Zyle Ford at multimedia-------------------->
Zyle POV
Room 101
Pag pasok ko pa lang sa room na to ay bumungad sa akin ang masayang mukha ng babae na dati ko ng minahal.
"Zyle ko!"
-CelestineZyle ko.. Yan ang tawag niya sa akin.
Umupo ako sa tabi ng Kama niya habang si Jackson ay lumabas muna saglit para bumili ng makakain at para bigyan na rin kami ng privacy.
"How are you?"
Simpleng tanong ko sa kanya.
Medyo nagulat siya pero bumalik sa pagkamasayahin ang maamo niyang mukha.
"Ok lang ako! Wag kang mag-alala! Zyle ko pinapatawad mo na ba ako?"
-Celestine"Matagal na kitang pinatawad Celestine"
At nagulat ulit siya dahil tinawag ko siyang Celestine, hindi ang Celestine ko..
"Zyle ko may problema ba tayo? *sob* Hindi ka ba masaya na b-buhay ako? *sob*"
-CelestineMasaya ako na buhay siya, pero hindi ko alam na ang kasiyahan na nararamdaman ko ay pawang pangkaibigan na lamang.
"No, actually I'm glad that you're alive"
At bumalik ulit ang mga ngiti niya sa mukha niya na minsan na ring nagpainlove sa akin, pero noon yun..
"Ganun ba? Sabi ng Doctor pwede na daw akong makalabas ng hospital! Pwede bang doon muna ako sa mansyon niyo?"
The heck! Hindi pwede! Baka makita niya si Shainne.
"Hindi pwede Celestine"
"Huh? Bat dati pinapayagan mo ako na makatira sa mansyon? At napansin ko lang bat di mo na ako tinatawag na Celestine ko? At bakit parang nag-iba ang pakikitungo mo sa akin? Zyle ko alam mo naman na namimiss kita!"
-Celestine"Celestine noon yun, iba na ngayon"
"Ganun ba? Ibig sabihin iba na rin ang mahal mo? Tell me Zyle! Mahal mo pa ba ako?"
-CelestineSabi niya habang hinahawakan ang magkabila Kong braso at unti unti na naman siyang umiiyak.
"Celestine mahal kita, pero bilang kaibigan na lang, patawarin mo ako"
Hindi ko na siya hinintay na magsalita ulit at lumabas na ng silid na iyon dahil alam ko na kanina pa nasa pinto si Jackson na nakikinig sa usapan namin.
"ZYLE KO!!"
-Celestine"Dude take care of her"
Sabi ko Kay Jackson at tinap ang balikat niya.
"Ganun na lang yun Zyle? Hindi mo man lang ba siya bibigyan ng isang pagkakataon? "
-JacksonHindi na ako nagsalita at lumabas na sa hospital na iyon.
Aaminin ko na jerk ako dahil ganun na lang ang itunuring ko sa kanya at iniwan na lang basta basta, kasalanan niya yun, kung di niya ako iniwan ay baka Hindi ako naging ganito.
Oo na at ako ng masama, kasalanan ko ba kung nawala ang feelings ko sa kanya sa mga panahon na wala siya?
Alam ko na wala siyang kasalanan, at ako naman talaga ang may kasalanan dahil may iba ng laman ang puso ko.Kasalanan ko ba kung iba na ang tinitibok ng puso ko?
Shainne Ryu..
Ang totoo matagal ko na siyang kilala, nakilala ko siya kay Celestine na minsan niyang kinwento sa akin nung kami pa at alam ko na ako lang ang pinagsabihan niya tungkol sa bestfriend niya.
Nung Una puro masasamang salita ang sinabi niya sa bestfriend niya, ngunit sa dulo ay talagang namimiss niya ito.
Kaya nagpasya kami na puntahan ang bestfriend kahit sa malayo lang kami nakatingin.
At aaminin ko ng mga oras na yun at parang huminto ang mundo ko habang pinagmamasdan ko siya at tumibok ng mabilis ang puso ko.
Alam Kong Mali ito dahil may girlfriend ako, pero dahil tanga ako, Simula nun ay lagi ko siyang sinusundan sa malayo, nagmumuka na nga akong stalker nun, ay Hindi admirer pala, Poging Admirer -__-
Tinitingnan ko ang mga stolen pictures niya na kinukuha ko habang sinusundan ko siya, nagtaka na nga si Celestine nun dahil lagi akong umaalis at Hindi ko na siya nabibigyan ng oras.
Lumipas ang panahon at natigil ang kahibangan ko sa kanya at nakalimutan ko siya. Pati ang feelings ko...
Pinagpatuloy ko na lamang ang nararamdaman ko Kay Celestine, minahal ko siya ng totoo, kaya labis talaga ang sakit na naramdaman ko ng nawala siya.
Nangako ako sa sarili ko wala akong ibang mamahalin kundi si Celestine lang, pero sabi nga nila Hindi lahat ng mga pangako ay natutupad, kaya sa huli kinain ko ang lahat ng sinabi ko nang lumipat siya sa school namin at bumalik nga ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya na akala ko'y nakalimutan ko na.
At sumobra nga ang kaligayahan na nararamdaman ko nung nalaman ko na magiging fiance ko siya.
Sa umpisa galit ako malamang, dahil Hindi na ulit ako makakapag-pasaya sa ibang babae -__-
But then, I realize na bumalik ulit ang lahat ng nararamdaman ko nung magkasama kami Kahapon.
Kaya sa pagkakatataong ito.
Shainne Ryu hinding hindi kita bibitawan...
----------------------------------------------->
Author's Note
Kyaaahhh!! Omo! Narinig na natin ang side ni Zyle! Paano na si Celestine? Iisa lang kaya ang nararandaman nila ni Shainne?
Abangan!
![](https://img.wattpad.com/cover/106777244-288-k991737.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Playmate (COMPLETE)
Jugendliteratur#1 in blackpink WARNING: MEDYO MAGULO ANG WRITINGS KO DITO BECAUSE FIRST STORY KO PA LANG HEHE What if playboy meets playgirl? And they fell inlove with each other? Magiging matibay ba ang kanilang relationship kung pareho sila ng hobby? O kaya tul...