Chapter 36

1K 38 1
                                    

Sorry dahil hindi pa pala eto ang epilogue :(( masyado kasing mahaba kaya pinutol ko muna pero ngayon ko na rin siya tatapusin! Maraming salamat sa paghihintay!

*****

Zyle POV

Pumunta ako sa bahay nila pero wala akong Shainne na nadatnan kundi puro mga katulong lang nila ang nandito.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Damn.

Biglang pumasok sa isip ko si Florelle.

Tama baka na kila Florelle lang yun.

Agad akong bumalik sa kotse ko at pinaandar eto agad papunta kila Florelle.

Bakit ganito ang pakiramdam ko?

Celestine POV

"Bakit ka ba nakipagkita sa akin?" tanong ng lalaking nasa tabi ko.

"At bakit kailangan dito pa?" iritadong tanong niya kaya natawa ako bigla.

Tinitigan ko naman ang lugar kung nasaan kami ngayon. Nasa bar lang naman kami ah anong masama dun?

"At bakit ka natatawa?" nakakunot niyang tanong.

Hindi ko naman maiwasan titigan ang hawak kong baso na naglalaman ng alak.

"At bakit ang dami mong tanong?" sagot ko naman sa kanya. Nakita ko na tinarayan niya ako kaya natawa ako ng malakas.

Nasa counter kami ngayon dahil gusto ko na ako ang kumukuha sa alak na gusto ko.

"Ano bang nangyayare sayo?" seryoso niyang saad ng dahilan ng pagkaseryoso ko rin.

"Bakit ganun?" di ko maiwasang tanong.

"Bakit ganun? Bakit hindi ko makuha ang nagiisa kong gusto? Lahat kaya kong ibigay para sa kanya. Pero bakit!"

"Ang sakit Jackson. Ang sakit sakit. Sobrang sakit alam mo ba yun ha? Siya lang naman ang kailangan ko pero bakit? Bakit..." mahina kong saad at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa lamesa ng counter na ito.

Jackson POV

Tinitigan ko siya habang natutulog siya sa counter na ito.

Nandito naman ako Celestine. Bakit hindi mo makita ang halaga ko?

Kahit ilang taon pa ang lumipas. Ikaw pa rin.. Ikaw pa rin ang gusto ko.

Huminga ako ng malalim saka kita inakap upang buhatin.

Ihahatid na lang kita sa inyo baka kung ano pa ang mangyareng masama sayo dito.

Lorraine POV

"Ikaw! Kasalanan mo to!" bulyaw ni Clarence sa akin.

Nandito kami sa loob ng bahay ni Florelle. Kanina pa niya ako sinisisi hindi ba siya nagsasawa sa boses niyang nakakairita?

"Pwede ba Clarence kanina ka pa sumisigaw tumahimik ka nga muna." naiiritang sabi ni Florelle. Nakita ko namang tumahimik na si Clarence.

Psh kung kanina niya pa yan ginawa edi sana kanina pa yan tumahimik.

"So ano ng gagawin natin."

"Ano pa ba? Edi pigilan si Shainne na umalis!" bulyaw na naman niya.

"Pwede ba Clarence pakihinaan naman ng boses mo magkakalapit lang tayo oh!" bulyaw rin ni Florelle.

"Oo na oo na, pasensya na."

Napatigil kami ng may narinig kaming paghinto ng sasakyan.

"Sino naman yun?" tanong ni Clarence.

Perfect Playmate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon