Duwende

519 2 0
                                    

Duwende

First time ko magshare ng story dito. Sana ma-post, admin slightsmile emoticon

Bata pa ko nung nangyare to, siguro mga 6 or 7 yrs old ako. Kakain na sana kami. Lumabas ako sa sala namin para magpa-hard to get kay mama gusto ko kasi ung pipilitin nya pa ko lumapit sa kusina namin. And then, hindi ko na matandaan kung paano ako napunta dun sa pinto ng bakod namin. May nakita akong bata. Ang dungis nya as in. Nung time na yun, alam kong nakita ko ung mukha nya. Kaya nasabi kona madungis. Pero ngayon, ni hindi kona maalala kung ano itsura ng mukha nya. Ung damit nya ang dungis, ung sapatos nya mahaba na patusok pero di naman masyado matulis. Nakakapagtaka lang kasi, natatandaan ko lahat sakanya except sa mukha. Tinanong ko sya, "Bata bat ang dumi mo" hindi sya sumagot. Edi nagtanong ulit ako habang tinitignan ko sya mula ulo hanggang paa, "kumain kana?" Sabi ko. At oo nga pala, may suot syang sumbrelo. Patusok din pero di matulis. Hindi parin nasagot sakin ung bata, nakatitig lang sya sakin nun. Hindi rin sya nakangiti or what basta nakatitig lang. Bigla kong tinawag ni mama. "sino kausap mo dyan tara na kakain na tayo". Tapos sabi ko , wait lang kasi kausap ko ung bata. Pagtingin ko dun sa mismong tapat ng pintuan ng bakod namin, wala na sya. Hindi ako natakot, ewan ko din kung bakit hindi. Habang kumakain kami, tinanong nanaman ako ni mama kung sino kausap ko. Inilarawan ko ng bongga kung ano itsura nung bata. Sabi ni mama, baka raw yun ung duwende na kaibigan nung lolo ko. Lagi kasi ako hinihika noon, tsaka laging may sakit. Dinadala lang nila ako sa kwarto ni lolo tas isasarado ung pinto. Maya maya, wala na ung sakit ko tas di na ako hinihika. Mga days after non, si lolo naman may sakit. Sabi ni mama, kinukuha daw ni lolo ung sakit ko. Siguro dahil dun yon sa duwende. Hinihiling siguro ni lolo na ilipat sakanya ung sakit ko.

Hindi ko alam nasan na ung duwende na yun ngayon. Patay na kasi si lolo. Eh kasama nya lagi yun. Pakiramdam ko nga hanggang ngayon binabantayan nya parin ako. Hindi kasi ako nanununo or nababati, nauusog or what. Kahit lahat ng nandito sa bahay namin nanuno na dahil sa puno sa tapat ng bahay namin.16 nako ngayon, pero naaalala ko padin bawat detalye. Lagi kong inaalala para diko makalimutan. Ayoko kalimutan. Salamat sa pagbabasa ng kwento ko. Rest in peace nga pala, lolo ""

Aphrodite

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon