Out ko na nung mga oras na yun. Sa sobrang pagod natulog muna ako sa sleeping quarters. Imbes na umuwi agad. Feeling ko kase sobrang init sa labas, naisip ko na matulog muna sa sleeping quarters kahit mga 2hrs lang. Malaki ang sleeping quarters, dim light ang eksena. Pwede naman i-adjust ang light pero mas madalas naka dim siya. Bed number 36 and 38 ako madalas matulog. Pero nun araw na yun, occupied na lahat ng bed at bed number 10 sa baba at bed number 7 sa taas nalang ang available. Naisip ko na hindi ako magiging komportable ni isa man sa available na bed. Pero antok na antok talaga ako non at gustong gusto ko ng matulog. Pinili ko na ang bed number 10, nasa may gitna sya at madadaan daan ako ng mga pumapasok at lumalabas galing sa quarters. Pero keri na dito kesa sa bed number 7. Ayoko sa taas ng double deck at masyadong madilim sa part na yon. Ang sarap ng pagkakahiga ko, tho ramdam ko mga naglalakad at mejo nag uusap ng maliliit na boses ok lang wala na ako pakealam, sobrang antok ko at gusto ko magpahinga. Feeling ko mga 5minutes pa lang ako nakahiga at hindi pa literal na tulog, naramdaman ko na may kumalabit sa daliri ng paa ko. Napamulat agad ako, nakiramdam. Inisip ko nalang na baka involuntary muscles movement lang dahil sa pagod. Pumikit ulit ako, hindi pa man natatapos sa isip ko yun thought na wala lang yun, involuntary muscles lang. Biglang humampas ang braso ko pataas sa higaan. Dun na ko nagulat, pero yun feeling na parang naka freeze ang katawan ko. Hindi ako nag react. Pero rinig na rinig ko ang heartbeat ko, dumadagundong. Para akong tumakbo ng napakalayo sa bilis ng tibok ng puso ko. Pero yun katawan ko freeze lang sya. Hanggang unti unti nagalaw ko na katawan ko. D ko maisip na involuntary muscle pa rin ba yon. Grabe isang buong braso ko na parang hinaltak pataas ng higaan. Iba na yon bes. Alam ko mismo nun oras na yun na multo yun or kung ano mang makulit na espirito/elemento yun. Napadasal at napapamura na lang ako. Hindi ko alam kung mura o dasal kase takot at bwisit naramdaman ko eh. Alam ko na noon pa na meron don, pero di ko akalain na ganon ang eksena saken. Sa mga naririnig ko na kwento nila, binabangungot ang ibang natutulog don at minsan may sadyang mga nangungulit lang. Sa sumunod na araw natulog ulit ako sa quarters pero parang ayaw akong patulugin, kung ano ano naririnig ko. Pero pag minulat ko naman mata ko, wlaa naman. Pag makakatulog na ko, ayan nanaman ang ingay. May sumisigaw, may sumisitsit, may nag uusap na parang kalmado lang ang boses, pero di ko maintindihan sinasabi. Ang dami nila. Pero hindi nila ako kaya. Matutulog at matutulog pa rin ako. Mga papansin lang sila. Nag dasal ako at d ko na napansin na nakatulog na pala ako. Naranasan ko na din ang bangungutin sa quarters, yun akala mo gising ka na pero nasa panaginip ka pa rin pala. Paulit ulit at nakakapagod. Ayoko sa lahat ang binabangungot kase minsan nahihirapan ako bumalik sa katawan ko sa sobrang lakas nila. Marami sila don, iba iba at sobrang kulit. Anyway wala na ko sa company na yon. Lumipat na ko sa mas maganda ang bigayan. Yun nga lang same building lang. 12th floor ako dati, ngayon sa 5th floor na lang. May creepy experience din ako sa bago ko company that I'll share next time. -k
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES
ParanormalALWAYS UPDATED. KATATAKUTAN. KABABALAGHAN. HANGGANG SAAN ANG KAYA NG IMAHINASYON MO? my favorite true to life stories from spookify. Visit their facebook page for more. No copyright infringement intended. I do not own the stories.