Noong una, akala ko ang mga kakaibang nilalang ay nagpapakita lamang sa school, bahay, or somewhere creepy o 'di kaya ay kung mag-isa ka lang. Pero ang experience ko ay nagpa-iba ng paniniwala ko.October 29, 2015; around 7pm. Pauwi ako galing sa Manila (to Las Pinas). Nakasakay ako sa isang bus na may rutang dumadaan sa Cavitex. Nakaupo ako sa bandang gitna ng bus na medyo malapit na sa likod. Dun ako sa dalawahan lang na upuan at nakatabi sa bintana. Sobrang siksikan sa bus at yung konduktor ay nagpapasakay pa din kahit siksikan na.
Ito na.. Yung bus medyo dim yung light kasi parang pundido na yata? Nung bandang Coastal na, may tumatawag na ""Ate, ate, ate" paulit-ulit lang siya. Ang weird lang kasi naka-earphones ako tapos malakas pa yung volume pero parang ang lakas pa din nung tumatawag. Parang ako lang ang nakakarinig sa bus (Or baka patay malisya lang sila). Tapos biglang kumati yung binti ko so syempre kinamot ko. Paulit-ulit pa din yung tawag tapos yung pangangati ng binti ko. Pero keri lang, iniisip ko kasi na baka pasahero sa ibang upuan.
Edi balik na sa earphones at pagpikit ng mata sabay subsob ng mukha sa bag. Nung makalagpas na kami sa Toll gate, may parang humila ng palda ko kaya tinignan ko. At iyon na yata ang pinakamalaking pagkakamali ko! May bata doon! Nasa ilalim nung upuan at nakahawak sa palda ko tapos nakangiti pa. Yung mata niya puro itim lang, sobrang puti niya at naglalaway. Napaangat ako ng bahagya sa upuan kaya nagising yung katabi ko at tumingin lang sa akin na parang wala lang. Pero yung bata nakahawak pa din sa palda ko! Umiyak ako tapos nakatingin yung mga tao. Ang ginawa ko ay pumikit na lang at nagdasal habang umiiyak.
Sabi nung katabi ko ""Miss, ok ka lang?"" Hindi ko lang masabi sa kanya na ""P@$$%#^#6!, may bata sa paa ko, tingin mo ok lang ako?"" Pero hindi eh, hindi niya ata nakikita yun. 'Di ko na lang siya pinansin. Tuloy ako sa pag-iyak at pagdadasal hanggang nung nakarating na sa Zapote yung bus, nagbabaan na yung tao. Dire-diretso akong tumayo at lumipat sa unahan malapit sa driver (Ayokong bumaba dahil wala na akong pamasahe T......T) Hindi na ako lumingon, ayoko na. Habang naghihintay akong makarating kami sa Southmall, puro lang ako dasal at hikbi. Nung tinatanong ako nung driver hindi ko pinapansin, biglang sumabat yung kunduktor ""Baka may nakita yan, hehehe""
Nung nakababa talaga ako, hinubad ko yung sapatos ko (Dahil may takong) at tumakbo ako ng hindi lumilingon sa bus kasi feeling ko nakatingin yung bata eh T.......T Kaya simula nun, sa FX na ako sumasakay or minsan nagpapahatid na lang ako sa motor kahit hassle.
Hanggang ngayon talaga, putspa, takot pa rin akong sumakay sa bus, lalo na sa mga bus na _________. Never!
Ms.Peabody
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES
ParanormalALWAYS UPDATED. KATATAKUTAN. KABABALAGHAN. HANGGANG SAAN ANG KAYA NG IMAHINASYON MO? my favorite true to life stories from spookify. Visit their facebook page for more. No copyright infringement intended. I do not own the stories.