Chapter 35

906 33 5
                                    


Jackson POV

Lumabas ako ng hospital at agad na pumunta sa parking lot ng may napansin ako.

Wait. What? Is that Lorraine? Wait bakit parang sinasakal siya ni Clarence? Si Clarence ba yun?

Tatawagin ko sana sila ng binitawan na ni Clarence si Lorraine. Nakita ko ring tumingin si Lorraine sa relo nito at tinawanan si Clarence pagkatapos nun ay mabilis na pinaandar ni Clarence ang kotse.

Woah anong nangyare?

Agad akong pumunta sa kotse ko at tinawagan si Luke.

"Luke asan ka?" bungad na sabi ko dito.

"Wait Jackson may pinapagawa kasi sa akin si Zyle." ewan ko pero bakit parang malungkot ang tono ng boses niya?

"Are you okay?" narinig ko namang huminga ng malalim si Luke.

"Oo naman." at tumawa siya ng mahina.

"Teka teka ano bang pinapagawa ni Zyle? Asan ka ba?"

"Nandito ako sa jewelry shop.." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.

"Jewelry Shop? Anong ginagawa mo diyan?" narinig ko namang huminga ulit siya ng malalim.

"Pinapapili ako ng singsing ni Zyle.."

"Singsing? Ano ba yan Luke wag mo nga akong bitinin sabihin mo lahat."
naiinis kong sabi. Kanina pa niya ako binibitin eh.

"Pinapapili ako ni Zyle ng singsing. Magpopropose siya mamayang gabi... Kay Shainne.."

Napamura ako sa aking isipan. Kaya ba ganito reaksyon ni Luke? Ang insensitive naman talaga ni Zyle.

Shainne POV

"Ano ng gagawin mo ngayon?" mahinang sabi ni Florelle.

Hindi ko alam.. Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko ngayon.

Pagkatapos namin isaksak ang USB ay may nakita kaagad kaming file doon.

'For Shainne' ang nakalagay kaya alam kong para sa akin talaga iyon.

And yes pagkapindot namin dun ay bumungad sa amin ang isang video.

And we played it..

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.

Akala ko nung una ibang lalaki iyon pero hindi.. Alam ko ang katawan ni Zyle. Alam ko amg built ng buong pagkatao niya.

Akala ko.. Akala ko hindi niya ito gagawin sa akin. All this time. I've trusted him. Pero anong ginawa niya? Damn!

Naiinis ako. Naiinis ako sa kanya. Kay Celestine. At sa sarili ko. Bakit ba ako nagpatanga para lang sa kanya?

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

Napapikit na lamang ako sa inis at nagisip.

"Shainne.."

Hindi niya man lang ito sinabi sa akin. Kung sa kanya mismo nanggaling ayos lang. Papatawarin ko pa rin siya. Kasi alam kong may reason siya kung bakit niya ito nagawa.

Pero hindi eh. Sa ibang tao ko pa nalaman. Kung sino mang tao yun hindi ko alam kung mabuti o masamang dulot ba ito sa akin.

At mukhang wala siyang balak sabihin sa akin ito.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Dad.

"Shainne anong gagawin mo?" patuloy pa rin akong lumuluha pero wala akong pakialam.

Perfect Playmate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon