Babae

313 3 0
                                    

"BABAE"

Having a third eye ay hindi madali, kasi iba ka sa tao na nakakasalamuha mo. Feeling mo abnormal ka, kasi minsan kapag makakakita ako ng spirit sa mga bahay classmate na pinupuntahan ko. Merong naniniwala at meron din namang natatawa. Pero sasabihin ko sa inyo. Ang pagkakaroon neto ay isang biyaya para sa akin. Kailangan mo lang sanayin ang sarili mo sa mga nakikita mo at makikita mo pa.

Ako nga pala si Kevin cerico, isa akong blogger at nagsusulat din ng ako. Sobrang dami ko ng karanasan at naranasan sa mga bagay na hindi maipaliwanag ng siyensiya. Uumpisahan ko na.

Hapon yun mga 4 pm. Katapos ko lang maligo that time. Wala lang, sobrang init kasi nun. Habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin, natulala ako sa nakita ko, napatigil ako sa pagsusuklay at napatitig sa naglalakad sa harap ng salamin, ( yung salamin kasi namin, nakahanap siya sa pintuan sa bandang likod ng bahay, malapit sa cr kaya kapag nagsalamin ka makikita mo yung Kusina) nakita ko ang isang matanda na nakalutang papuntang Kusina, nakatalikod ang matanda sakin, inisip ko baka si lola pero nung makita ko na ang whole body niya sa salamin, nakalutang ito at papuntang kusina, at lumiko sa CR. pinilit kong kumilos at tumakbo pero hindi ko magawa! Gustong mahimatay na ewan!

Hindi ko na tinapos ang pagsusuklay ko at dali daling natatakbo sa bahay ni mama sa kabila, kahit walang damit pang itaas. Hingal na hingal ako. Para na akong praning sa mga oras ba yun. Gusto kong umiyak na ewan! Nanginginig buong katawan ko.
Kinuwento ko kila mama at papa tsaka sa mga tito ko ang nangyare. Akala ko okay na, pero hindi pa pala.

Kinabukasan

Hapon ulit, mga 5:30 na nang makauwi ako ng bahay galing school. Pagod ang utak ko, inaantok at gutom ako that time pero itinulog ko parin. Isang oras makalipas, nagising ako mga bandang ala sais emedya ng gabi na. Yung typical na pagising mo. Uhaw na uhaw ka, tapos bangon ako. Lakad papunta kusina para uminom. Iinom na akong na makita ko ang isang replekyon sa mala salamin na tubig ang isang mukha ng isang babae na nakabitin sa itaas o sa kisame, tumingala ako pero wala, pagbalik ko sa tubig, nakikita ko parin siya hindi ko na inalis ang tingin ko sa tubig na nasa baso na hawak hawak ko. At bigla gumalaw ang babae, pababa ng pababa sa ulunan ko. Napasigaw nalang ako sa takot. Nabitawan ko ang basa sa sobrang takot ko..

Simula noon, never na akong umuuwi at nagiistay sa bhay kapag wala akong kasama kasi sobrang trauma ang nagyare sakin na yun.

Sana mabasa nyo ito at Magcomment ko sayo kung may ganito din kayong karanasaan. maraming salamat Spookify

nagmamahal
-Kevin

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon