Chapter 20

1.2K 50 3
                                    

Shainne POV

Nasamid ako dahil sa sinabi niyang good news daw. Pero bad news yan para sa akin. Letche.

"Are you okay Shainne?" sabi ni Celestine na may nanunuyang ngiti sa labi. Sarap mong hampasin kang kambing ka.

Hinimas ni Luke ang likod ko dahil hindi pa rin ako humihinto sa pagubo. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-igting ng panga ni Zyle habang matalim pa rin na nakatingin sa kamay ni Luke na patuloy pa ring hinihimas ang likod ko.

Are you affected Zyle? Nagseselos ka? Please tell me. I need an assurance.

"Ok ka lang ba? Gusto mo--"

"No, Luke I'm okay, I just need to go at the Comfort Room, Excuse me"

Sabi ko at hindi na sila inabala pa ng tingin dahil sa nagbabadyang tulo ng dyosang luha ko.

Bakit ganun? Ang sakit pala. Pero wala akong karapatang magreklamo. Dahil unang una hindi ko alam kung pareho kami ng nararamdaman, o ako lang itong nagaassume. Letche.

Pagpasok ko sa comfort room ay pumasok agad ako sa bakanteng cubicle at doon na binuhos ang nagbabadyang luha. Bakit kasi napakaiyakin ko?!

Parang kahapon lang cancelled na ang arranged marriage namin tapos ngayon may kapalit agad?! Letche para ka lang nagpapalit ng damit. I'm sure na pakana ito ng papa niya. Alam ko na mahal ako ni Zyle. Nararamdaman ko yun. Oh c'mon Shainne, Stop dreaming. Umaasa ka na naman.

Mas lalo akong napaiyak dahil sa kung ano anong pumapasok sa dyosa kong utak.

Tumagal din ako ng ilang minuto sa loob at paglabas ko sa cubicle ay naghilamos agad ako saka nagretouch at tumitig sa salamin.

Shainne Ryu, dakilang bitch playgirl. Anong nangyari sayo? Hindi ka ganito diba? Hindi ka dapat nasasaktan. Dahil ikaw dapat ang mananakit.

Bakit ba kasi ako nagmahal? Sandali mo nga lang nakilala ang lalaking yun, mahal mo na agad. Hindi ko rin alam. Pero kapag kasama ko siya, masaya ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gustong gusto siya ng dyosa kong sistema. Kumpara sa mga lalaking nakasama at nakasalamuha ko noon. Ibang iba siya. Kaya ka nasasaktan eh.

Kalimutan mo na siya Shainne. He's not even worth it. Wala kang mapapala. Huwag kang maghabol sa taong may nagmamay-ari na at hindi ka naman mahal. Nasasaktan ka lang sa wala. Malay mo pinaglalaruan ka lang niya. Bitch please nakalimutan ko nga palang dakilang playboy ang alien na yun.

Nagbabadya na namang tumulo ang luha ko. Kainis.

Inhale..

Exhale..

Shainne Ryu. Magpakatatag ka. Kalimutan mo na ang alien na yun. Ang alien na lagi ka lang pinapaiyak.

Forget Zyle Ford.

"Masakit ba?" she smirked.

Letche nagdadrama pa ako wag kang paepal.

"Oo.. Masakit.."

sabi ko at hinawakan ang dibdib ko. Para maramdaman niya ang dyosa kong pagaarte.

"Sabi ko sayo, Akin lang si Z--"

Hindi ko siya pinatapos dahil hindi pa ako tapos.

"Masakit sa pakiramdam na hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap na mas mahal ako ni Zyle kumpara sayo"

sabi ko sa kanya at nagkunwaring naiiyak saka ngumiti. Sa tingin niya basta basta na lang ako magpapaapi? Remember, I'm Shainne Ryu. The one and only bitch goddess playgirl.

Bigla naman siyang namula sa galit. Right, That's it. Magalit ka sa akin Celestine Hyun. Mas lalo mo lang pinapahalata na I'm better compared to you. No, I'm best. *smirked*

Perfect Playmate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon