"OJT"
This is the story of our ojt getting possessed. Itago na lang natin sya sa pangalang Janine. Masayahin, madaldal at palabiro ng makilala ko si Janine. Nagustuhan ko syang makasama sa event na handle ko dahil na rin masayahin nyang personality. Gusto ko yung mga ganung tao na makasama dahil puyatan at stressful ang work ko. We are in a catering business by the way. In one of our events na di ko sya kasama, out of no where bigla na lang umiyak si Janine na parang bata. Sinasabi nya na gusto nya raw kunin yung bola sa 3rd floor ng aming building. Pero di pumayag mga kasama na umakayat sya dahil alam nila na wala namang bola at walang tao doon. Iyak pa din sya hanggang pumasok sya sa office namin at dun sya nagiiyak. Gusto nya daw makuha yung bola. Isusumbong ko kayo sa simbahan wika pa nya. Pero di pa rin sila pumayag na makaakyat sya sa 3rd floor dahil na rin baka sya tumalon. Hindi na normal para sa karaniwang tao at sa age nya yung mga kilos nya. Pumunta sya sa ilalim ng lamesa at doon umiiyak, sinusuntok na parang bata yung pumupigil sa kanya. Bata ang kilos nya na nasa katawan ng matanda. Doon na napagtanto ng aming management na sinasapian ito. Bago pa man ito mangyari, nagpakita na rin yung bata na sumapi kay Janine sa isa pa naming ojt na nauna kay Janine. May hawak nga itong bola ayon sa kanya. May mga guest na din kami na nagsasabi na may batang lalaki na nakikisali sa party pero di naman nakikita ng iba. Bigla na lang daw susulpot at mawawala. At ultimo priest na naiinvite sa amin nagsasabi na may mga kasama daw kami sa company namin. May mga nakatira daw as per the priest. Back to Janine, tinawag ng boss namin her father para dasalan at basbasan ng holy water si Janine. ( member of knight of columbus kasi ang father ng boss namin). Nang na bless sya ng holy water, nasaktan si Janine. Ayaw ko nyan ayaw ko nyan, banggit nya. Kinausap sya kung sino at kung bakit sya sumasapi. Sabi ni Janine, dahil gusto ko sya makalaro! Tinanong pangalan nya pero ayaw nya banggitin ito. Di mo ba alam na bahay ko ito? Dito ako nakatira! Sabi nya sa tatay ng boss namin. ( lumang bahay kasi yung company namin noon pinaayos lang nila nung mabili nila ito). Dinadasalan at Binasbasan si Janine ng holy water hanggang sa matumba ito. Umalis na sa katawan nya yung batang sumapi sa kanya. Nawalan sya ng malay. Pagkagising nya, huling naalala nya lang nung nakausap nya yung bata at niyayaya sya nitong maglaro bago sya sapian. Pinauwi muna si Janine para makapagpahinga. Kinabukasan nagalay sya ng stuff toy dun sa lugar kung saan una nyang nakita yung bata. And for strange reason, nawala yung stuff toy na inalay nya. Maybe, kinuha nung bata o kung anupaman possible na nangyari.
Thank you admin. Sana maipost ito and please hide my identity. Thank you!
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES
ParanormalALWAYS UPDATED. KATATAKUTAN. KABABALAGHAN. HANGGANG SAAN ANG KAYA NG IMAHINASYON MO? my favorite true to life stories from spookify. Visit their facebook page for more. No copyright infringement intended. I do not own the stories.