan na magulo at parang mag kakapatong na. Tinignan namin yung CSG office kung bukas pa, pero sarado na ito. Tinignan namin lahat ng rooms pero wala talaga kaming makitang tao. Kaya kinilabutan na kame. Pabalik na sana kame sa mga kasama namin ng biglang napalingon kame sa room sa kaliwa namin na kahilera ng hagdan. May nakita kaming babaeng naka puti at parang nanlilisik ang kulay itim at duguang mata at parang itong naka turo saamin. Hindi kame kaagad nakagalaw dahil sa sobrang takot at pagkabigla. Nang biglang umandar siya, hindi ko sinasabing nag lakad siya kase hindi gumagalaw ang mga paa niya. Tumatagos siya sa mga upuan na nakaharang sa kanya. Kaya napasigaw kame dahil sobrang bilis ng pag andar niya. Napasigaw kame sa sobrang takot. Halos madapa dapa kame ng kasama ko kase madulas ang sahig at hindi na namin alam kung anong klaseng pag takbo ang gagawin namin. Bago kame makarating sa pintuan ng room kung nasan ang mga barkada namin ay nakita nanaman namin muli yung babaeng nakaputi sa hagdan. Nakita namin na nakalutang ang paa niya. Umandar nanaman siya papunta samin na parang sumisigaw na din. Nag kabanggaan kame ng mga barkada ko habang papasok kame sa room kase nagulat daw sila kase nag sisigawan na kame. Ang sinabi na lang namin. Pumasok kayo sa loob. Nakita namin yung babaeng nakaputi. Yung kasama ko naman umiiyak at sumisigaw ng "white lady, white lady." Takot na takot yung mga kaibigan kong babae. Lahat kame nag si pasukan sa loob ng room. Nag kumpulan kame sa isang gilid at nag masid ng biglang gumalaw yung upuan sa may bandang pinto. At sa may madilim na parte ng kwarto malapit sa pinto ay lumabas ang babaeng nakaputi. Nakita din ng mga barkada ko ang babaeng yun. Nag sigawan kami at mayamaya pa ay biglang siyang gumalaw at papunta saamin. Nag sipag tayuan kame at nilakasan namin ang loob namin upang makalabas. Dumiretso kame sa pinto ngunit naiwan ang isa naming kaibigang babae dahil hinimatay pala ito. Kahit takot na takot kame at halos napaka lapit na nung babae dun sa kaibigan ko ay talagang pinuntahan namin siya at binuhat. Hindi na namin pinansin ang babaeng nakaputi at sumigaw na lang kame ng malakas. Nagising yung babaeng buhat namin at biglang nag sisisigaw na din. Diretso kame sa hagdan at pag baba namin ay may nakita kaming janitor. Tinanong kung bakit kami sumisigaw. Sinabi namin sa kanya ang nakita namin at napasabay na din siya sa pagbaba namin. Nung nakarating na kame sa baba. Sinabi niya samin na totoo daw ang nakita namin dahil nakita niya na rin pala ang white lady na yun sinabi niya samin na wag na lang daw ito ipagsabi para sa mga estudyante na gumagamit ng ibang room doon.
Hindi muna kame umuwi kase sa sobrang takot. Nag usap usap muna kame at napayosi sa labas. Nag iiyakan parin kame dahil ayaw na namin makakita ng ganung kababalaghan. Ng biglang napadungaw yung isa naming kaibigan sa 5th floor. Nakita nakita niya na nakadungaw yung babae at napasigaw siya kaya napatingin din kame sa 5th floor. Nakita namin ang babaeng nakaputi kaya nag takbuhan na kame pauwi.
Simula nun maaga na kameng umuuwi. Hindi na kame tumatambay pa sa cit. Hindi na kame nag papaabot ng 7pm kung umabot man kame madami kame buong section kaya siguro hindi nag papakita.
Ps. Binansagan siyang Bestie ng mga estudyante sa Earist na nagkaklase sa CIT.
-Earist Secret Files
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES
ParanormalALWAYS UPDATED. KATATAKUTAN. KABABALAGHAN. HANGGANG SAAN ANG KAYA NG IMAHINASYON MO? my favorite true to life stories from spookify. Visit their facebook page for more. No copyright infringement intended. I do not own the stories.