Bicolandia

450 2 0
                                    

"Bicol Experience"

Hi spookifiers. I want to share my experienced when I was in bicol way back 2010.
Yung 1st bf ko taga bicol sya, nagkakilala kami nung high school since na dito sya nagaral sa manila ng high school for 1year lng. That time natatakot ako na dumating yung panahon na bumalik na sya sa bicol at hindi ko sya mapupunta dun dahil sobrang layo. Malaki ang age gap namin (6 year).
Hanggang sa dumating yung time na bumalik na sya dun at dun na nga nagaral, sobrang lungkot ko nun at iyakan kami pareho dahil ayaw niya bumalik dun pero walang magawa dahil yun ang gusto ng parents nya, by the way let's call him Rodel. Huling punta nya dito nung graduation ko nung highschool, i was so surprised that time kasi hindi ko alam. Then nangako kami na dadalawin namin ang isa't isa kahit sobrang layo namin.
FF: nakapagtrabaho ako (personal secretary) sa makati nakapagipon ako ng budget ko papuntang bicol, hanggang sa dumating yung time na wala na talaga kong contact sa kanya kaya pinuntahan ko tita nya at kinuha ang nunver nya pati address nila sa bicol at pumunta nga dun. 1st day ng gabi ko sa bicol, niyaya nya kong pumunta sa bahay ng pinsan . Habang nagkukwentuhan kami napatingin ako sa bakanteng bahay na may malaking lote na sobrang dilim, may naaninag akong puti na parang barong so tinitigan ko nga at hindi ako nagkakamali barong nga. Maya maya sumakit yung likod ko na parang naipitan ng ugat kaya nagyaya na kong umuwi, akala ko dahil sa tagal lang ng byahe kaya pinahinga ko muna. Kinabukasan ganon pa din kaya pinahilot na ko ng bf ko pero ganon pa din. Hanggang sa mga sumunod na araw lalong sumasakit. Isang araw naligo kami sa sapa laking gulat ko at talagang napatakbo ako dahil may nakita akong isang lalake na nakatingin sakin sa parang magubat na lugar tabi ng pinagpapaliguan namin, sinabi ko yun sa bf ko, sabi lang nya na baka nagtatanim o naggagapas ng damo si hinayaan ko na lang. Nangmakarating kami sa bahay nila, dun ko napagtanto na hindi mukha ng tao yung lalake pero binale wala ko pa din. Hanggang sa mga sumunod na araw nakikita at nakikita ko pa din sya kaya nagpasya na sila na ipatawas ako. Pagdating namin nagulat kami dahil biglang sabi ng matanda na dalian namin pumasok at paunahin ako dahil nakasunod sakin. Ang pinaka kinagulat ko pa nung sinabi nya na nagkagusto daw sakin yung engkanto na nakatira at kinagamit ang kaluluwa nung taong namatay dun sa bakante bahay, sinabi ko sa kanila na may nakita nga akong nakabarong dun sa bakanteng bahay at yun nga daw yun. Binigyan ako ng pangontra pero nakikita ko pa din sya at hanggang sa nakikita ko na sya na nasa paanan namin ng bf ko at nakatingin sa amin. Discribe ko lang itsura nung engkanto. Yung mata at tenga nya kagaya nung sa pusa, balahibo na kagaya sa unggoy, bibig na kagaya norma na tao at nasuot sya na puting barong. Lagi ko sya nakikita at natutulala at biglang tatayo papunta sa liblib at madilim na lugar kaya natakot na sila. Nagpasya na kong bumalik ng manila at habang nasa bus ako nakikita ko pa din sya kapag naiilawan ng bus kahit sa ilalim ng kama ganon pa din. Hanggang sa tinawas ako at ginamitan ng itak hangang sa nakikita ko sya ng palayo ng palayo at parang umiiyak.

Sugarfree

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon