Zyle POV
Bukas na ang birthday ko. And kasunod nun. Birthday na rin ni Shainne. Yeah. Magkasunod ang birthday namin. Ang saya diba? Feeling ko talaga meant to be kami.
Nandito ako sa sala. Nakaupo habang pinapakinggan mga walang kwentang gagawin nila sa birthday ko.
Nandito parents namin ni Celestine. Pati rin siya nandito. Kaya mas lalo akong nabadtrip.
Bored na bored ang mukha ko habang pinapikinggan sila. Wala naman akong pake sa birthday ko. Ang gusto ko lang ay makasama si Shainne.
Hindi na ako makatiis kaya nagsalita na agad ako.
"Alis muna ako." napatingin sila sa akin dahil dun.
"What?" nagtataka kong sabi.
"San ka pupunta?" tanong ni Celestine.
"Wala ka na dun." sabi ko at mabilis na naglakad.
Nakita ko naman na mabilis na sumunod sa akin si Celestine.
"Sasama ako."
"Pwede ba Celestine wag mo na akong samahan." naiinis na sabi ko.
"Sasamahan kita. Dahil may ipapakita ako sayo. Na dapat mo lang malaman diba?" nakangisi niyang sabi.
"Anong ipapakita?" nagtataka kong sabi.
"Ipapakita ko lang kapag pinasama mo ako sayo." nakangisi niya pa ring sabi.
"Kung ano man yan. Wala akong pake." sabi ko at papasok na sana sa sasakyan ng mapahinto ako sa sunod niyang sinabi.
"It's all about Shainne and Luke. Wala ka pa ring pake?"
Shainne POV (throwback ito bago yung POV ni Zyle okay)
Nakaupo ako dito sa isang seat sa bus katabi ko si Luke. Nagcecellphone lang ako dahil bored na bored ako sa byahe.
"Shainne bakit pala tayo nagbus?"
nagtatakang tanong ni Luke. Napangiti na lang ako.Maya maya ay huminto na ang bus at pinababa na kami. Sa wakas!
Mabilis akong bumaba at sumunod naman sa akin si Luke.
Nagtataka kayo siguro kung bat ako nagcommute ngayon? Wala lang gusto ko lang maexperience ang pagcommute bago ako magbirthday. Ihahatid din sana ako ni Luke gamit ang kotse niya pero sabi ko magcocommute kami.
Nakikita ko na ang bahay namin ang paghinto namin sa gate ay humarap ako kay Luke.
"Pwede ka ng umalis." nakangiti kong sabi.
"Aray. Ang sakit pagkatapos kitang ihatid di mo man lang ako papasukin?" umaakto pa siyang nasasaktan habang nakahawak sa dibdib niya. Tumawa naman ako.
"Nandito na kasi si Dad baka kung ano pang isipin niya pag pinapasok kita sa loob. You know gusto ko ng magbago at pinapatunayan ko na yun sa kanya."
"Oh sige kahit isang kiss na lang." sabi niya at ngumit ng nakakaloko.
"Anong pinagsasabi mo diyan? Layas na nga!" sabi ko at tinulak tulak ko siya pero tinatawanan niya lang ako.
Agad naman akong tumalikod pero di ko naramdaman na lumapit pala siya sa akin.
"Shainne sige na isang kiss lang naman--" pagalit na lumingon ako sa kanya pero dahil malapit siya sa akin ay hindi sinasadyang nagkalapat ang labi namin.
*camera flash*
Fuck!
Damn! Kailangan kong malaman kung sino ang nagpicture sa amin at kailangan ko ding malaman kung bakit niya ako minamanman.
Nagsorry sa akin si Luke pagkatapos nun. Binibiro niya lang naman daw ako. At ako pa talaga ang sinisisi niya! Bakit daw ako lumingon?! Eh kung hindi siya malapit sa akin hind yun mangyayari!
Nandito ako sa mall. Naghahanap ako ng pwedeng regalo kay Zyle. Wala akong maisip kung ano ang gusto niya. Hays. Ano bang pwedeng regalo?!
Napunta ang mata ko sa isang jewelry store.
Lumapit ako doon at tiningnan ang mga ito. At mapadako ang tingin ko sa isang kwintas na may moon pendant.
Agad naman akong napangiti at bumaling sa tindera saka ito binili.
Sana magustuhan niya ito.
Zyle POV
No! Hindi.. hindi niya ito magagawa sa akin..
Nandito kami sa Condo. Dito ko naisipang pumunta kasama si Celestine. Saka niya ibinigay sa akin ang isang brown envelope tungkol kay Shainne at Luke. At eto nga ang bumungad sa akin..
Shainne and Luke are kissing.
Imposibleng edited to dahil kitang kita na totoo ang bawat litrato. Hindi ko maiwasang higpitan ang hawak at lukutin ang litrato..
"No! Hindi yan totoo! Ano na namang pakulo ito Celestine?!" sigaw ko at hinagis ang envelope kay Celestine.
"Nasa harapan mo na ang katotohanan pero pilit mo namang itinatanggi. Hindi ka mahal ni Shainne! Wake up Zyle! Wake up! Matagal ka na niyang niloloko!" sigaw ni Celestine habang tinuturo turo ako.
"Tumahimik ka! Siguro may kinalaman ka dito no?! I know you! Desperada kang babae!" nakita kong natigilan siya at gumuhit ang sakit sa mata niya. Pero i don't care!
"Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Desperada? Mahal kita Zyle! Mahal na mahal! Kung mahal ka talaga ni Shainne bakit siya sumama kay Luke nung araw na yun? Bakit hinayaan niyang ihatid siya ni Luke at magpahalik? Wake up Zyle! Hindi kayo bagay ni Shainne. Hindi siya nararapat para sayo." sabi niya at hinawakan ang dalawa kong pisngi.
Napaupo ako sa kama at naramdaman kong may tubig na lumuha sa mata ko. Fuck! Ang sakit!
Pinunasan naman ito ni Celestine gamit ang thumb niya."Sshhhh Zyle.. Nandito lang ako okay? Hindi kita iiwan at hindi kita lolokohin tulad ng ginawa ng babaeng yan."
Celestine POV
"Sshhhh Zyle.. Nandito lang ako okay? Hindi kita iiwan at hindi kita lolokohin tulad ng ginawa ng babaeng yan." sabi ko at niyakap siya.
Oh well. Nagagawa ko na ang plano ko. Konti na lang mapapasaakin ka na rin Zyle.
At ikaw Shainne. Magsisisi ka na kinalaban mo ang isang tulad ko. Sabi ko naman sayo. Aagawin ko kung ano ang nararapat sa akin.
"Gusto mo ba ng inomin? Kukuha ako ng juice." hindi siya tumugon pero alam kong pumayag siya kaya agad agad akong pumunta sa kusina at kumuha ng juice.
Pagkalagay ko sa baso ay agad kong isinagawa ang sunod kong balak.
Nilabas ko ang maliit na boteng nasa bulsa ko at binuhos ang laman nun sa juice na nasa baso.
Saka binuhat ito at pumunta kay Zyle.
Inabot ko agad ito kay Zyle at mas lalo akong napangiti ng makitang inubos niya ito.
Mas lalo akong ngumisi ng makitang umeepekto na ang gamot. Binitawan ni Zyle ang baso at agad na napahiga sa kama.
After this night. Zyle will be mine.
![](https://img.wattpad.com/cover/106777244-288-k991737.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Playmate (COMPLETE)
Teen Fiction#1 in blackpink WARNING: MEDYO MAGULO ANG WRITINGS KO DITO BECAUSE FIRST STORY KO PA LANG HEHE What if playboy meets playgirl? And they fell inlove with each other? Magiging matibay ba ang kanilang relationship kung pareho sila ng hobby? O kaya tul...