Apartment 4 Rent

467 3 0
                                    


Hi. Gusto ko lang mashare yung story ko sana mapost...

Year 2006 nung tumira kami dito sa novaliches ay BTW matagal na parents ko dito sa novaliches dito sa subd na To since mga dalaga't binata pa sila.
Back to the story.. Lumipat kami nung 2013 or 2014 dito sa apartment na tinitirahan namin ngayon. nung una tahimik, masaya, maayos. Kase sa isang compound na apartment puro kami magkakamaganak. Pero nung makabili na sila ng bahay nila nagsilipatan na sila kami nalang naiwan tas napalitan na ng mga lasingero yung mga kapit bahay namin..
Tapos simula nun parang dun na nagparamdam lahat.

Ilang araw na sila nagpaparamdam nung una yung gamit ko mawawala then bigla nalang lilitaw. Meron pa one time na naliligo ako tapos wala akong kasama sa bahay nung May nakita ako sa tapat ng pinto ng CR na may paa ng matanda. Alam nyo yun yung kulubot na tapos minsan pag gabi na May batang umiiyak.
Tapos si papa naman May lalaki daw na itim yung nakahawak sa paa nya d daw sya makagalaw... Meron pa one time na natutulog yung sister ko sa kwarto nung May bumulong sa kanya..
Kananinang madaling araw naman yung sakin at exact 3:00 am nagising ako kase May nagbuhos ng tubig sa bandang tuhod ko. Yung tubig parang galing sa alulod yung May dumi dumi pa ganun. Kala ko naihi lang ako sa higaan pero kala ko nananaginip lang ako pero hindi.. Totoo sya.. Para makasigurado akong totoo tinawag ko sila Mama nagsisisigaw ako ng 3:00 Am. Nagulat si Mama kase bakit daw basang basa yung higaan. Naghanap kami ng possible na pwedeng matapon sakin pero wala kinapa ko yung kisame kung tumulo pero wala. Dun na ako nagumpisang kabahan. Tapos nung bumangon na papa ko tapos binuksan yung ilaw sa sala May narinig kaming tumakbo pero walang ingay na nabuksan yung gate.. Tapos kanina pag gising ko pumunta agad ako ng sala. Hanngang ngayon dpa dn naayos yung higaan ko sa sobrang takot ko..

Ps ~~ lilipat na kami ng bahay mamaya
Pss- sorry mahaba

AtengWalangSarilingB­ahay
Jordan heigths novaliches QC

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon