Hallway

333 3 0
                                    


Magandang gabi spookify. Ako ulit to si kevin . Para sa mga sawa nang marinig ang pangalan ko. Good for you. Ito po ang kwento na nangyare ngayon taon lang.
Yung feeling na, sobrang pagod kana kasi simula umaga hanggang hapon tuloy tuloy subject nyo. Isa akong college student sa di ko na papangalanang school.
Last subject na nun, nasa aircon room kami that time, nasa pinaka dulo ng hall way ang room namin nun, 2 storey yung building pero vacant na ang second floor sa hindi ko alam na dahilan. Around 5:30 pm nasa kalagitnaan na kami ng klase ng biglang mapansin ng isa kong classmate na sumasarado ang pinto ng hallway ng dahan dahan.
Non- verbatim
Siya : (pinagmamasdan yung pintuan na dahan dahang sumasara) bes? Tignan mo yung pintuan. ( that time, merong nagkaupo sa labas kasi hindi na kasya sa loob)
Lahat nung nasa labas ay biglang napatingin
Biglang hinampas ang pintuan ( yung may bwelo at may pwersa ang pagsara!) edi lahat nung nasa labas nagsitakbuhan papasok. Hindi mo maipaliwanag ang takot sa mukha nila. Tumahimik saglit at muling hinampas ang pintuan sa hallway, nakakapagtaka lang kasi na bakit may magtatangkang pagkarian kami e ganun na wala na lahat ng tao maski ang mga senioir HS.
Lumabas ako, at maglakas loob na silipin kung sino ba talaga. Lahat ng klasmeyt ko nagka stampede na sa loob, yung iba umiiyak na. Lumabas ako para tignan.
Nakita ko ang isang gwardiya na nakatayo sa harapan ng pintuan at nanlilisik ang mata! Nagkatitigan pa kami ng sandali at pumasok na ako para isarado ang pintuan ng rum. Saksi lahat ng classmate ko sa araw na nangyare yun. after ilang minute na katahimikan at dasal, nagpasya kaming lumabas pero paglabas namin, yung mga trash can sa labas at tumba na. hindi na nila pinansin iyon. Basta ang iniisip nila ang makalabas na.
Pasensya na kung boring! HAHAHAHAH salamat sa makakaappreciate . Thankyou spookify.
#AvidReader

SPOOKIFY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon