Kiyawa

404 4 0
                                    


Hello po! Fan po ako ng page na 'to since 2016 first timer po. I wish na ma-post itong unforgettable and painful experience of mine. Ayaw pong mabuksan ng form ng spookify sa phone ko so I decided to send this on messenger.

March 16, 2016.
Nung malaman kong buntis ako sobrang nagningning yung pakiramdam ko as in masaya. As in 2x ako nagPT and nagpacheck-up to clarify na buntis talaga ako and we notice na buntis talaga ako.

June 22, 2016.
2nd check up kay OB. Check nya heart beat ni baby, ang lakas ng heart beat nya and very active sya sa tummy ko as in I feel na nabubuo sya sa loob ko. Reseta si Dra. and then pinauwi na ako.

3 months na tummy ko ng makaramdam na ako ng paglilihi. Kain ako ng maaasim like Santol, Kamias at gusto ko partner nila is asin w/ sili. Even yung husband ko ay naglilihi.
Nakakaramdam na din ako ng morning sickness.

August 10, 2016
5 months. 4 months na lang at makikita ko na yung anghel sa tiyan ko. At sobrang excited ako. Malikot sya very active at sumisipa na din sya. Sobrang saya talaga ng buhay ko non na nararamdaman ko si baby saaken. Sobrang tuwa sobrang saya.

Until one day.

November 27, 2016.
My OB told me to take the ULTRA SOUND. 8 months na ako non at 1 month na lang. ISANG BUWAN na lang ang iniitay ko to hug my baby. To find out sa ultra sound na walang baby sa tiyan ko. Kasabay ng pagbagsak ng luha ko yung pagbagsak ng mundo ko. Kahit saan ipihit yung apparatus walang nakikita. Ni panubigan ay wala.

Hindi ko matanggap kaya nag-iba ako ng magchecheck sa ultrasound.
Pero ganon parin ang result.

Nagalit yung hubby ko sa OB sa lahat ng nag check up samin sa center kasi all this time na pagtingin nila saken ay hindi nila nacheck kung buntis ba talaga ako. For 8 months umasang may bagong baby. For 8 months niloko ko ang sarili ko sa paniniwalang may laman ang tiyan ko.

I don't know kung anong explanation ang meron sa situation kong iyon. Walang nakapagbigay saaken ng sagot.

Unti-unti na din lumiit yung tiyan ko. Nagka-stretch marks din ako. Pinamigay yung mga gamit na inipon namen. Lahat nawala.

Marami pa po akong creepy experience but this is the most creepy yet the most painful story of my life.

Syntax error

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon