Chapter 29

1.1K 40 2
                                    


Shainne POV

"Isa, dalawa, tatlo!" sabi niya at tumakbo ng mabilis.

"Waaaaaaahh!" sigaw ko at binuka ko ang isa kong kamay habang ang isa ay nakakapit pa rin sa leeg niya. Dinama ko ang simoy ng hangin habang tumatakbo kami.

Napapikit na lamang ako at ngumiti. Sana palagi na lang kaming ganito.

"Nandito na tayo." sabi ko dahil nasa tapat na kami ng dalampasigan pero nagulat ako ng tumakbo si Zyle sa dagat.

"H-hoy! San ka pupunt-- Waaahh!" napasigaw ako sa lamig dahil bigla akong binagsak ni Zyle sa dagat.

Umahon ako at pinaghahampas siya pero tinawanan niya lang ulit ako.

"Ano ka ba! Bakit bigla bigla mo na lang ako binibitawan!" sabi ko at hinampas hampas pa rin siya pero hinawakan niya lang ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. Nagulat ako dahil doon.

"Z-zyle?" nagtataka kong tawag.

"5 minutes.." yan lang ang sabi niya at niyakap pa ako. Nahihiya na ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya sinubsob ko na lamang ang mukha ko sa dibdib niya.

Celestine POV

"WHERE IS ZYLE?!" tumataguntong na sigaw ni Tito Kyle.

Oo hinahanap namin si Zyle. Paano ba naman kasi. Magaalas singko na ng hapon pero hindi namin siya macontact baka mamaya naaksidente na yun. Mawawalan pa ako ng asawa.

"Tito kinontact mo na po ba yung mga kaibigan at kaklase niya? Malay niyo po kasama lang nila si Zyle." nakangiti kong sabi.

Hindi pa nakasagot si Tito ng may pumasok sa pinto.

"What happened?" bungad na pasok ni Jackson.

"Alam mo ba kung nasan si Zyle?" nagaalalang tanong ni Tito.

"No Tito, hindi ko pa nga siya nakakausap ngayon. Bakit? Nawawala siya?" nagtataka niyang tanong.

"Hindi namin siya macontact. Hindi namin alam kung saang lupalop siya ng mundo napunta." sabi ko naman.

"Baka po si Luke alam niya teka Tito tatawagan ko lang po." sabi niya at umalis sa harapan namin.

Napaisip naman ako bigla. Saan ba madalas pumunta ang lalaking yon--

Shainne.

Tama si Shainne.

"Tito baka po magkasama sila ni Shainne ngayon." mahinang sabi ko at yumuko ng bahagya.

Nakita ko naman na lumapit sa akin si Tito.

"Ija hindi iyon gagawin ni Zyle nangako siya sa akin na hindi niya na kakausapin ang Shainne na yun okay?" nakangiting sabi ni Tito.

Sinungaling.

Tumango na lamang ako pero alam kong magkasama sila ngayon.

Hahanapin ko sila. Akin lang si Zyle. Akin.

"Tito nacontact ko na po si Luke, hindi niya rin alam kung nasaan si Zyle kaya pupunta po siya dito para tulungan tayong maghanap sa kanya." sabi ni Jackson.

Bigla naman akong humarap sa kanila at tumayo.

"Bakit hindi niyo tawagan si Shainne?"

"Shainne? Anong kinalaman niya naman dito?" nagtatakang tanong niya.

"Wag ka ng magmaang maangan Jackson alam kong alam mo na si Shainne lang naman ang laging pinupuntahan ni Zyle."

"What?!" galit na sigaw ni Tito Kyle.

Humarap ako sa kanya at nagsalita.

"Opo Tito. Alam niyo naman po yang si Shainne. Malandi po talaga siya ang hilig niya pong agawin ang kung anong meron sa akin. Ang sama sama niya po Tito." humihikbi kong sabi.

Nakita ko naman ang awa sa mukha ni Tito at niyakap ako.

"Don't worry ija. Gagawa ako ng paraan." sabi niya habang hinihimas ang likod ko. Napatingin naman ako kay Jackson.

Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Tito ano pong nangyari?" napabitaw sa akin si Tito ng may pumasok.

Si Luke at si Kuya.

"Nawawala si Zyle at kailangan natin siyang mahanap." seryosong sabi ni Jackson.

Nakita ko namang lumapit sa akin si Kuya.

"Tin? Bakit ka umiiyak?" Tin ang tawag sa akin ni Kuya kasi ang haba daw ng pangalan ko.

Ngumiti ako kay kuya.

"Wala to kuya. Napuwing lang." ngiti ko sa kanya. Ang ayoko sa lahat ay pinagaalala ang kuya ko.

Ngumiti na lang din siya sa akin at humarap sa kanila.

"Si Florelle may alam siya. Tawagan niyo siya."

Zyle POV

"Nagugutom na ako!" maktol niya habang hinahampas hampas ang paa sa dagat.

Nakaupo kami dito sa dalampasigan mismo at natatawa ako dahil kanina pa siya nagmamaktol pero ayaw naman tumayo.

"Tumayo ka na kasi diyan." natatawa ko paring sabi. Tiningnan niya naman ako ng masama.

"Tinatamad ako! Buhatin mo ako!" sabay pout niyang sabi. Natatawa na naman ako sa kanya dahil sa kakyutan niya.

"Oo na. Oo na." sabi ko at tumayo saka siya binuhat ng pabridal style.

Ngiting ngiti naman siyang tumingin sa akin.

"Ang gwapo mo."

"Alam ko na yun. Matagal na."

"Hindi man lang nagpahumble hmp." sabi niya at sumimangot. Kumunot naman ang noo ko dahil dun.

Sinabi niyang gwapo ako tas nung umoo ako, nagalit?

Abnormal talaga.

Bahagya ko siyang ibinaba sa malapit na upuan ng makarating na kami dito sa restaurant.

"Diyan ka lang. Oorder lang ako." ngiti ko sa kanya at saka umalis.

End of Chapter 29

****

Abangan..

"W-wala nga po akong alam.."

"Alam kong may alam ka. Magsalita ka na!"

"Luke tulungan mo ako!"

"Z-zyle.. Bakit.."

"S-shainne.."

*****

Ehem ehem! Sorry talaga kung ang tagal ko magupdate huhu. So ayun medyo nakakaexcite na yung mga susunod na eksena hehe. Sana patuloy niyo pa rin po akong suportahan kahit sobrang tagal ko magupdate! Huhu. Patience ppl of the earth! So ayun don't forget to vote and comment okayyy! Salamat sa pagbabasa!

Perfect Playmate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon