After 5 years..Jackson POV
"Nabalitaan ko ginawa mo ah." masungit na sabi ko sa babaeng to pero inirapan niya lang ako.
"Hindi mo makalimutan? Ang tagal na nun ah."
Laki na nga ng mata, ang hilig pang mang-irap.
"Psh. Kala mo kinaganda mo yang pag-iirap irap mo?" duro ko sa kanya.
"Kahit hindi naman ako umirap, maganda pa rin ako." mayabang na sabi niya.
"Wow lakas rin ng topak mo ah." singhal ko sa kanya.
"Oh ano? May nagawa ba yang pagsesend mo sa kanya ng pictures? Wala diba? Tingnan mo. Sila pa rin nagkatuluyan." sermon ko naman.
Ilang taon na rin ang lumipas pagkatapos nun. Wala na akong balita kay Celestine at kung tatanungin niyo kung mahal ko pa rin siya?
No, hindi na.
Although mahal ko pa rin siya bilang kaibigan na lang. Natanggap ko na kasi na kahit kailan imposibleng masuklian niya ang pagmamahal ko sa kanya.
Yes, mahirap. Sobrang hirap pero naging madali na dahil dito sa babaeng to.
Although kahit matagal na yun, ngayon ko palang naisipang itopic ito sa kanya. Curious kasi ako kung bakit niya nagawa yun.
"Pake mo ba?" masungit na sabi niya.
"Tsk. Tsk. Tsk. Akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mong paghalik sa akin ha?!" pasigaw na sabi ko habang dinuduro siya.
"Nasarapan ka naman?" nakangisi niyang sabi.
"Aba itong babaeng to--"
"Manahimik ka na nga. Ang daldal mo!" pataray na sabi niya.
"Bakit mo kasi ginawa yun?"
"Ang alin ba?" walang ganang tanong niya.
"Ay ang tanga. Yung pictures nga!" bwisit na sabi ko.
Isa na ako ngayong successful na engineer habang ang babaeng to naman ay isa ng reporter.
Hanep diba. Ang sungit sungit pero naging reporter pa.
Nandito kami ngayon sa isang sikat na bar sa Korea. Naisipan ko kasing lumuwas ng bansa after ng kasal nila Shainne at hindi ko alam kung bakit sumunod ang babaeng to.
"Psh. Inutusan lang ako."
Lagi itong nakabuntot sa akin kung saan saan at yes, magkapitbahay lang kami.
At dahil gwapo at mabait ako ay hinayaan ko na lang siya.
"Bakit ka naman sumunod?" taka kong tanong.
"May kapalit kasi yun."
"Ano naman?"
"Gusto mong malaman?" nagulat ako dahil bigla siya sa aking tumingin.
"Oh.. Anong tinitingin tingin mo dyan!"
"Gusto mo nga bang.. malaman?" nakangising sabi niya habang titig na titig sa akin.
Ano bang nangyayare sa babaeng to?
"A-ah.. Oo.. H-hoy L-lorraine umayos ka nga! A-ano ba kasi yun?"
Bakit ba ako nauutal!
Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin saka bumulong.
"Ikaw."
"H-huh?" utal kong tanong.
Bakit kasi ang lapit niya!
"Ikaw ang kapalit." ngisi niyang sabi saka ako kinindatan.
BINABASA MO ANG
Perfect Playmate (COMPLETE)
Teen Fiction#1 in blackpink WARNING: MEDYO MAGULO ANG WRITINGS KO DITO BECAUSE FIRST STORY KO PA LANG HEHE What if playboy meets playgirl? And they fell inlove with each other? Magiging matibay ba ang kanilang relationship kung pareho sila ng hobby? O kaya tul...